"D-Dragon, kailangan mo pa ba talagang umalis?" naluluhang tanong ko. Ngumiti siya sakin at tinapik ang ulo ko. "Babalik din naman ako eh. Gusto ko lang mawala na 'tong kahibangan ko." tuluyan na kong napaluha sa sinabi niya. "Bakit kasi kailangan mo pang magkagusto sakin eh?!" naiinis na sabi ko at hinampas siya sa balikat. Nandito kami ngayon sa airport para ihatid si Dragon. Nandito sina Kyla, Xyrille at ang Danger Zone maliban kay Ice. Inaasahan na naman namin na hindi siya pupunta. "Mamimiss kitang hayop ka." sabi ni Lion at tinapik sa balikat si Dragon. "Pagbalik mo, siguraduhin mong burado na ang nararamdaman mo para kay Shenna." sabi pa ni Tiger. "Oo nga. Para naman magbati na kayo ng yelong yo'n." sabi ni Kyla. "Payakap nga sa inyo, mamimiss ko kayo." sabi ni Dragon

