KILLER SUMMER "Nasaan tayo?" Nakangiti kong tanong kay Jacob habang nakatingin sa buong bayan ng Las Huelva. Inunat ko ang kamay ko at suminghap. Pahapon na at lumulubog na rin ang araw sa bandang silangan. Nasa likod ko si Jacob, naririnig ko ang click ng dala niyang camera. "Sa itaas ng bundok..." tumawa siya. Umasim ang mukha ko pero hindi ko na binalingan. Baka wala talagang pangalan ang lugar na 'to, hindi rin naman ito private property. Isang oras at kalahati ang binyahe namin patungo rito. Bale, sa bandang dulo ito ng Las Huelva. Sa tanawing nakikita ko, ang malaking ilog ng Agora ang boundary ng bayan namin at kabilang bayan ng Las Huesca. Sa pagkakaalam ko ay magulo roon dahil 'di hamak na mas malaki ang bayang iyon. Mas marami ang makapangyarihang pamilya ang naniniraha

