CHAPTER 32 - B ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Pagkalabas ni Kyra sa loob ng kwarto ay walang nagawa si Dylan kundi mapatulala sa kawalan. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nanatili sa kwarto niya. Hindi niya na hinabol pa ang dalaga dahil alam niyang wala namang saysay kung hahabulin niya pa ito. Napangiti siya habang unti unti niyang naalala ang mga panahon na kasama niya pa ito. “Dylan, kung papipiliin ka ba kung ang basketball ba o ako, anong pipilin mo?” naalala niyang minsang tinanong ni Kyra sa kanya. “Syempre, ikaw!” nakita niyang kinilig ang dalaga sa naging sagot niya, “Ikaw ba kung papipiin ka, ako ba ang pipiliin mo?” “Anong option ba?” tanong ni Kyra kaya napangiti si Dylan. “Kahit sino o anong mahalaga sa ‘yo. Anong pipiliin mo?” napaisip ang

