CHAPTER 23 - A Limang taon. Sa limang taon na magkasama kami ni Jamir ay wala akong ibang inisip kundi siya, iniisip ko kung galit ba siya sa ‘kin, kung may nagawa ba akong mali, o kung anong nagawa ko na ikasasama niya. Sa limang taong ‘yun ay wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ni Jamir. Kaya naman kahit labag sa loob ko ay pilit kong kinalimutan ang nakaraan. Pinilit kong hindi balikan ang kahapon at manatili sa kasalukuyan kasama siya. Ngunit hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang tanong sa ‘kin isipan. Tama ba ang desisyong ginawa ko? Tama bang mas pinili kong talikuran ang nakaraan para sa taong kasama ko sa kasalukuyan? Inisip ko rin dati kung paano kung may naghihintay talaga sa ‘kin? Paano kung may mga naiwan ako na akalang patay na ako? Maraming sumagi sa isip ko

