CHAPTER 5
** CASSY POINT OF VIEW **
Kinabukasan.
“Good morning, Ma’am.” Agad kong sinalubong si Ma’am Laura. She’s like a tita to me dahil siya ang nagpaaral sa ‘kin dati. Amo siya ng mama ko kaya rin magaan ang loob ko sa kanya. Marami akong napagdaanan bago ako nakapagtapos ng pag-aaral. Sinalo lahat ng pamilya ni Ma’am Laura ang bayarin ko sa University pero hindi rin pwedeng hindi ako magtrabaho.
Nag trabaho ako sa bar ng dalawang taon. May naging sugar daddy rin ako noon na binubugbog ako halos araw-araw. Ganon ang naging takbo ng buhay ko hanggang sa makapagtapos ako. Akala ko matatapos na lahat ng mga naranasan ko noon pero hindi ko namamalayan ang sariling kong hindi malayo sa bisyo ko. Nasanay ako sa mga bagay na hindi dapat kaya nong nalaman ‘yun ni tita Laura ay inahon niya ako sa putikan at binigyan ng trabaho. Naalala ko pa ang sinabi niyang walang makakabago sa buhay ko kundi ako lang.
“Kamusta ka na hija?” napangiti ako. Talagang ngang mag-ina sila ni Dylan. Pareho silang maganda at gwapong nilalang. ‘You f*ck his son,’ napailing ako sa ‘king naisip saka ako ngumiti kay tita.
“It’s okay, tita. Nag-aadjust pa rin.” Nag-aadjust pa rin si b****a sa sandata ng anak niyo. I bit my lip. Hindi ko pwedeng sabihin kay tita Laura na may nangyari sa ‘min ng anak niya dahil paniguradong magagalit siya. Kahit hindi niya naman sabihin ay alam kong maduming babae ang tingin niya sa ‘kin.
“Hindi ka ba inaaway ng anak ko?” tumatawang tanong nito at umupo sa sofa. Kararating niya lang galing Bohol tapos mamaya ay aalis na naman siya. Andito siya para bisitahin ang alaga ko. Napangiti ako dahil kahit na 27 years old na anak nila ay talagang bantay sirado pa.
“I can handle it, tita.” I smiled.
“Nasaan nga pala si Dylan?” tanong niya at nilibot ang paningin nito.
“Naliligo pa po yata. Teka, kakatukin ko po –“
“’Wag na.” pigil niya sa ‘kin ng tatayo na sana ako. “Alam mo naman ang anak ko, ayaw na ayaw niyan na kinukulit siya o pinagsasabihan siya kaya minsan hinahayaan ko na lang siya sa gusto niya.” Hinawakan niya ang kamay ko, “Kaya hija kung pinapahirapan ka niya, sana ‘wag kang mawalan ng pag-asa.” Napangiti ako. Oo, pinapahirapan niya ako pero naiintindihan ko ang mga tulad niya. Hindi man nakikita ng iba pero malalim ang sugat ni Dylan sa puso niya na kahit sino ay hindi ito kayang gamutin. Maliban na lang siguro kung pati siya mismo ay susubukan ‘to.
Sinabi ko kay Ma’am Laura lahat ng mga pinaggagawa ni Dylan. Lahat kasi dapat e report ko sa kanya basta tungkol na sa kaisa-isang anak niya. Wala namang nagbago dun maliban na lang sa may nangyayari sa ‘min ng anak niya. Hindi ko ‘yun sinabi sa kanya dahil baka mawalan pa ako ng trabaho. Kontento na ako sa buhay n a meron ako at ayoko ng bumalik sa basurang pinagmulan ko.
“Ma’am, matanong ko lang..” ininum niya ang kape niya saka tumingin sa ‘kin. “Sino po ba si Kyra?” agad na napahinto siya at saka nilagay ang baso ng kape sa lamesa.
“Paano mo siya nakilala, hija? Sinabi ba sa ‘yo ni Dylan?” nakangiti niyang tanong, “Madalang lang mag kwento si Dylan tungkol kay Kyra. Hindi niya ugaling mag kwento sa buhay ng ex girlfriend niya.”
“Bakit po sila naghiwalay?” deretsong tanong saka siya napatitig sa ‘kin, “Ah. Hehe. Narinig ko po kasi siya habang tulog na binabanggit ang pangalan ni Kyra kaya natanong ko.” Tumango tango naman si Ma’am Laura. Buti na lang at nakalusot ako dun.
“Hindi ugali ng anak ko ang mag kwento. Mas gusto niyang laging mag-isa at iniisip na kasama niya si Kyra, ang ex girlfriend niya.” Tumango naman ako at nakinig sa kanya. Gusto kong mas maintindihan si Dylan kung bakit ganon na lang ang pagmamahal niya sa ex girlfriend niya at bakit hinayaan niya na iwan siya nito.
“Matagal ng patay si Kyra. Anim na taon na ang nakakaraan mula nong aksidente.” Napahinto si Ma’am Laura sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nilabas si Dylan na mamasa-masa pa ang buhok. Agad naman akong lumapit sa kanya at inayos ang buhok niya. Kumuha ako ng towel para punasan ito. Marahas niya naman akong tinulak.
“Son! ‘Wag kang ganyan sa nurse mo!” sigaw ni tita Laura at napayuko naman ako.
“Psh!” naglakad ito hawak ang sungkod niya papunta sa kusina. Agad namang sumunod si Ma’am Laura sa kanya.
Ilang oras pa na nanatili si Ma’am Laura bago ito nagdesisyon na umuwi. Agad kong hinanap ang alaga ko pero nakalock na naman ang pinto nito. I rolled my eyes and knock the door.
“Hey? Sir? Pagbuksan mo ko.” Mula nang nasundan na may nangyari sa ‘min ay ramdam kong iniiwasan niya na ako. Alam ko namang gusto niya rin ang nangyari sa ‘min pero pinipigilan niya ang sarili niya. Ano bang mali kung ibigay niya ng Malaya ang katawan niya sa ‘kin? Psh! Sino bang babae sa ‘ming dalawa?
“Sir? Sir?” nagulat ako ng biglang sumulpot si Mang Fernand sa likod ko. Akala ko anong gagawin niya pero inabot niya lang sa ‘kin ang susi. “Thanks.”
Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto at hinanap ng mata ko ang amo ko. Nakita ko siya sa may veranda at nakaupo. Kung titingnan mo siya ay para talaga siyang nakakakita dahil sa itsura niyang nakatitig lang sa karagatan. Napangiti ako saka dahan dahang lumapit sa pwesto niya. Tumayo ako sa likod niya malapit sa kinauupuan niya.
“Bakit ka pumasok?” nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Tiningnan ko ang mukha niya at sa harapan lang siya nakatingin. Kinaway-kaway ko ang kamay ko sa harapan niya at sinubukan kung nakikita niya ba ako saka ako napatili ng hawakan niya ang kamay ko.
“Nakakakita ka na?” tanong ko. Hindi siya sumagot kaya umupo ako sa katabi niyang upuan at tiningnan siya. Agad niya namang binitawan ang kamay ko saka pinikit ang mga mata niya.
“Hindi ako nakakakita pero hindi ibig sabihin non na hindi ako nakakaramdam. Magkaiba ‘yun.” Tumango tango naman ako kahit hindi ko siya naintindihan. Nanatili kaming nakaupo at nakaharap sa dagat. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman ugaling makipagkwentohan. Kung may problema siya, may problema rin ako. Kung ayaw niya ng kausap, mas ayaw ko naman ng kausap! Psh! Sayang ang kagwapohan niya kung susungitan niya ang ganda ko.
“Cassy?” tawag niya sa pangalan ko. Tiningnan ko naman siya at muli kong nasilayan ang maamo niyang mukha, ang mapupulang labi at itim na buhok. Para siyang si Cha Eun Woo ng Kdrama na True Beauty. Ang gwapo niya plus points pa ‘yung abs niya. Darn! Sinong babae ang hindi magpapantasya sa kanya?
“What?” kunwareng masungit na tanong ko saka ko naalala na amo ko ng apala siya. “Ano po ‘yun sir?” napangiti siya sa pagbago ng pananalita ko.
“May suot ka bang panty ngayon?” napanganga ako sa tanong niya. Seryoso? Tinatanong pa ba ‘yun? Nagulat ako ng bigla siyang humalakhak dahil hindi ako nakasagot agad. Ginagantihan niya ba ako? Lalo akong natulala ng makita ko ang dimple niya. Mas naging gwapo siya ngayon tumatawa siya. Nagiging singkit ang mata niya at kitang kita pa ang dimple niya, “Oh, ba’t hindi ka makapagsalita?”
“Psh! Nagbibiro ka na ngayon ha,” kunwaring inis na sabi ko saka ulit siya natahimik pero nandon pa rin nang ngiti sa labi niya. Alam ko na na gwapo siya pero mas gumwapo yata siya ngayon at talagang hindi ko maalis ang titig ko sa kanya.
“Totoo nga. Naranasan mo na bang –“
“Ano? Makikipagsex ka? Madali naman akong kausap eh!” agad ko siyang tinayo.
“Teka, teka. Hindi pa nga ako tapos.” Umupo siya kaya napasimangot akong umupo. Sayang! Akala ko pupuntos ulit ako. Na aadek na yata ako sa lalaking ‘to dahil gustong gusto ko siyang araw arawin. Ano ba Cassy? May ilalande pa ba? “Ano ba kasi ‘yun?” tanong ko. Nakita ko pang ngumiti siya sa inasal ko kaya muli siyang nagsalita.
“Naranasan mo na bang magmahal?” tanong ni Dylan na siyang nagpahinto sa ‘kin. Maraming beses na akong nagmahal pero ni minsan hindi ko naranasang masaktan tulad ng sa kanya. “Naranasan mo na bang mawalan?” tuloy niya. Napaisip naman ako sa tanong niya.
“Magmahal? Oo, naman naranasan ko ang magmahal. Nakatuwa sa feeling, ang sarap ka s*x, ganon.” Narinig kong tumawa siya sa tabi ko kaya natawa rin ako sa sagot ko.
“Seryoso kasi . .” halos tumaas ang kilay ko. Pakiramdam ko nagpapa cute siya sa harapan ko pero normal na normal ang pag acting niya. Napalunok ako.
“Seryoso na. Oo, naranasan ko. Nasarapan din naman sila at nasarapan din ako.” Tumawa ulit siya kaya tiningnan ko siya ng masama, “Seryoso kasi ako!”
“It’s not all about s*x, Cassy. Kung mahal ka ng taong mahal mo hindi niya hahayaang maramdaman mo na s*x lang ang habol niya sa ‘yo.” Psh! Ang cheesy naman nito. Ano ba ang pagmamahal? ‘Di ba ‘yun naman ‘yun? Pop the cherry, pop the cherry!
“Psh! Basta ganon!” inis na tuloy ko. “Hindi naman sa wala akong masyadong alam sa pagmamahal kasi namulat ako sa katotohanan na pag mahal mo, makipag s*x ka. Ganon,” simpleng sagot ko pero this time hindi na siya tumawa. Natahimik kami pareho iniisip ko kung ano ba ang iniisip niya. Mali ba ang naging sagot ko? Hindi ko naman alam na may question and answer portion pa lang magaganap ngayon sana man lang nakapag study ako.
“Masarap sa pakiramdam ang magmahal.” Panimula niya kaya muli ko siyang tiningnan. Ang akala ko ay nakatulog na siya habang dilat ang mata eh. “’Yung pakiramdam na mahal niyo ang isa’t isa at ‘yung pakiramdam na nakikita mo na ang future mo kasama siya.” Napaisip naman ako. Hindi ko nakikita ang sarili ko kasama ang mga naging boyfriend ko. Nakikita ko sila sa ibabaw ng kama pero hindi ko sila nakikita sa future.
“Pero masakit rin mawalan. ‘Yung pakiramdam na maiwan ka na lang mag-isa habang siya ay nasa malayo na.” malungkot na tuloy nito.