CHAPTER 16 – A ** Third Person POINT OF VIEW ** Nakauwi na sila Dylan at Cassy galing sa pagdiriwang. Natulog na ang dalaga habang ang binata naman ay nanatiling dilat pa rin ang kanyang mga mata. Iniisip pa rin ni Dylan ang nakita niya kanina sa pagdiriwang. May parte sa isip niya na nagsasabing si Kyra ang nakita pero napakaimposibleng mangyari ‘yun. Tiningnan niya ang kanyang katabi na si Cassy. Mahimbing itong natutulog habang siya ay nag-iisip sa kanyang ex-girlfriend na si Kyra. Kahit anong pilit niya ay bumabalik pa rin sa mga alaala niya ang mga nakita niya kanina. Hindi pa nga ito nakontento dahil bago umalis ng hotel ay tinawagan niya pa ang secretarya niya para masiguro na walang Kyra Ayn Aragon na naka check in sa hotel. Napabuntong hininga na lamang ang binata. N

