CHAPTER 15 – A Agad hinanap ni Cassy ang kanyang cellphone sa kanyang pouch para buksan ang group chat nila. Nalaman niyang nasa hindi kalayuan lang ang mga kaibigan niya at nakaabang lang sa palabas na mangyayari ngayong gabi. Hindi tulad sa mga kaibigan niya, hindi sanay si Cassy sa ganito ka sosyal na pagtitipon. Yes, she went to party when she was in high school and college but this is a different one. Hindi siya sanay sa sosyalin, ngunit inaamin niya na gusto niya ang panibagong pakiramdam. Nalaman ni Cassy na dumating na rin pala si Jamir kasama ang girlfriend niya ngayon lang. Sinabing nitong magbibihis lang sila at sinabing susunod na lang. Kahit papaano ay nawala ang kaba sa puso ni Cassy habang ka chat ang mga kaibigan niya. Sa pagkakataong to ay alam niyang hindi siya n

