CHAPTER 56 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** “Eat this, and this,” saka inabot ni Jamir ang mga gulay kay Kaira habang kumakain. Inangat ni Kaira ang paningin niya at tiningnan si Jamir na seryosong inaabotan siya nang pagkain. Halos lahat ng nakahain ay may gulay. May prutas pa sa gitna tapos lemon juice rin ang kapares nito. Napailing na lang si Kaira saka ito ngumiti at tumigil sa kakakain, “What?” “Anong what? Para naman akong may sakit nito. Tingnan mo nga ang pagkain, tingnan mo nga ang nasa lamesa.” Saka niya tinuro ang nasa harapan nila. “Mamamatay na ba ako sa sobrang daming pagkain sa harapan ko –“ “’Wag ka ngang magbiro nang ganyan. Hindi ba pwedeng iniingatan lang kita dahil may buhay dyan sa tyan mo,” sabay turo nito sa tyan ni Kaira. Muling bumalik sa alaala ni

