Chapter 49 (PART 1) ** KAIRA POINT OF VIEW ** "Anong sinabi ko sa 'yo? 'Di ba sinabi ko na 'wag na 'wag kang aalis sa loob ng opisina ko? 'Di ba sinabi ko sa 'yo na dito ka lang? Hindi ka na naman nakinig! Kahit kailan ang tigas talaga ng ulo mo!" Mahabang talak ni Jamir nang makita niya ako sa loob ng opisina niya at umiiyak. Sinabi ko sa kanya na lumabas ako kanina at eksaktong nagkita kami ni Dylan. Umiyak ako ng umiyak dahil hindi ako makapaniwalang balewala lang kay Dylan na nagkita kami. Nagkita kami sa elevator at para bang hindi niya ako kilala. Hindi niya man lang ako pinansin at wala man lang siyang reaksyon ng makita niya ako. Para bang hindi na siya nagulat nang makita niya ako sa loob ng building na 'to. Sobrang awkward sa loob ng elevator kanina. Hindi ako nag salita dahi

