My psychiatrist often told me not toforce myself to remember my forgotten memories because there would be a perfect time for them. Unti-unti naman na akong nakakaalala. Sa katunayan ay naalala ko na nga iyong time na nasaksihan ko na may kabit si Daddy.
Noong una ay hindi ko naman masyadong iniisip dahil sigurado namang nalagpasan ko na iyon. As per Ate Sinag ay naging okay din kami ni Daddy kalaunan. But all of that suddenly went fresh in my memories.
Iyon ang dahilan ng biglaan kong paggising. Alam kong hindi panaginip iyon, isa iyon sa madilim na ala-ala ng buhay ko. Nakailang ikot na ako, nagbabakasakali na muling makatulog ngunit hindi ko na talaga nagawa. Kaya napagpasyahan ko na lang bumangon. I texted Kuya Drei that I will be at Square Bar. Kapag ganoon ay tinitimbre niya ako sa mga bartenders at bouncers niya. May live band ngayon before ang sayawan. I guess music would soothe my mood.
Tamang-tama na nasa Naic si Luna sa bahay ni Mommy. Naroon ang anak ko tuwing weekends dahil walang pasok sa school.
Isa pang dumagdag sa isipin ay kung paanong hahanapin ang tatay ng anak ko.
Kuya Lander - one of Ate Sinag's agents at Phoenix was assigned to it. As per my sister, ay may ilang impormasyon na sila kung sino pero kailangan pang siguraduhin. Next week ko pa malalaman ang buong detalye.
As much as I wanted to rush everything ay hindi pwede. Ayoko nang muling magkamali. I've done enough disappointment in the family. Pero kahit na maaga akong nabuntis ay never kong pagsisisihan na nagkaroon ng Luna. She is my shining star.
I sighed in frustration and stood up. Agad kong tinungo ang walk-in closet at naghanap ng maisusuot na party dress.
"Ba't 'di ka na lang nag-panty?" Biglang sambit ni Ate Sinag na nasa may kitchen counter pala. Hindi ko agad napansin. She was in front of her laptop. Nakasimagot siyang nakatingin sa akin. Sinipat ko ang aking sarili. I was wearing a simple v-neck body con dress. I'm voluptuous but I could still rack a dress and I'm confident of it. Oa lang talaga itong kapatid ko.
"Ate, I can manage. Ang daming staff doon. Saka hindi naman kabastos-bastos ang suot ko," ingos ko.
"Bahala ka. May baon ka bang condom?"
"Oh my god!"
"Tala!"
"Oo na, meron na." Nakasimangot kong binunot ang mula sa aking pouch ang tatlong condom. Siya lang naman ang naglalagay noon doon.
I have my pills with me at regular ko rin namang iniinom iyon because of my hormonal imbalance kaya hindi naman ako mabubuntis if ever I had some lay. Ang inaalala niya ay baka magkasakit ako.
Nagsimula ma-praning ang ate ko noong may namatay akong schoolmate sa Los Angeles because of HIV.
"Good. Mag-ingat ka."
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"You better get rest. Good night."
Moments later ay narating ko rin ang bar. Alerto agad ang mga staff sa loob. Una kong pinuntahan ang bar counter dahil madalas doon si Kuya Drei. Naabutan ko siyang nagmi-mix ng drinks.
"Kuya," tawag ko rito. Nag-angat ng tingin sa akin ang asawa ng ate ko at nakangiting tumango.
"Martini?" He asked me.
"Opo." Tumango ako.
I was too engrossed with the band that that was performing on stage. Hindi ko namalayan na nakarami na pala ako ng inom. Napasapo ako ng noo nang mapansing umiikot na ang paningin ko.
"Are you ready to party?!" Alingawngaw ng dj na ngayon ay nasa stage na. Everything was set-up for the dance party. It was Kuya Drei calling the attention of everyone. He was so hands-on in his business. Kahit na siya iyong may-ari at pwede na lang sa opisina ay pumapasok pa rin sa bar. Pero naglalagi lang naman siya ng mga three hours.
As expected, bumaba rin agad si Kuya Drei, dala niya na ang bag nang tunguhin ako. I smiled at him.
"Tara na, uwi na tayo," aya niya sa akin. Napailing ako.
"Susunod na rin ako, Kuya. Thank you."
"Sure ka, ha? Uuwi na ako."
Tumango ako. "Awatin mo na si Ate at nagta-trabaho pa rin." Dagdag ko pa. He kissed my forehead before he head out.
Nagsayaw ako upang humulas ang lasing, ngunit tila ba walang nangyayari dahil habang tumatagal ay lalo lang akong nahihilo at nalulunod sa kakaibang ligaya.
Parang may sumanib sa akin na maharot na demonyo.
"Woah!" I screamed with great joy, savoring the flirtatious music. My hips were grinding like hell, and my body went into overdrive.
Isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking baywang. Kahit medyo madilim ay nagpamalas ang lalaking nasa aking harapan ng aking kagwapuhan. Madalas ang pagtama sa kanya ng ilaw, revealing his smirk, defining his dimples. Ang medyo mahaba ang kulot niyang buhok ay sumasabay sa pag-indak ng kanyang katawan.
"What's your name?" He asked, whispering in my ears.
"I'm Tala." I giggled. "And your hair is so soft," I said as I run down down my fingers into his soft hair.
Gosh, I'm so drunk.
"I'm Junnie," sensuwal niyang pakilala sa sarili. Hinagod ni Juniie ang aking baywang, mula roon ay marahan iyong bumaybay pababa sa aking sasapnan. Napapikit ako nang makarating ang malalaki niyang kamay sa aking pang-upo. Mas naging mapang-angkit ang kanyang tingin nang bigla akong magmulat. I bit my lips and encircled my arms around his nape.
"Hi, Junnie. Bakit ang gwapo mo?" nang-aakit kong tanong.
"Hindi naman masyado.” He sexily chuckled. “Pero salamat, nakakalakas ng loob makipaglandian sa'yo."
Lalo niyang dinikit ang sarili sa akin at ginalingan ang galaw. I could feel his throbbing hardness poking my stomach but I don't mind it. Boys are boys, their libido is always on peak. And then moments later, I found myself gritting in pleasure and moaning Junnie’s name. Sana lang gwapo pa rin siya kapag hindi na ako lasing bukas.
Patapos na ang program ngunit wala pa rin si Ate Sinag. Kinuha ko ang cellphone at pinindot ang kanyang numero, pero tanging voice mail lang ang sumasagot.
Napahawak ako sa medyo malaki ko ng tiyan. Gutom na kami ni baby.
"Tala, wala ka pa bang sundo? Sabay ka na sa amin," aya ni Mildred, my classmate. Sobrang laking pasalamat ko dahil swerte ako sa mga classmate ko. Wala akong panghuhusgang narinig sa kanila nang malaman nilang buntis ako. Sa katunayan nga ay lagi nila akong binibigyan ng pagkain.
"Salamat, Mildred, pero parating naman na ang sundo ko," sabi ko. Tumango at huli at umalis na rin.
Ni-contact ko na lang ang driver namin na si Mang Jun. Mukhang hindi darating si Ate Sinag. Isang oras na akong naghihintay dito. Nakalimutan niya siguro na nangako siyang susunduin ako. Ayos lang naman dahil siya na ang nagbabantay kay Ate Bituin sa ospital. Baka pagod at antok na iyon.
Laking tuwa ko nang dumating na si Mang Jun. Sa wakas ay makakakain na ako. May pera naman ako pero mas gusto ko kasi iyong luto ni Manang Ising. Kumaway ako sa driver at nang madali naman akong nakita nito. Sa wakas, makakaupo na rin ako.
"M-ma'am, nawalan ho tayo ng preno." Tila ba nabingi ako sa sinabi ng matandang driver.
"H-ho? Eh, paano ho 'yan?"
"Ma'am mababangga ho tayo." Kalmado man ang tinig ay mababakasan iyong ng takot. I started to panic. Naluluha na ako, Kinakabog na ang dibdib ko hindi para sa sarili kundi para sa anak na nasa sinapupunan ko. Hapon na kaya wala nang masyadong sasakyan sa highway, sana wala kaming madisgrasyang iba. Ngunit hindi sapat iyon para maging ligtas kami. "Ma'am Tala, pasensiya na ho. Kailangan ko ho itong patigilin. Kumapit ho kayo!"
Lalo akong nataranta, humilab din bigla ang tiyan ko. Diyos ko, tulungan niyo po kami, dasal ko sa aking isip. Lalong bumilis ang pagpapatakbo ni Mang Jun.
Hindi ko na nakuhang magsalita pa at bigla na lang nilamon ng kadiliman nang makitang babangga kami sa isa pang sasakyan.
Hahangos-hangos ako nang magising. Kinapa ko ang sarili at kahit na malamig ang hangin galing aircon ay basang-basa ako ng malamig na pawis.
Hilam ng luha ang aking mga mata nang magmulat. Kinapa ko ang dibdib, makirot iyon at kinakabahan. Punong-puno ng lungkot at takot ang aking puso. I stared at the wall beside me.
Was that real or just a dream?
A vague of memories abruptly sliced on my aching head the moment I woke up. So it's not just a dream. Totoong nakaraan ko ang mga iyon. Tanda na tunay na mga ala-ala ang napanaginipan ko kung sumakit ang aking ulo pagkagising.
Napasentido ako sabay paling sa kaliwa. At kakaibang mainit na bagay ang sumalubong sa aking pisngi. It was balmy and hard, but it was a good "hard."
It felt good on my cheek kaya hinimas kopa ang mukha roon, nananatiling nakapikit. Natigil lang ako sa ginagawa nang may marinig na ungol. Napakunot noo ako sabay bukas ng mga mata. Parang galing iyon sa isang lalaki.
Nilingon ko iyon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko.
There was a f*****g d**k on my face!