NOVEL'S POINT OF VIEW Naupo siya sa kahoy na upuan kaharap ang pinaglagyan ng larawan nu Meliza, ang ina ni Maui. Katabi iyon ng abo. Malungkot akong ngumiti at tumabi kay Maui. Ginamit ko ang papel at panulat ko upang makipag-komunikasyon sa bata. “Na-mi-miss mo ang Mama mo, tama ba?” tanong ko at bumuntong hininga. Tango lamang ang naisagot niya sa akin at malubgkot na yumuko. “Alam mo, masasabi ko ang swerte mo pa rin sa kaniya. At isa pa, ang swerte mo rin at mayroong isang tao na tinuturing kang tunay na anak kahit hindi ka niya kadugo. Iyong pagmamahal na tunay ang ibinibigay sa iyo. Ako kasi noon iniwan din ako sa murang edad, pero ibang pang-iiwan. Hindi rin naging maayos ang relasyon ko sa nag-adopt sa akin . . .” malungkot kong saad. “P-Paano pong iniwan k-kayo?” tanong niya

