NOVEL'S POINT OF VIEW Maaga akong gumising, bago pa mag alas singko ng umaga ay mulat na ang mga mata ko. Kaagad akong naghanda ng masusuot bago naligo. Pinili ko ay pantalon na maong saka puting sweater dahil malamig. Matapos magbihis ay siya namang paglabas ko ng mga laman ng shoulder bag ko. Naagaw ang pansin ko sa isang kulay itim na kahon. Napakunot ang noo ko at nagtataka kung bakit naroon iyon. Kinuha ko ito at napansin din ang tila sobreng kakulay ng box, dark red ito. “Ano ang mga ito? Sino naglagay nito sa bag ko?” tanong ko sa sarili at dahan-dahang binuksan muna ang sobre. Sa loob ay may puting papel na nakalagay kaya binuklat ko ito. Dear Watashi No Tsuma, Please open the box sweety and whatever is inside of the box, it's for you. I love you so much! I would love to see yo

