NOVEL'S POINT OF VIEW “Saan nga pala ang kuwartong sinasabi mo?” tanong ko kay Ismael habang naglalakad kami. Ihahatid niya raw ako ngayon sa aking tutulugang silid. “Malapit na tayo watashi no tsuma,” sagot niyabat ngumiti nang malapad. “Okay . . .” Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa tapat ng silid na sa tingin ko ay iyon ang sinasabi niya. “D-Dito na ba?” tanong ko sa kaniya. Ngitu lamang ang tinugon niya sa akin. Pagkatapos ay binuksan niya ang malaking pintuan. Bungad pa lamang ay naaamoy ko na ang pabango niya. Tila nanatili na iyon sa silid at alam ko sa sarili ko na kaniya ito. “Aminin mo, sa'yo ang kuwartong ito tama ba?” Tiningnan ko siya nang diretso matapos at napansin ko pang napalunok siya. “Sa akin ang silid na ito, pero mayroong secret bed

