NOVEL'S POINT OF VIEW Ang tunog ng cellphone ko ang siyang gumising sa akin. Inaantok pa ako nang sobra at papikit-pikit ang mga mata habang tinitingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Agad naman akong nabuhayan nang makitang si Aling Mina iyon kaya agad ko itong sinagot. "Magandang umaga po, Aling Mina!" "Magandang umaga rin hija! Oh siya, kumusta ka na?" tanong niya sa akin. "Ayos lang naman po, kayo po? Wala po ba riyan sina . . ." Hindi ko na nagawang ituloy ang nais kong sabihin. Narinig ko naman ang pagbuntonghininga niya. "Umalis sila kani-kanina lamang at libreng oras ko pa sa ngayon. Hindi na ako nakatawag nang nakaraan dahil may mga inaasikaso ako. Yung naipatayo ko kasing lugawan noon ang ibang branch ay malapit na magbukas. Nanalo kasi ako sa lotto kaya alam mo na nagka-b

