NOVEL’S POINT OF VIEW PAGKAPASOK pa lamang ng tatlong lalaki na may suot na mask at may mga dalang pang-spray kasama ang isang katulong, hindi na kami nakapaghanda pa. Bigla-bigla na lang sila nag-spray na siyang dahilan kaya nasinghot namin ang amoy na napagtanto naming lahat sa huli na pampatulog pala iyon. “Maui, Ismael . . .” Kahit na hinang-hina at lumalabo na ang paningin ay sinubukan kong kumapa sa sahig at hanapin sila. Pero bago ko pa iyon magawa ay biglang may sumipa sa akin kaya naman ay lalo akong nanghina at ramdam kong 'di ko na talaga kaya pang kumilos. Hindi ko na nagawang labanan pa ang panghihina ko dahil tuluyan na ako nitong nilukob. HANGGANG sa nagising ako at sinubukang gumalaw subalit hindi ko magawa. Nakapatay ngayon halos ang ilaw sa mansion. Wala rin ang mga k

