AV ➭ 029 MERIENDA ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † “Walang hiya kang babae ka! Anong paninira ang sinabi mo kay Feitan tungkol sa ‘kin?” Galit na galit akong sinugod ni Aryssa dito sa lobby ng Huxley Enterprises. Naabot niya ang dulo ng buhok ko at hinila ito ng malakas. Parang matatanggal pati ang anit ko. Ang sakit! Bruha talaga. Agad na lumapit sa amin ang dalawang security personnel para awatin si Aryssa. Maging si Gia na abala sa pag-mop ng sahig, tumulong na. Pilit na inaalis ni Gia ang kamay ni Aryssa na mahigpit ang kapit sa buhok ko habang hawak-hawak ito ng securities. Nang maka-bwelo ako, in-uppercut ko si Aryssa dahilan para mabitawan niya ang buhok ko. Ininda nito ang labis na sakit ng pagkakasuntok ko. O. A. itong nag sisisigaw sa sakit. Muli naman siya hinawakan ng

