PROLOGUE

840 Words
ASHEN VEIL | The Assassin’s Collaboration Order of The Assassin DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are the products of the author's imagination, used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This story may contain matured scenes and profanities. Read at your own risk. ═════════•°•°•═════════ AV ➭ 000 PROLOGUE ꕤ 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓!!! ZACH FEITAN HUXLEY ⚜︎ “Paano nyo boss malalaman kung sino ang pumatāy sa uncle nyo?” Tanong ng bodyguard ko. Narito na kami sa lugar kung saan gaganapin ang isang underground auction. Nagsinungaling lang talaga ako sa girlfriend ko kanina. Ayaw ko na malaman niya ang tungkol dito. Simula ng malaman ko lahat ng maduming gawain ni uncle Danilo, pinasok ko ito hindi para ipagpatuloy kundi puksain. Kailangan ko malaman lahat ng pasikot-sikot at paano ito pinapatakbo. Ginagawa ko ito para kay uncle, mahal ko siya kagaya ng pagmamahal ko sa tunay kong magulang kaya ayaw ko siya mapahamak. Ako ang pupuksa sa maduming gawain na ito bago pa siya singilin ng karma at bawiin sa ‘kin. Naikuyom ko ang mga kamay ko nang maalala ang kalagayan ngayon ni uncle Danilo. Nasa bingit siya ngayon ng kamātayan dahil may nagtangka sa kanyang pumātay. Hindi ko alam kung anong rason ng taong ‘yun pero sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ang ginawa niya sa taong itinuturing ko na pangalawang ama. Bibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa kanya. Batas lang pwedeng sumingil sa mga naging maruming trabaho ni uncle, walang karapatan ang sino man na patāyin siya. “Malalaman ko sa mga mata niya.” Hinding-hindi ko malilimutan ang mga matang ‘yon. Ang mga mata niyang nangangahulugan ng kamātāyan pero hindi ako natatakot, ako mismo ang hahabol sa kāmatāyan. Naagaw ang atensyon ko ng isang tao, nakasuot siya ng mask. Hindi nakaligtas sa mga paningin ko ang mga mata niya. “Those eyes!” Nag-alab ang galit sa puso ko nang makita ang parehong mga mata na nagtangka sa buhay ni uncle Danilo. Gusto ko siya lapitan pero pinigilan ako ng tauhan ko hanggang sa makaamoy kami ng masangsang. Maya-maya pa, napansin na lang namin na may mga taong nakahandusay, isa na don si Rocco Lazaro. Mabilis akong inalalayan ng tauhan ko na makalabas. Natanaw ko pa ang tao na may kulay asul na mata, hindi siya nakaharap sa gawi namin. Sinadya ko abangan ang taong ‘yon. Malakas ang kutob ko kung saan siya dadaan at hindi nga ako nagkamali. Mabilis ko siyang hinila at bumulagta siya agad sa sahig. Walang tanong-tanong ko siyang sinuntok ng sunod-sunod hanggang sa tuluyan natanggal ang kanyang mask. Dumügø ang bibig niya sa mga binitawan kong suntok. Galit na galit akong nakatingin dito, “ikaw ang may atraso sa uncle ko! Hindi ko makakalimutan ang mga mata na ‘yan! Ikaw nagtangka na pumatāy sa kanya!” · · ─────── ·𖥸· ─────── · · LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † Hindi nga ako namatay sa tama ng bala o kahit anong sandata ng mga kalaban ko pero parang mamamatay naman ako sa laki ng sandata ng lalaking nasa ibabaw ko ngayon. “Aahh.. Ughh… Ang sikip mo Love…” nasasarapan na sabi ni Feitan. Kalahati pa lang ng sandata niya ang nakapasok sa loob ko pero parang mawawalan na ko ng malay. Hirap na hirap kami pareho dahil ang laki ng kargada niya tapos ang liit lang ng butas ko. “f**k you, ang sakit.” Naluluha kong sabi. “I'm sorry, Love. Konting tiis na lang. Magkakasya din ‘yan, hindi pwedeng hindi.” Pinunasan niya ang munting luha sa gilid ng mata ko tsaka hinalikan ang buong mukha kasabay ng dahan-dahan niyang pagbaon sa akin hanggang sa tuluyan na nga itong nakapasok ng buo. Mas masakit pa ito kaysa sa tama ng bala ng baril. Sandali siyang hindi gumalaw na parang naghihintay ng tamang pagkakataon. Humahalik-halik lang muna siya sa balikat at leeg ko. Nakatulong naman ito maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. “Can I move now, Love?” Banayad niyang tanong. “Yes, Love. Kaya ko na.” Ngumiti siya sa akin at humalik sa labi ko ng marubdob. “Mahal na mahal kita. You're finally mine, Love.” Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya at napanganga na lang ng mabilis na siyang gumalaw sa ibabaw ko na may pananabik. Susulitin ko na lang ang mga sandaling ito na kasama siya dahil baka ito na rin ang huli. Kung magkita man kami ng hindi inaasahan, maaaring hindi niya ako makilala o kung makilala man niya ako, sigurado ako na matinding galit niya ang sasalubong sa akin. Handa naman akong tanggapin ‘yun. Wala siyang kaalam-alam na ako tao na matagal na niyang pinaghahanap, ang taong nagtangka na tapusin ang buhay ng uncle niya noon at ako pa rin ang taong kikitil sa buhay ng nag-iisang pamilya niya ngayon. Kapag nalaman niya ito, panigurado na kamumuhian niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD