AV ➭ 015 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † KINABUKASAN… Maaga akong pumasok sa opisina as usual. Hindi ko na rin nakausap ng matagal si Feitan kagabi dahil pagod at antok na rin talaga ako. Habang inaayos ko ang mga reports na pinasa ng bawat department para sa proposals nila, nakarinig ako ng kaluskos na galing sa kung saan. Walang ingay ako na naglakad at sinundan ang pinanggagalingan ng kaluskos. Narinig ko ito na nagmula sa kwarto ng opisina ni Feitan. Bahagya na nakabukas ang pinto nito at bukas din ang ilaw. Hindi naman ako natatakot kung may magnanakaw na nakapasok dito dahil kaya ko naman lumaban kahit walang armas. Marahan kong binuksan ang pinto at sinilip ang loob nito. Wala akong nakitang tao pero naririnig ko ang umaagos na tubig na parang nagmumula sa shower room. Lu

