THE BLACK SHEEP

2188 Words
AV➭005 ❀ ❀ ❀ THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “Damon, kumusta ang location mo?” Tanong ni Lance sa binata. “Buhay pa at paalis na sila.” Casual na sagot nito. Hindi maiwasan na napabalikwas ang binatang si Damon ng sumigaw si Ken dito. “Tarantado ka ba? Pinatakas mo?! Bakit hindi mo pinatay?” Tanong ni Ken sa kanya. Nagkamot ng tenga si Damon dahil sa sigaw ng kaibigan. “Kasi hindi niyo naman sinabi na papatayin sila. Wala akong dala na kahit ano.” sagot nito. “Hindi talaga nakatulong ‘yang sagot mo!” Gigil na sabi ni Ken sa kaibigan. Hindi naman maiwasan na matawa ni Kohen. “Ngayon alam ko na kung bakit siya sinasabihang black sheep.” Makahulugan na wika ni Kohen. Matapos sumabog ang barko na binabantayan ni Damon na may kargang mga paputok, hindi na rin nagtagal at nag-alisan na sila. Tapos na ang trabaho nila kahit wala naman talagang ginawa si Damon bukod sa nakamasid lang sa dagat habang kumakain ng mani. Ilang araw matapos ang huli nilang trabaho, nagpasya ang grupo na pumunta sa Saud Beach, Pagudpud, Ilocos Norte sa pangungulit na rin ni Damon. “Ang kukupad niyo talaga kumilos, ligong-ligo na ko sa dagat eh!” Pag-aapura ni Damon sa mga kasamahan. Kakarating lang nila sa resort kung saan ilang araw din sila mag-stay. Ito na rin ang nagsisilbi nilang bakasyon matapos ang madúgøng labanan. “Edi lumangoy ka na sa dagat! Kami na bahala magdala ng mga gamit sa room pero ang mga gamit mo, iiwanan namin. Bahala ka diyan.” Inis na wika ni Ken. Hindi naman pinansin ni Damon si Ken, namamangha lang ito na nakatingin sa paligid lalo na sa mga babae na naglalakad ng naka-bikini lang. “Wow! Ang daming naglalakad na sea shells! Gusto ko silang sisīrin!” “Gagō ka talaga, Damon. Ibang sisīd yata ang gusto mo.” Naiiling na wika naman ni Earl. Hindi na nag patumpik-tumpik pa si Damon, nilapitan niya ang ilang kababaihan na walang kasama na lalaki para magpakilala dito. Habang ang mga kasama niya ay tumuloy muna sa mga kwarto nila para dalhin ang mga gamit at magpalit ng pang-summer outfit. “Mga babaeng naka-bra at panty lang yata ang pinunta ng gagō na ‘yan dito, hindi para maligo sa dagat. Edi sana pumunta na lang siya sa stripper’s club, at least doon wala ng takip ang gusto niyang makita.” Asar na sabi ni Storm. “Kanino ba kasi nagmana ang kasaltikan niyan?” Tanong ni Azi. “Syempre sa pinaka panganay.” Balewala na sagot naman ni Ezekiel. Lahat ay napatingin sa nagsalita. “What the hēll, bro? Kay Vlad? Is that a joke? If yes, tatawa na ba kami o mamaya na lang?” Taas kilay na tanong ni Storm. “Mamaya na. Ipunin niyo muna.” Seryoso na wika ni Ezekiel habang nakapamulsa at nakatingin sa pakīkipag harutan ni Damon sa mga babae. “Fūck.” “Tāng inā.” Panabay na sabi ng iba. Napanganga na lang si Storm at Azi habang ang iba ay natawa. Tumawa lang din ni Vlad na siyang pinaka panganay sa lahat ng magpipinsan. “Paano mo naman nasabi na kay Vlad nagmana si Damon? We all know that Vlad is far different from Damon. Matured at matino itong si kuya habang isip bata naman itong isa.” Tanong ni Thunder. Matunog na ngisi ang ginawa ni Ezekiel bago tumingin ng makahulugan sa kuya Vlad niya. “December 24, 202X, 12 midnight, Stella's Secret Night Club, Bangkok, Thailand.” Iyon lang ang sinabi ni Ezekiel tsaka prominenteng umalis patungo sa kanyang silid. “Hoy! Anong ibig mong sabihin? Ipaliwanag mo nga!” Sigaw na tanong ni Thunder. “Just ask kuya Vlad. Sigurado naaalala niya pa ‘yun.” Tanging sagot nito bago tuluyang nawala sa paningin nila. Bumaling naman ang tingin nilang lahat kay Vlad, puno ng katanungan ang mga mukha nila. Si Vlad naman ay umiwas bigla ng tingin at tumikhim. “Ehem…” “Ano ‘yung sinabi ni Ezekiel, kuya? Anong meron sa Bangkok, Thailand?” Tanong ni Azi. “W-wala ‘yon. Pinagtitripan lang kayo ng mokong na ‘yon.” Nanatili lang na nakatingin ng seryoso ang magpipinsang lalaki sa panganay nila. “Seriously, kuya? Ano nga? Hindi ko talaga ma-gets kung ano ang minana sa ‘yo ni Damon?” Curious at seryosong tanong ni Thunder. “G-gusto ko na pala mag-swimming. S-sundan ko lang si Damon, baka malunod.” Nauutal na sabi ni Vlad tsaka nagmamadali na umalis. Nagtataka naman na nakatingin ang lahat sa kinilos ni Vlad. “Mukhang may sinisekreto sila sa atin.” Earl stated. “Alamin niyo.” Pahabol na sabi pa nito. DAMON VALENCIA LAVISTRE (The Blacksheep) Nag ning-ning ang mga mata ko ng sa magandang tanawin dito sa Pagudpud. Matagal na panahon ko rin kinulit si Flame na pumunta kami dito. Pumayag nga siya pero siya naman ang wala. Buntis na naman siguro ‘yun, napaksungit eh. Ang tulis din naman talaga nito ni Blake. Ayaw ko pa naman na nagbubuntis si Apoy, ang itim ng kili-kili at batok tsaka tamad pa maligo. Upakan ko kaya asawa niya sa betlog para mabaøg na at hindi na niya mabuntis si Apoy? Joke lang sa tamad maligo. Baka bugahan niya ako ng apoy. Blacksheep ng pamilya pa ang bansag nila sa akin pero hindi naman ako sheep, ‘di hamak na gwapo naman ako dun at hindi damo ang kinakain ko. Lalo din naman na hindi ako kulay black! Mga may sayad talaga ang mga kasamahan ko. Ako na lang talaga ang matino sa pamilya namin. Maghapon kami naligo sa dagat na mga kalalakihan kahit tirik ang araw kaya mga n***o na agad kami lalo na si kuya Earl na parang tinusta pero mga gwapo pa rin kami. Ang mga babae naman, mamayang gabi na daw sila magbabad sa dagat. Mga takot lang naman mangitim. Pagsapit ng dilim, mga lasing na ang mga kasama ko. Mga mahihinang nilalang kasi. Patuloy pa rin sa kantahan at inuman ang mga kasama ko. Habang ako ay abala na paghiwalayin ang parts ng wafer na nabili ko sa isang mini grocery store ng hindi ito nadudurog. Hindi ko na sabihin ang brand at store na binilhan ko, hindi naman nila ako binayaran para i-promote sila. Pero kulay purple na parang pink na may malaking letter D ang pinagbilhan ko nito. Sabi ni Apoy makakapag-asawa lang daw ako kapag tagumpay ko napaghiwalay ng hindi nadudurog ang bawat parts nito. “f**k it! Ika-5 ko na ‘to eh, nadudurog pa rin talaga! Bakit pag si Apoy ang gumawa, madali lang? Dinaya niya lang siguro ako dati.” Kausap ko si self. Nagsisimula na akong mapikon. May grupo ng mga kalalakihan ang lumapit sa amin. Unang tingin ko pa lang sa tabas ng mukha nila, halatang perwisyo ang dala. Mukha silang mga sanggano na sabog. Hindi ko na lang sila pinansin dahil mas importante na mapaghiwalay-hiwalay ko itong wafer. Umilag ako ng maramdaman ko na may babagsak sa akin. Nasubsob sa buhanginan sa tabi ko ang isang lalaki na miyembro ng mga sanggano. Sinuntok siya ni Azi. Nagrarambolan na pala sila, hindi ko alam kung bakit. Napangitan siguro sila sa isa’t-isa. Sanggano boys vs. Mafia boys. Lumipat ako ng ibang pwesto dala ang isang balot ko ng wafer habang maingat na pinaghihiwalay pa rin ito. “Shīt! Sayang. Malapit na eh!” “Tāng inā ka talaga, Damon. Ang laki ng tulong mo.” Banas na sabi ng pinsan ko matapos patumbahin ang isang lalaki na may side bangs. May dugo na naman siguro sa pwet ito si kuya Earl? Init masyado ng ulo. “Inubos mo na naman ba ang isang garapon ng chili garlic oil kuya? Kita mo na nga na may ginagawa ang tao oh? Ang init na naman ng pwet mo. Ayan! Nadurog na naman!” Mauubos na ang wafer ko! “Bwisit!” Asar na sabi ni kuya. Hindi ko na namalayan kung anong oras sila natapos makipag sagupaan sa sanggano boys, basta pagtingin ko na lang, mahimbing ng natutulog sa buhangin ang mga ito. Ang iba ay subsob ang mukha sa buhanginan. At ako na lang din ang naiwan na gising dito sa labas, iniwan na ako ng mga pūtang inā. Nilapitan ko na lang ang ibang lalaki napatumba ng mga kasamahan ko. “Bakit naman diyan kayo natulog? Umihi kaya ang mga aso namin diyan kanina.” Kausap ko sa lalaking nakadapa at basag ang mukha. “Oh, ikaw naman? Hindi mo ba nakita na may suka dito sa tabi mo? Si Ken nga pala ang sumuka diyan. Nagtawag siya ng uwak kanina.” Naiiling na lang ako na umalis. Ang lakas din naman ng trip nila. Pwede naman sila kumuha ng kwarto na matutulugan bakit sa buhangin na may ihi at suka pa? Weird. “Durog na lahat ng wafer. Bili na lang ulit ako bukas, mga isang box na siguro. Nakakupit naman ako kay Thunder kanina.” Kibit-balikat na lang akong pumunta sa room ko para makapag pahinga na. “Aahh! Ang sakit sa batok!” Nag-inat ako. Tanghali na ng magising ako kaya kumain na agad ako dahil gutom na gutom na ang pets ko sa tiyan. Sunod-sunod akong sumubo ng pagkain dahil sa sobrang gutom ko pero agad ko din itong naibuga ng makita ko si kuya Earl. “Tāng inā, kuya Earl! Porma na ‘yan? Ang itim mo tapos naka-turtleneck na kulay itim ka din. Ano ka, koreanong sunog? Pogi ka na sa lagay na ‘yan?” Walang preno kong sabi. Walang pagdadalawang isip na inupakan ako ni kuya Earl. “Gago ka talaga. Passion ang tawag diyan! Palibhasa baduy ka. Wala kang passion sense.” Bulyaw niya sa ‘kin. Napakamot na lang ako ng ulo. Passion ba talaga ‘yun? Ang pangit! Tinapos ko na lang ang kinakain ko, hindi na ako nag-comment pa. Matapos ko kumain, nakita ko na naman ang n***o kong pinsan na feeling pogi kasama ang asawa niya na si Ava. Nakaupo ang mag-asawa sa ilalim ng malaking payong. ‘Yung kagaya sa naglalako ng icecream? Pumwesto na lang ako sa hilera nila dala ang bagong bili ko na isang balot ng wafer. Kailangan ko pa paghiwalayin ito ng hindi nadudurog para payagan na ko ni Apōy mag ano. Itatakwil niya daw kasi ako eh. Katabi ko si Ken, si kuya Earl naman ang katabi ni Ken. Naiirita pa rin talaga ako sa itsura niya. Sunog na bakulaw na naka-turtleneck ang atake. Lagi niya akong nahuhuli na napapatingin sa kanya at sa tuwing napapatingin siya sa ‘kin, nagbabanta siya lagi sa akin sa pamamagitan ng tingin. Akala naman niya naiingit ako sa outfit niya. Mas maayos pa pormahan ng tropa kong balīw na nakatira sa kanto ng eskinita. Nailing na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko sa wafer. Sinabayan ko na lang ng pagkanta para hindi naman nakakabagōt. “Ang tropa mo na maitim, ‘di makita sa dilim. Pinaglihi siya sa uling. Maputi lang ay ngipin.” Sabay-sabay napalingon sa ‘kin ang mga kasama ko pero patuloy lang ako sa pagkanta. Hindi ko sila binigyan pansin. “Hindi ‘yan nagba-blush, ‘di rin ‘yan namumula. Kapag nasa dilim bigla na lang nawawalaaaa….. ♫♬♪” “Hayøp talaga…” “Inatake na naman ng kasaltikan niya…” “Okay, mukhang may masasapāk na naman…” Mga komento nila, habang panay tawa naman ng iba. Mga būang. “Bakit kayo natawa? Mga baliw ba kayo?” Nagtataka kong tanong sa kanila pero lalo lang sila natawa at nailing. Binalingan ko na lang ulit ang wafer ko. Konti na lang eh. “Yes! Napaghi– aaahh!” Napahawak ako sa panga ko na parang na dislocate. Nahulog pa ako sa kinauupuan ko. Sinapāk pala ako ni kuya Earl. “Stop teasing me, āsshole!” Galit na sigaw ni kuya Earl. “Shīt! Ang wafer ko!!!! Nadurog na naman.” Tāng īna talaga, uulit na naman ako! Kinamot ko lang ang panga ko na sinüntøk ni kuya Earl. Hindi naman masakit. Bumalik na lang ako sa upuan ko bago nagbukas ulit ng wafer. “Tsk. Tsk. Damon Lavistre nga naman.” “Ano pa ba ang ini-expect natin sa isang Damon?” “Tāng īna, makapag-asawa pa kaya ‘yan?” “Baka walang pumatol.” “Wala naman kapansanan ang pinsan natin pero parang dïsabled.” Hindi ko na lang inintindi ang mga pinagsasabi nila. Dahil ako lang naman ang may matinong pag-iisip sa amin kaya ako na lang ang uunawa sa kanila. “Dang! Ang bait ko talaga.” ──────⊹⊱✫⊰⊹────── Author's Note: Ang unang bahagi po ng nabasa niyo ay mababasa niyo rin kay Lilura Ásvaldr Book 1, Chapter 26. Sa mga indi pa po nakakabasa kay Lilura Ásvaldr at Llewela Furiae, mababasa din po sila kay g*******l. Search lang po ninyo sina authors, PeanutandButter and Ladyangee. Abangan niyo din po sana ang paglabas nila Lilith written by Linnea at Haleana written by Nayeon Ink. Soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD