Pagkapasok na pagkapasok ko sa silid namin ng Lola Pacita ay napasandig ako sa likod ng pinto. Ang pagtibok ng puso ko ay hindi na bumalik sa normal pagkatapos ng sandaling pag-uusap namin ng senyorito. Mariin ko na naipikit ang aking mga mata at hinawakan ang ipit ng aking buhok. Inalis ko 'yon at pati na ang mga pin. Pagkatapos ay dahan-dahan na nahulog ang kulot at may kahabaan kong buhok. Nnyx Lucas Carson Portano. His feelings is something I should not take as a joke. Hindi maaaring ipagsawalang bahala ko. Ang tingin niya, ang tono ng boses, lahat ramdam kong seryoso at maaaring magdala ng panganib. Baliwala sa kaniya ang binitawan niyang mga salita na kahit... kahit pagmamay-ari pa ng ibang lalake ang babaeng nagligtas sa kaniya ay wala siyang pakialam. At ako ang babaeng iyon na

