Naramdaman ko naman ang awa ni lola para sa senyorito. Hindi naman rin siya makikiusap ng ganito sa akin na intindihin ko ito kung wala siyang pakialam. Hindi ko rin naman naramdaman na gumagawa lang rin siya ng kwento para hindi na maulit yung nangyari kanina. "Allie, makakaasa ba ako na hindi na ito mangyayari?" paniniguro niya pa. Napaiwas ako ng tingin. "Lola, susubukan ko po," sagot ko na ikinabuntong hininga niya. Eh, alam naman niya rin kasi ang ugali ko, kapag alam kong dehado ako o nabastos ay lalaban talaga ako. Siya rin naman nagturo sa akin non. "Hay, apo, ako na ang nakikiusap." At kahit babaero ang senyorito ay mukhang talagang nakuha nito ang awa niya dahil sa pagkalunod nito at... pagkabaliw sa sirena. Napapikit ako bigla ng mariin at napahilamos sa mukha ko. Bigla akon

