Nagpapasalamat naman ako na sa nakalipas na ilang araw ay hindi na ako madalas na lapitan ni Nygel. Pero kapag may iuutos na idala sa silid niya ay minamalas ako dahil ako lang ang maid na nasa kusina o malapit. Ako rin ang madalas na sabihan ng lola na magdala ng mga bagay na utos nito. Ngayon ay namamahinga ako dito sa may greenhouse na kapapatayo lang ng Ma'am Nyla. Nakitulong ako sa pagtatanim kanina ng mga halaman. Dumito na muna ako pagkatapos dahil nakakarelax makita ang mga bulaklak. Dito rin pala dinala ang mga paso na disenyo ko. May mga tanim nang mga bulaklak at talagang natuwa ang Ma'am Nyla pagkakita niya sa mga gawa ko. Binigyan niya nga ako ulit ng trabaho. Pati ang mga wood rack na patungan ng mga bonsai niya ay gusto niyang lagyan ko ng disenyo. Pero hindi naman daw siy

