"Haaa..." Pagkalabas ko ng silid ng senyorito ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Pero kahit nang malayo-layo na ang nalalakad ko ay ramdam ko pa rin yung kaba at mabilis na pagtibok ng puso ko. "Ayos lang 'yan, Allie. Ang mahalaga hindi ka nakilala. Ibig sabihin lang non ay malaya kang makakakilos sa mansyon." Iyon rin naman ang gusto ko, at isa pa, masyado akong nabigla rin nang makita ang lalakeng ibinaon ko na sa limot ilang buwan na ang nakalipas. Kaso lang kasi nakakainis. Kahit na hindi ko isipin kusang pumapasok sa utak ko na siya yung lalakeng nakakuha ng first kiss ko! hindi talaga tama, lalo at amo ko siya, apo ng Ma'am Nyla. Binalaan na rin ako ng lola, kahit na alam naman niya ang layo ng agwat ng edad ko sa senyorito ay kung maka-warning sa akin ay akala mo kaedaran ko

