Natanaw ko nang pabalik ang Kuya Lito kaya naman nagpaalam na ako kay Nnyx. Sinabi ko sa kaniya na mamayang gabi na mag-usap na lang ulit kami sa chat at pumayag naman siya. Sakto na paglapit sa akin ng kuya ay nakangiti ito, nagpupunas pa ng tissue sa kanang kamay. "Success, Allie! kumulo ata yung tiyan ko doon sa inulam kong ginataang tahong. Dala-dala ni Alex kanina, iniluto daw ng asawa niya. Mukhang may kalakip na sama ng loob ata yung luto." Napailing ako sa narinig sa kuya. "Bakit naman? eh kung si Kuya Alex ang kakain." "Aba ay ang sabi nga ni Alex, galit ang asawa niya sa kaniya dahil ginagabi siya umuwi akala ata ay nambababae siya. Itong si Balong, nadamay pa nga eh ako, syempre hindi at dito ako namamalagi sa mansion. Ngayon, kaninang umaga ipinagluto daw si Alex, pero dahil

