Napalingon ako sa kaniya nang mahimigan ko ang lamig sa boses niya. Ibinaba ko ang baso na hawak ko at umiling ako. "Hindi naman sa ganoon, senyorito..." Humalukipkip siya sa harapan ko. Napatingin naman ako sandali sa mga pagkain namin. Kaunti lang yung nakain niya samantalang ako, paubos na. Siguro ay pinakikiramdaman niya ako o pinapanood na hindi ko namalayan sa pagmamadali kumain para makaalis na. "I apologized because of what I did, mali 'yon, Allie. But I am not a bad person. Pakiramdam ko may nakakahawa akong sakit kapag nakikita mo." Ang sama ng reaksyon ng mukha niya. Lumayo rin ang tingin niya na akala mo nagtatampo. Napabuntong hininga naman ako at inayos ang pinagkainan ko. Nang makatapos ay hinarap ko siya. "Ayoko lang na magkaroon pa ng usapin kapag nagtatagal ako dito

