Chapter 20

3467 Words
All In He’s coming back. Xaiver didn’t hesitate to come back an hour after he dropped me home. Wala akong ideya kung nasaang lugar na siya o kung nakauwi na ba, but as soon as I informed him na sinabi ko na kay Mama na ikakasal kami ay agad niya akong tinawagan para sabihing pabalik na siya. To: Xaiver: Sinabi ko na kay Mama na ikakasal na tayo. While waiting outside our house, I glanced at my phone and reread my message for him. Ilang beses ko na ‘yong binasa habang hinihintay ang pagdating niya. Iniisip ko kung tama bang pinaalam ko sa kanya, but I couldn’t just keep it to myself. Kailangan ko ring sabihin dahil hindi lang ako ang magpapakasal kundi kaming dalawa. Alam kong magagalit siya kapag hindi ko ‘yon ginawa. Ang totoo rin niyan ay gusto na siyang makausap ni Mama. I tried my best to make her understand during our small conversation earlier, but she refused to listen. Si Xaiver ang gusto niyang makausap, hindi ako. Despite the amount of courage I gathered just to tell her the truth, she still wanted to hear it from him. “Nababaliw ka na ba, Chantal?” Ang bungad na tanong ni Mama matapos kong umamin sa kanya. She looked at me ridiculously as if I was joking or playing a prank on her. “Akala ko naman talagang may problema ka.” “Ma…” I sighed in frustration. “Hindi po ako nagbibiro. Talagang ikakasal na po ako.” “Oh, sige. Ikakasal ka na. Pero kanino naman? Ni boyfriend nga wala ka tapos ikakasal ka pa?” “Kay Xaiver po.” “At sino naman ang Xaiver—” Nanlaki ang mga mata ni Mama nang mapagtanto ang binanggit kong pangalan. Agad nga lang din ‘yon naningkit kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. “Xaiver?” ulit niya. “Xaiver Dela Vega? Iyong boss mo ba dati ang tinutukoy mo?” Dahan-dahan akong tumango. “Ikakasal na po kami sa susunod na buwan, Ma. Nagsisimula na po kami sa mga preparasyon na kailangan.” “Teka nga, Chantal! Sandali nga! Ikakasal ka talaga?” ulit niyang tanong, hindi pa rin naniniwala. “Opo, Ma…” sagot ko. “Alam ko pong mahirap paniwalaan pero ikakasal na po kami—” “At bakit naman kayo ikakasal? May relasyon ba kayo? Bakit hindi ko alam? Saka sa susunod na buwan na agad?” sunod-sunod niyang tanong, halatang gulong-gulo na sa mga nangyayari. Bakit kami ikakasal? Mariin kong kinuyom ang aking kamao. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. I couldn’t tell the truth. Hindi pa namin napag-uusapan ni Xaiver kung ano ang sasabihin namin kay Mama. Masyado ata akong nagpadalos-dalos. Hindi ko na naman pinag-isipan nang mabuti ang gagawin ko. “Hindi…” Umiling si Mama at bahagyang umatras. “Kailangan kong makausap ang boss mo. Saka na natin ‘to pag-usapan kapag humarap na siya sa akin.” Muling bumalik si Mama sa kinauupuan kanina at nanahimik. Umakto siyang nanonood ulit ng teleserye, ngunit alam kong hindi niya na ‘yon naiintindihan. Sinubukan kong kuhanin ulit ang atensyon niya at kausapin, pero hindi niya ako pinapansin. Madiin kong kinagat ang labi saka pinatay ang screen ng cellphone. Nang mag-angat ng tingin sa daan ay nakita ko ang paparating na sasakyan ni Xaiver. Naningkit ang aking mga mata nang medyo nasilaw sa lakas ng ilaw ng headlights. Mabilis ang patakbo ni Xaiver. His tires screeched when he abruptly stepped on the brake. Hindi pa maayos ang pagkakaparada niya sa harap ng aming bahay ay agad na siyang lumabas. I got slightly worried, thinking of him driving fast and reckless. It was a relief to see him safe. Pakiramdam ko ay talagang nagmadali siya pabalik sa bahay. Sana pala talaga ay hindi ko muna sinabi. Kahit bukas na lang sana ng umaga. However, it was already too late for regrets. Nagawa ko na. Nandito na siya. “Xaiver…” nangangapa kong tawag sa kanya at humakbang na rin papalapit upang masalubong siya. Xaiver’s sharp gaze immediately pierced right through me. Tumigil ako agad. Una pa lang, nagkamali na agad ako. “X-Xavi…” nautal kong pagtama. I thought he would relax somehow after I corrected myself, ngunit hindi nawala ang iritasyon at konting galit na nakita at naramdaman ko sa kanya. He looked like a storm about to make landfall. As soon as he reached me, he immediately released the heavy rain and strong winds that he was carrying. “Why did you tell her and disregard our plans? Hindi ba nag-usap na tayo?” Xaiver asked with a soft but stern voice. Siguro ay iniiwasan niyang madinig ni Mama ang pag-uusap namin kaya hininaan niya ang boses. If we were alone in a private setup, he might have raised his voice at me out of frustration or anger. A businessman like him always sticks to his plans and schedules. At dahil secretary niya ako dati, alam na alam ko kung gaano rin ‘yon kaimportante sa kanya. But because of me, he had to stray from his plans that I ruined. Naiintindihan ko kung bakit para siyang bulkan na sasabog sa galit. Not to mention he was still flying to Cebu tomorrow. Dapat sana ay nagpapahinga na siya siguro. “Sorry…” mahina kong sabi. “Naisip ko kasing dapat ko nang sabihin sa kanya… Hindi ko na kayang itago. I felt so… guilty.” “Then you should’ve told me earlier when I reminded you about it. Kung gusto mo na palang sabihin, I wouldn’t mind facing her with you tonight,” he said. Medyo napakunot ang noo ko. He wouldn’t mind changing our plans? Pero bakit galit siya kung okay lang pala? “G-Gusto ko kasing ako muna ang magsabi… Pakiramdam ko sa akin muna dapat manggagaling kaya inunahan ko na. I’m her daughter so…” dahilan ko. “Gusto k-ko ring maging maayos ang lahat kapag nag-usap na kayo sa Sabado. I don’t want to make things hard for you. Gusto ko ‘yong naiintindihan na ni Mama ang lahat para hindi na tayo mahirapan.” Xaiver closed his eyes for a second. I thought he would lash out again and ask me questions, but the storm had already weakened when he opened them. Medyo kalmado na siya. “Look, Chantal… I appreciate what you did. Naiintindihan ko rin,” sabi niya na hindi ko inaasahan. I didn’t expect he would actually acknowledge my reasons and see them. “But I wanted to be there. And as a man, it hurt my pride.” Nanuyo ang lalamunan ko habang titig na titig sa kanya. His eyes were filled with regret and frustration. The first one wasn’t an emotion I expected to see in him. I never thought he would actually have room for that. “Ano na ang mga nasabi mo sa kanya?” bigla niyang tanong nang hindi na ako nakasagot. “Uh… Na ikakasal na tayo…” sabi ko. “Ayon lang naman. Wala na akong ibang nasabi dahil gusto ka niya makausap…” Xaiver nodded and sighed. “Okay. Kakausapin ko siya.” Akala ko ay didiretso na si Xaiver papasok ng bahay kaya balak ko na siyang pigilan, ngunit nagulat ako nang bumalik siya palapit sa sasakyan. He opened the door and reached for his coat and tie. Hinubad niya na ‘yon kanina pagkatapos naming kumain ng dinner, pero ngayon ay muli niyang isusuot. I watched him closely as he got ready. He swiftly wore the coat. Inayos niya rin ang pagsabit ng necktie sa kanyang leeg at ipinailalim sa kuwelyo. Hindi niya nga lang itinuloy ang pagsusuot no’n. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin at humakbang papalapit. “Please do it for me,” Xaiver said very seriously, making it sound authoritative rather than a favor. Muntik nang malaglag ang panga ko. Buti na lang ay agad kong napigilan ang sarili sa pag-re-react. I swallowed hard and took over the tie. It wasn’t my first time tying his tie for him. Ilang beses ko na rin ‘yon ginawa. It was one of my duties as his secretary kaya marunong at sanay na ako. I was familiar with how he loved his necktie knot. I even remembered doing it on a stuffed toy just to practice. Hindi ako tumigil no’n hanggang sa maayos at perpekto ko siyang nagawa. Pero dahil matagal na noong huli kong itinali ‘yon para sa kanya at dahil na rin sa situwasyon naming dalawa, I felt awkward. Sobrang lapit namin sa isa’t isa at hindi ko maiwasang madikit sa kanyang matipunong dibdib. “Uhm… Nga pala, ano’ng sasabihin natin kay Mama?” tanong ko para hindi masyadong maging awkward. “Tinanong niya ako kaning kung bakit tayo magpapakasal at kung may relasyon ba tayo. I’m sure she’ll ask you that. Dapat alam natin ang sasabihin natin.” “You need not to worry about that. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa lahat,” Xaiver simply said. Bahagya akong tumingala sa kanya habang patuloy sa pagtali. “Pero kailangan parehas tayo ng isasagot.” “Just let me handle it,” pilit niya. “Besides, ako ang gusto niyang makausap tungkol sa atin, ‘di ba?” I pursed my lips at that. I couldn’t counter him anymore since he was right anyway. Siya ang gustong makausap ni Mama kaya hindi na niya hinintay ang isasagot ko kanina. Wala rin siyang balak makinig sa akin. Naisip kong siguro ay may sama siya ng loob sa akin. Masakit man pero naiintindihan ko. I’m her daughter. I’m her only family left. Kapag kinasal ako kay Xaiver, ayaw ko mang iwanan siyang mag-isa, but Xaiver would take me with him. Nakalagay sa kontrata na titira kami sa isang bubong bilang mag-asawa dahil ganoon naman talaga dapat. “You still know how to do it…” Xaiver whispered after I was done tying the tie. Naputol tuloy ang pag-iisip ko at saka nag-angat ng tingin sa kanya. “Hindi ko naman ‘yon agad makakalimutan,” sabi ko na lang at saka inayos ang puwesto ng tie sa collar niya. “Ayos na.” “Thanks,” tipid niyang sabi. Tumango na lamang ako. Aayain ko na sana siya papasok sa bahay nang maunahan niya ako. Kinuha ni Xaiver ang kamay ko. Muli akong napaangat ng tingin sa kanya. His hand felt warmer than usual. At dahil sakop ng buong kamay niya ang akin, it made him seem more reliable to me na dahilan kung bakit tuluyang nawala ang natitirang kaba ko. I couldn’t help noticing how his presence gave me comfort. Bago pa siya dumating, kabadong-kabado ako. It felt like things could go wrong in so many different ways. Hindi ako mapakali. Ngunit nang dumating siya, parang nakalimutan ko na ‘yon. I was more concerned about his feelings and his safety. Kung galit ba siya o hindi. Kung ano ang magagawa ko para mawala ang iritasyon niya. Kagat-kagat ko ang aking labi habang papasok kami sa bahay. Si Xaiver pa mismo ang naggagaya sa akin na kala mo’y siya ang nakatira doon. “Nasa sala lang si Mama kanina bago ako lumabas. Nanonood siya ng teleserye,” bulong ko. Xaiver nodded. “Okay. Pasok na tayo.” Tumango na rin ako pabalik. I took the liberty of opening the door to our house. Dahan-dahan ko ‘yong binuksan at pumasok sa loob. Dahil nakagawian ko na ang paghubad ng tsinelas o sapatos bago tuluyang pumasok sa bahay, wala sarili ko iyong ginawa at agad naman na sumunod si Xaiver. “Huwag mo na hubarin ang sapatos mo!” naalarma kong bulong sa kanya. Natigil si Xaiver. He glanced right past me kaya hindi ko rin napigilan ang mapalingon. Nakuha na namin ang atensyon ni Mama. Tahimik siyang nakatingin sa aming dalawa ni Xaiver, hindi na itinuloy ang panonood sa TV. “Good evening, Ma’am!” pormal na bati ni Xaiver kay Mama. Akala ko ay hindi mamamansin si Mama gaya kanina, ngunit mukhang talagang hinihintay niya lang si Xaiver. Lumipat siya sa kabilang upuan na pang-isahan lamang bago siya ulit nag-angat ng tingin sa amin. “Maupo kayo,” tipid niyang sabi. Xaiver held my hand again, much firmly this time. Ang mga mata ni Mama ay nanonood sa aming mga kamay na magkahawak habang naglalakad papunta sa sofa. She looked so serious and critical. I couldn’t remember when I last saw her give that intimidating look. Una akong pinaupo ni Xaiver. He let me sit near my mother at saka siya tumabi sa akin. Hindi na niya binitiwan ang kamay ko. The atmosphere was very tense and quiet. Wala pa ring salita na nagmamasid si Mama sa amin. Naisip kong ako na siguro ang dapat na bumasag sa katahimikan. I was the bridge connecting them. I should make a step instead of waiting for one of them to speak. “Good evening po ulit, Ma’am. I’m Xaiver Dela Vega,” naunang pakilala ni Xaiver bago pa ako makapagsalita. As usual, he’s always one step ahead of me. Hindi na naman ako nakapagsalita. “Kilala na kita. Dati kang boss ng anak ko. Madami ka ring naitulong sa amin.” Malamig ang boses ni Mama. Napalunok ako at mulang dinalaw ng kaba dahil hindi na agad maganda ang pinapakita niya kay Xaiver. “Kaya naman hindi ko alam kung papaanong nagkaroon kayo ng relasyon ng anak ko at ikakasal pa ngayon sa lalong madaling panahon,” dagdag ni Mama. She didn’t just look critical, she even sounded like one. “Ilang buwan na rin magmula ng nag-resign siya sa kompanya mo. Hindi ko alam kung totoo pa ba ang dinahilan niyang rason sa akin o kung may tinatago pa siya dahil sa nalaman ko ngayon.” I worriedly glanced at Xaiver, but he was still calm and collected. Wala ni anong bahid ng kaba akong naramdaman sa kanya. He seemed to be taking things lightly. Para bang siguradong-sigurado siyang kaya niyang malagpasan ‘to. Like nothing could go wrong because he had it all under his control. I guess I shouldn’t really worry. He said to leave everything up to him kaya nagtitiwala ako. Kuryoso nga lang ako kung paano niya gagawin ang lahat at kung ano ang mga sasabihin niya para makuha ang loob ni Mama. “Una po sa lahat, pasensya na po kung ngayon lang ako nakaharap sa inyo. I’m sure I have left a bad impression. Gusto ko man pong kasama niya ako nang sabihin sa inyo ang tungkol sa relasyon namin, I understand why she had to do it.” Bahagyang napaawang ang mga labi ko habang nakikinig kay Xaiver. He was so soft-spoken and unusually polite. His image as a ruthless and terrifying businessman was completely detached from his persona at that moment. The next game-changer, huh? More like the great pretender. “Ever since Chantal came to work as my secretary, I’ve admired her for her hard work and perseverance. She’s also very quick-witted and a fast learner. Along the way, I realized those things are some of the qualities I look for in a woman,” he explained. “I can’t say that I already expected things to turn out this way because I didn’t. I really didn’t.” Nakakunot ang noo ni Mama. Hinayaan niya lang magsalita si Xaiver. She listened intently to every word he had to say about me. “My mom has arranged countless blind dates for me since last year. Gusto niya na akong ikasal o makipag-date man lang. She was concerned that I don’t have a girlfriend when I’m already getting older. Kaya marami-rami siyang pinakilala. Chantal has met most of them, too…” pagtuloy ni Xaiver at naramdaman ko ang mabilis na sulyap niya sa akin. “I rejected all of them. Madami pa po akong pangarap para sa kompanya namin. I wanted to focus on my career. Sa tingin ko rin ay wala akong makakasundo.” At that point, napakunot na rin ang noo ko. Tinigil ko na ang panonood kay Mama upang ibaling ang mga mata kay Xaiver. “I’m very hard to like. I can be rude and cruel, manipulative and scheming as a businessman. I’m every bad thing,” he admitted all his worst qualities. “But Chantal… She knows me better than anyone, and I can be myself when I’m with her with no reservations. It was impossible not to fall for her. She is what I need.” I tightly pressed my lips together as I listened to Xaiver. There was a surge of emotion surfacing in my chest. His words did so many things to me that heat touched the corners of my eyes. Although knowing everything was just a lie and a part of his plans, he made me feel good about myself after hearing the opposite from Zoe. “Alam ko pong masyadong mabilis at nakakabigla, pero nandito ako ngayon para hingin ang kamay ng anak ninyo.” Humigpit ang hawak ni Xaiver sa kamay ko. “I promise to give her the world, and all the things she deserves.” Mariin kong kagat-kagat ang ibabang labi. Konting-konti na lang, kung magpapatuloy pa siya, pakiramdam ko tuluyan na akong maiiyak. The way he said those lies with so much care and passion, anyone would hardly believe he was only lying. Parang totoo. Parang talagang gusto niya ako. Parang talagang nahulog siya sa akin. But I knew better. Minsan na akong muntik na maniwala sa mga kasinungalingan at pagpapanggap niya. I’m not the same naïve Chantal whom he was able to fool once. “Tama ka nga…” Tumikhim si Mama at umayos ng upo nang matapos si Xaiver. “Masyadong mabilis. Nakakabigla talaga lalo na’t alam kong wala ni boyfriend ang anak ko. Ang malaman na ikakasal siya at sa ‘yo pa, hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko.” Even after Xaiver’s long speech, my mother was still skeptical. Habang ako’y kuhang-kuha na ni Xaiver, hindi pa rin kampante si Mama. Hindi pa rin siya pumapayag. “Nakikita kong responsable at may paninindigan ka. Magaling ka rin sa trabaho. At dahil sa mga sinabi mo kanina, natutuwa akong malaman na mayroon kang mataas na pangarap,” sabi niya. “Minsan na akong tinanong ni Chantal kung gugustuhin ko bang katulad mo ang mapapangasawa niya at hindi pa rin nagbabago ang sagot ko.” Napaawang ang mga labi ko. Hindi ko inaakalang maaalala pa ‘yon ni Mama. It was just a casual conversation for us at akala ko’y makakalimutan niya rin. “Kilalang-kilala ang buong pamilya mo sa bansa at ubod din kayo ng yaman. Ayaw ko mang maging mapanghusga, pero dahil hindi ko kilala personal ang pamilya mo, natatakot ako para sa anak ko…” My mother’s voice broke. Parang may punyal na tumama sa dibdib ko nang dahil doon. Just like me in my usual confrontations with Xaiver, she was trying to be firm. “Paano kung hindi siya magustuhan ng pamilya mo? Paano kung hindi nila tanggap ang anak ko?” Bumagsak ang luha ni Mama. “Ma…” Namamaos na ang boses ko at naramdaman kong malapit na rin bumuhos ang aking luha. Lumapit ako kay Mama upang hawakan ang kanyang kamay. She didn’t spare me a glance though. Hindi na niya inalis ang tingin kay Xaiver. “Ayoko siyang madamay sa kahit ano mang gulo. Ayoko siyang masaktan, Xaiver… She’s my only daughter. Siya na lang ang meron ako…” Kasabay ng pagbuhos ng luha ko ay ang pagsikip ng aking dibdib. Nanginig ang kamay kong nakahawak kay Mama. Tama pa ba ‘tong ginagawa namin na ‘to? Do we really have to keep on pretending for three years? I felt so bad and guilty for lying to her. She was taking things seriously without knowing that we were only feeding her with lies. Ayaw niya lang naman ako masaktan. Ayaw niya akong madamay sa gulo pero ako ang nagdala sa sarili ko sa sitwasyong ‘to. “Wala po kayong dapat ipag-alala. I decided to marry Chantal. I’m all in,” Xaiver said, his voice filled with determination. “And it’s a husband’s duty to protect his wife. I’ll do my best to shield her from pain.” After hearing assurance from Xaiver, my mother nodded as tears flowed endlessly from her eyes. She leaned forward to give me a tight hug. Her sobs rang in my ears. Para akong sinasaksak bawat hikbi niya. Don’t worry, Ma… Hindi ako masasaktan. Kasinungalingan lang naman ang lahat. I can manage my expectations well. I promise to guide my heart whatever it takes. Babalik ako sa ‘yo ng buo pagkatapos ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD