Secretary
My eyelids fluttered as I stared at Xaiver with shock and disbelief. Nanuyo ang aking lalamunan. Gusto kong itawa na lang ang tanong niya sa akin, ngunit hindi ko magawa. Kahit ngumiti man lang ay hindi ko kaya.
Xaiver was never the type to joke around. He was always serious. He meant every word coming out from his lips. I thought I already knew him, but at that time around, it seemed like I was staring at a stranger who looked exactly just like him.
"P-po?" Nanginig ang aking mga labi nang pilitin ko ang sariling magsalita.
"I'm asking you," Xaiver said, still not taking back his words. "What do you think about marrying me?" he casually repeated. Para bang tinatanong niya lang ako kung ano ang lunch niya kinakabukasan.
"Uh... Uhm..." Hindi ko mahanap ang tamang sagot sa tanong niya.
Kung sinabi kong oo, ano ang iisipin niya? Na may gusto ako sa kanya? At kapag hindi naman, magagalit ba siya? Kapag namali ba ako ng sagot, sisisantihin niya ako?
Madaming katanungan ang nagsisulputan sa isipan ko. I chewed my lips, feeling the pressure getting heavier on my shoulders. I could hear the clock ticking at the back of my mind.
"You can give me the answer some other time."
Like I was holding my breath the entire time, I found myself exhaling heavily in relief. Napaangat ako ng tingin kay Xaiver. Seryoso pa rin ang kanyang titig sa akin.
"I'll go now," paalam niya.
"Yes, Sir! Ingat po kayo!" I couldn't help sounding livelier once the burden was lifted off.
Nanatili pa ng ilang sandali ang mga mata niya sa akin bago iniwas ang tingin. I closed the doors and stepped back. Hinintay ko munang makaalis ang SUV bago ako nagpasyang pumasok na sa loob ng bahay.
Naabutan kong nasa sala si Mama at nanonood ng TV. Nilingon niya ako agad nang madinig na pumasok.
"Anak!" Masaya siyang lumapit sa akin. Her smile lit up my day, making me feel reenergized again after a long trip. Parang handa na akong magsimula ulit ng panibagong araw nang masilayan siya.
To see her doing great and feeling okay was everything to me. I would do anything just to make sure she's happy and healthy, just like how she did everything she could to raise me on her own.
Even if it was meant joggling her regular job and doing freelance for extra income, she didn't slow down and hustled to give me everything I needed. At dahil may trabaho na ako na sobra pa para sa aming dalawa, handa akong ibalik sa kanya ang lahat kahit na hindi niya hilingin.
Wala sa sarili akong yumakap sa kanya bilang pagbati nang naging medyo emosyonal. Ipinatong ko ang aking baba sa balikat niya at saka bumulong, "I love you, Ma. Na-miss po kita."
My biological father died only days after my first birthday. Ang sabi nila ay talagang hinintay lang ni Papa ang araw ng kaarawan ko bago magpaalam. Nang nalaman ko 'yon ay punong-puno ako ng panghihinayang. I did feel pain, but not much. Siguro ay dahil na rin sa wala akong alaala kasama siya noong nagkaroon na ako ng muwang sa mundo. Kung may labis man akong naramdaman, iyon ay ang panghihinayang na hindi ko siya nakasama nang matagal.
Three years later, gaya nang gustong mangyari ni Papa, my mother remarried to my stepfather. Naging mabait si Daddy sa akin at tinuring niya akong tunay na anak. Bukod pa roon ay naramdaman at nakita kong talagang mahal na mahal niya si Mama. I was very much grateful for his existence in our life, even if it was short-lived. Kahit papaano, naranasan kong magkaroon ng isang ama at ng kumpletong pamilya. Sayang lang at agad din siyang binawi sa amin.
My mother got depressed after losing him. And as a kid, I didn't know what to do at first until I was forced by the twisted fate and cruel life to mature early. I got the taste of reality at such a young age, which strived me to work harder and be who I am now. Alam kong walang may gusto noon, ngunit ayaw ko na muling maranasan 'yon, lalong-lalo na ang magiging anak ko sa hinaharap.
"Bakit, anak? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mama at hinimas-himas nang marahan ang likod ko. "Napagod ka ba sa biyahe? Magpahinga ka na. Ako na ang bahalang magluto ng hapunan mamaya at gigisingin na lang kita."
Umiling ako at hinigpitan ang yakap sa kanya. "Masaya lang po ako na okay tayo ngayon."
Napabuntonghinga si Mama at tumigil ang paghagod niya sa aking likod. Para bang sawang-sawa na siyang paulit-ulit akong nagbabalik-tanaw sa mga nangyari.
"Ayan ka na naman, Chantal," pagod niyang sabi. "Hindi ba't sabi ko sa 'yo ay huwag mo nang isipin ang mga 'yan?"
I pursed my lips and pulled myself away from her. Every time she would reprimand me, I still felt like her little girl who would always feel a bit disheartened because of her scolding.
Alam kong gusto niya lang na hindi ako maging malungkot at kalimutan na lamang ang hirap na pinagdaanan namin, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili. I didn't want to forget my past. Looking back to the times of my fall made me stand stronger. It didn't matter if it hurt, as long as it would make me an even better person.
"Ma, alam ninyo naman po..." Hilaw akong ngumisi sa kanya.
Muli siyang bumuntonghininga at pilit na tumango. "Sige na. Matanda ka na't alam kong hindi mo na kailangan pang pagsabihan," sabi niya. "Pumunta ka na sa kwarto mo para magpahinga."
"Salamat, Ma, pero nakita kong may hugasin kaya maghuhugas muna ako saglit." Ngumisi ako saka dumiretso sa kusina. Iniwanan ko muna ang suitcase ko sa harap ng pinto para unahin ang pagtapos ng gawaing bahay.
"Diyos ko ka talaga, Chantal! Magpahinga ka na! Ako na riyan!"
Agad na sumunod si Mama sa kusina para akuin ang paghugas ng plato. Konti lang naman 'yon dahil siya lang ang mag-isang kumain ng umagahan at tanghalian. It wouldn't make me sweat.
"Ako na po para pagkatapos, tuloy-tuloy na ang pahinga ko."
"Hay nako kang talaga!" problemado niyang sabi. "Gustong-gusto kong magkaroon ng masipag at responsableng anak noon, pero hindi ko inaakalang ikaw ang ibibigay sa akin. Aba'y talagang hindi ka napipigilan sa pagkilos."
Muli akong ngumisi at kumindat sa kanya. Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay napabuntonghininga siya. Hindi rin naman nagtagal ay unti-unti na ring sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at hinayaan na ako sa paghugas ng mga pinggan.
"Nakapunta ka po ba sa dialysis ninyo, Ma? Baka po may nakalimutan kayong schedule," nag-aalala kong sabi habang naghuhugas.
"Aba'y syempre naman!" sabi niya saka mabilis na umalis. I thought she was mad and offended, but she showed up again with her personal health record. "Ayan ang patunay!"
Nakanguso kong sinulyapan ang kanyang record.
"Iyong natira sa iniwan mong pera, nandoon na sa kwarto mo. Nilagay ko sa loob ng drawer."
"Ma, dapat hindi mo na binalik. Nakabili ka naman po ba ng mga gusto mong kainin habang wala ako?"
"Ano ka ba?! Hindi ko naman pera 'yan kaya natural lang na ibabalik ko ang natira," paliwanag niya. "At saka napakadami mo ring binili na grocery kaya hindi ko na kailangang bumili pa sa labas."
Napabuntonghininga ako saka pinatay ang gripo at tumigil saglit sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Muli akong humarap kay Mama at sumandal sa lababo habang nakahalukipkip.
"Ma, ilang beses ko po ba sasabihin sa inyo. Ang pera ko ay pero ninyo rin," paalala ko sa kanya.
"Hay nako, Chantal. Ilang beses ko na ring sinabi sa 'yo na hindi ko kailangan ng pera mo. Dapat ay nag-iipon ka na para sa kinabukasan mo. Ilang taon ka na!" pangaral niya sa akin. "Ang tanda-tanda ko na. Kung tutuusin ay ayos lang sa akin kahit hindi na magpa-dialysis. Handa na akong mawala sa mundo dahil nakikita kong may maayos kang buhay at trabaho."
"Ma!" Nanlaki ang aking mga mata. "Huwag na huwag ninyo pong sasabihin 'yan!"
Tinikom ni Mama ang kanyang mga labi saka nag-iwas ng tingin. Hindi ko maiwasan ang kabahan at matakot tuwing nagsasalita siya nang ganoon.
I knew she didn't want to be a burden to me. Kumpara sa ibang mga magulang ay ayaw niyang pinagkakagastusan ko siya. She wanted me to spend all my money to myself and my future family. Lagi niya ring pinapaalala sa akin na hindi ko utang na loob sa kanya ang pagpapalaki niya sa akin. Kaya nga lang ay matitiis ko ba?
Maagang kinuha sa amin ang dalawang naging ama ko. Mag-isa niya akong pinalaki. Kahit hirap na hirap na siya ay hindi siya sumuko. Wala siyang naipon para lamang mabigyan ako ng magandang kinabukasan at makapag-aral sa maayos na paaralan. And since I was finally capable of taking over her responsibilities, I believed it was only natural to give back or even more. She deserved that. Siya ang dahilan kung bakit ako mas lalong nagsusumikap. Kung wala siya ay baka wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Kinabukasan ay dala ko pa rin ang sama ng aking loob. My mother tried coaxing me during dinner, but I didn't want to give in so easily. Gusto kong malaman niya na hindi biro ang mga sinabi niya at maisip niyang hindi na niya 'yon dapat pang ulitin.
"You look like you're in a bad mood."
I snapped out of my thoughts and flicked my gaze up to Xaiver. He just walked out from the main doors of his own mansion, wearing his usual suit and tie outfit. He was still fastening the buttons of his cuffs as he descended down the stairs, but his eyes were all on me.
Lumipad na agad ang iniisip ko. Napalunok ako nang malalim at bahagyang nag-iwas ng tingin sa kanya nang maalala ang sinabi bago kami naghiwalay kahapon. I knew he was just probably curious, but I couldn't help it.
Tanga ka, Chantal! Huwag mo nang isipin 'yon!
"Hey."
Muli akong nag-angat ng ulo ay diretsong napatingin sa kanya. My eyes widened to see his face drawn so close to me.
"S-Sir..." I stammered and blinked a few times.
"Are you alright?" Xaiver asked and gently placed the back of his hand on my forehead.
Mas lalong namilog ang aking mga mata. Napaatras ako sa sobrang gulat. My heart was going wild on my chest so early in the morning.
"No—I mean, yes, Sir!" I stood straight and answered curtly.
Xaiver's eyes narrowed while staring at me. Ibiniba niya ang kanyang kamay. Ilang sandali pang nagtagal ang kanyang titig bago maayos na tumayo. I was still lost in the moment that I just kept my eyes on him, not realizing that I had not done my duty yet.
Nagulat na lamang ako nang mabilis niya akong nilagpasan. Siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan bago lumingon sa akin.
"I think we should go now or we'll be late for work," Xaiver casually said.
A soft gasp escaped my lips when I realized I had been idling. Mabilis akong yumuko upang humingi agad ng tawad. "Sorry, Sir! Hindi na po mauulit!"
Xaiver dumbfoundedly stared at me, then suddenly chuckled. His soft but baritone laugh resounded in my ears.
Ako naman ang napatulala sa kanya. It was a rare sight to see him looking carefree. Lagi siyang parang galit at seryoso. Kapag ngumingiti naman ay parang napipilitan lang.
The bright expression on his face almost blinded me like it was trying to compete with the sunlight. He looks even more handsome whenever he’s smiling. Hindi ko nga lang maiiwas ang tingin ko kahit na nasisilaw. Kung hindi lang siya sumimangot ulit nang mapansin ang aking pagtitig ay baka talagang hindi na ako matapos.
Xaiver cleared his throat and shifted to his position. He then opened the door wider and nodded his head inside, asking me to get inside first.
Nanlaki ang aking mga mata saka umiling. Tinuro ko rin ang loob para siya na ang mauna gaya nang nakagawian. “Kaya na po ang mauna, Sir.”
Xaiver tilted his head, looking slightly disappointed. Napalunok ako at medyo natakot kaya naman tahimik akong nauna na sa kanya upang sundin ang kagustuhan niyang mangyari.
Habang humahakhabang paakyat sa SUV ay muntik na akong mawalan ng balanse nang biglang hawakan ni Xaiver ang aking braso upang maalalayan. His touch was very gentle, making my pulse run for miles. Naramdaman ko rin ang pag-init ng aking mga pisngi.
“T-thank you, Sir…” namamaos kong sabi nang tuluyang makapasok sa loob. Ni hindi ko siya matingnan at nasa lapag lang ang aking titig.
“You’re welcome,” he simply said.
Muli lamang akong tumango at hindi na nagsalita. Halos isiksik ko ang sarili sa pintuan nang sasakyan kahit na malawak naman ang upuan. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Hindi ko maiwasang balikan ang tanong niya kahapon.
He can’t be serious, right? He is the great Xaiver Vincent Dela Vega! I’m just his secretary!
Tahimik akong umiling sa sarili. Siguro ay maganda lang ang gising niya. Swerte lang ako’t naambunan ng kabaitan niya.
Tama! Ganoon nga ‘yon. Mabait lang siya ngayon. Mamaya mainit na ulit ang ulo niya at babalik na ang lahat sa normal.