*KYS EUNA's POV*
*******
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akung yumakap sa akin mula sa likuran ko.
Dahan-dahan kong tinignan kong sino napalunok ako ng sariling laway ko dahil.
Si sue ? Nanlaki yong mata ko sa nakita ko tinignan ko ulit si sue nga.
"AAAAHHHHHHHH!!!" Sigaw ko sabay bangon nagising naman sya napatingin din sya sakin ng masama.
"Bakit?" Nakakunot noong tanong niya sakin habang nakahiga pa sa kama.
"ANONG GINAWA MO SAKIN??!!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh ano ngayon kung anong ginawa ko sayo asawa na kita ngayon!" Naiinis niyang sagot sa akin.
Kinabahan naman ako dahil sa sinabi nya sakin.
"ANONG GINAWA MO SAKIN! PINAGSAMANTALAHAN MO KO NO!" Sigaw ko ulit sa kanya tinignan nya lang ako ng masama.
Medyo umatras ako sakanya dahil naalala ko yong ginawa nya sakin.
"Psh!" Walang yang sagot yan sabay talukbong ng kumot napa simangot naman ako dahil sa inasal niya nakakainis!!
Napahawak ako sa tiyan ng tumunog ito ano bayan gutom na ako parang may gusto akong kainin.
"I want blood!" Mahinang sabi ko may naamoy akong tao parang nanunuyo ang lalamunan ko.
Bumaba ako sa kama nya sinundan ko ang amoy na yon parang ang sarap nya.
Sa garden tama ang tagalinis sa garden tumalon ako mula sa terrace ng kwarto niya hanggang dito sa may garden nila.
Wow astig natalon ko yon na walang kahirap hirap.
Nasan sya nasan ang taong yon lumakad ako papunta sa mga bulaklak nakita ko syang nakatayo habang nag didilig.
Fresh blood! Mabilis akong nakapunta sa kanya.
Pero mas mabilis sakin si sue para pigilan ako sa balak ko.
"CONTROL! CONTROL! CONTROL!!" Sigaw nya sakin sabay tulak dahilan non para mapa upo ako sa damuhan.
Tumingin ako sa kanya ng masama ganun din sya sakin.
"I need blood!!" Madiin kong sagot sa kanya
"GUSTO MO NG DUGO! PERO HINDI DUGO NG TAO!!" Sigaw nya ulit sakin tumayo ako sa pag ka kaupo.
Magsasalita pa sana ako ng biglang nag salita si ayame.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni ayame kasama ang mga kasamahan nila kagigising lang ata nila.
"Umagang umaga nag aaway kayong dalawa magpatulog naman kayo" Sita samin ni Mavi tumingin lang ako sa kanila ng masama
Dahil sa inis ko hindi ko sila inimikan lumakad lang ako sa harapan nila papasok sa kusina.
"Good morning kys" Bati sakin ni jacob.
Umupo ako at binigyan naman nila ako maiinum hindi ako nag dalawang isip na inumin yon.
Pag kaubos ko tinignan ko so jacob ngumiti naman sya sakin
"More!" Tipid kong utos.
"Para kay sue na po yon isang basong dugo lang tuwing kakain" Sagot niya napa irap lang ako sa kanya.
Hindi ko sila maintindihan bakit ba ang gugulo nila.
Maya-maya pa ay umupo na si sue sa upoan nya tumingin sya sakin
"Ano pang inuupo upo mo dyan wala kabang balak pumasok" Tanong ko at padabog na tumayo kung hindi sana ako pinigilan mas maraming dugo pa nainum ko!.
"Susunduin kita mamaya sa school mo ayoko ng babagal bagal" Nag taka naman ako napahinto ako sa paglalakad.
"Hindi ka papasok?" Tanong ko sa kanya dapat maging masaya ka kys.
"Hindi napag desisyonan kong magtrabaho nalang sa company" Sagot nya bigla naman akong sumaya.
"Oh okay" Yes makakagala na ako.
"Hindi ibig sabihin nyan hindi ko na alam ang mga kinikilos mo alalahanin mo bampira ako!" Seryoso niyang sabi sakin
"Bampira din naman ako ah!" Sabi ko sa kanya akala nya ah.
"Ikaw bampirang hindi marunong magcontrol sa sarili! Nagpapatawa kaba?" Tanong nya sakin tinignan ko naman sya ng masama.
"Natawa kaba?! psh!" Tuluyan na akong lumabas ng kusina.
Dapat masaya ako wala ng engot sa school.
Nang makarating ako sa silid nya agad akong nagtungo sa banyo para makaligo na.
----
Pagkalabas ko ng banyo nakita ko syang naka palit na sya nakapang opisina na sya.
"Bilisan mo dyan!" Masungit nyang sabi sakin.
Hindi ko siya sinagot nag suklay nalang ako ng buhok ko.
Isusuot kona sana yong eye glass ko ng agawin nya sakin yon.
"Para san pa to?" Tanong niya jusko common sense!
"Sa mata ko adik kaba try mo sa ilong!" Hindi na sya umimik kundi pinutol nya na yong eyeglass ko.
Aangal pa sana ako ng mag salita na sya.
"Hindi muna kailangan yan dahil malinaw na ang mata mo!" Pagkasabi nya yon lumabas na sya ng kwarto.
Inis na inis naman akong tumingin sa kanya.
Nang matapos na akong mag sapatos ay kinuha ko na ang bag ko at libro ko nag lakad na akong palabas ng silid nya.
*BEEP*
*BEEP*
*BEEP*
Busina nya tumakbo naman ako palabas ng bahay akala mo talaga business man!!
Binuksan na ni jacob yong pintuan ng kotse niya sumakay na ako nakakahiya naman sa kanya.
Habang nasa byahe kame papunta ng school nakatingin lang ako sa labas.
"Half day lang klase ko mamaya pwede ba akong mamasyal?" Pag papaalam ko sa kanya tumingin naman sya sakin.
"Pumunta ka ng office ko mamaya may ipapagawa ako sayo" Sagot niya office? Ehh kainis anong gagawin ko don!.
"Okay" Tipid ko nalang n sagot akala ko ba naman makakagala na ako aarrgghh!!.
Huminto na ang sasakyan niya sa harap ng school kinuha kona yong mga libro kong dala.
"Babye" Nakangiti kong paalam sa kanya bubuksan ko na sana iyong pintuan ng kotse niya ng hilain nya ang isang braso ko.
Sabay siil ng halik sa akin nanlaki naman yong mata ko dahil sa ginawa niya bakit ako hinalikan ng lalaking ito.
Nang maghiwalay na yong mga labi namin binitawan nya na yong braso ko ako naman walang imik dahil sa nangyari.
"Ipapasundo kita kay jacob mamaya" Sabi nga na tila walang nangyari tumango tango nalang ako.
Dali dali na akong lumabas ng kotse nya baka kong ano pang gawin nya sakin.
Pagpasok ko sa school ay sinalubong na agad ako nila ayame na may mga ngiti sa labi.
----
*JEON SUE's POV*
******
"Good Morning sir!" Bati ng mga empleyado ko tinitignan ko lamang sila.
"Good Morning sir, Sir paperma po" Nakangiting sabi nya pinirmahan ko naman.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa office ko .
Umupo na agad ako habang nakatingin sa kisame ng office ko.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.
"Wala ng ginawa si kys kundi matulog lakas ng dugo mong lintik ka!" Text ni mavi sakin napangisi nalang ako.
Umayos ako ng upo at nagumpisa na akong pumirma ng pumirma sa mga papers na nasa mesa ko.
Sa susunod sya na pag pipirmahin ko nakakatamad ng ganitong gawain!
Bwesit napakaboring naman ng subject na to hindi paba sya tapus pumutak ng pumutak naguugtom nako!
Aniya sakanyang isipan napailing nalang ako habang nag pipirma.
Napatingin ako sa relo ko maglalunch na pala.
Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng tumunog ito.
"Ang lupit pre lahat ng subject tinulugan ng misis mo nandito kami ngayon sa tambayan sya nasa kusina parang may niluluto" Text ni ford sakin
"Paki hatid sya sa gate andon na si jacob" Reply ko sa kanya.
Kapag to di nya kinain sya kakainin kong buhay napatawa naman ako ng mahina may balak kapang kainin ako ah.
Bumalik na ulit ako sa work ng may kumatok.
"Sir lunch po" Nakangiting alok ng secretary ko inilapag nya na sa mesa yong dala niya para sa akin.
"No thanks" Tipid kong sagot sabay balik ng tingin ko sa ginagawa ko
"Sige na sir masarap po ito" Malandi nyang sabing yumuko ito dahilan para makita ko yong cleavage nya.
"Pwede ka ng lumabas marami pa akong tatapusin" Masungit kong utos sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi kunin ang idinala nyang lunch para sakin.
Hindi na nag bago yong babaeng yon malandi parin!.
Bumalik na ako sa ginagawa ko dahil maya maya ay nandito na si kys wala naman akong iuutos sa kanya gusto ko lang siyang inisin ng hindi naman ako boring na asawa.
Naamoy ko na malapit na siya nararamdaman ko na ang awra niya bakit iba ang lakas ng babaeng to mas malakas pa siya sa inaasahan ko.
She's here.
----
*KYS EUNA's POV*
*******
Inis na inis akong naka upo dito sa sasakyan habang papunta sa office ng masungit na yon gusto kong gumala ano naman gagawin ko dito.
"Kys andito na tayo" Sabi ni jacob kinuha kona yong lunchbox at bag ko pinag buksan nya na ako ng pintuan lumabas na agad ako sa kotse.
Sabay kameng naglakad papasok sa nasabing company building nya.
"Good morning ma'am and sir" Bati ng guard.Hmmm tao! ayos dito ah kapag gusto mo pala ng dugo kakagat ka nalang.
Habang naglalakad kami papunta sa mismong office ni sue pinag titinginan ako ng mga empleyado nya.
Mga marites na mga to pinapasahod lang ba ni kumag tong mga to para mag chismis kong mag apply kaya ako.
"Sino yang babaeng yan"
"Anak kaya sya ni sir"
"Sino sya girlfriend kaya sya ni sir"
"Sino naman yang babaeng yan nakauniform pang pumunta dito?"
"Mukhang mayaman diba uniform ng parker's University yan"
"Ang swerte naman nya nakapag aral sya don"
"Anong ginagawa niya dito?"
"Baka mag-oojt"
Mga chismosa nga naman wala sa lugar napahinto ako sa paglalakad.
"PUMUNTA BA KAYO DITO PARA MAGCHESMISAN?!" Sigaw ko sa kanila isa isa ko silang tignan napayuko naman sila.
Diko alam napakainit na ng ulo ko ngayon nakakabanas.
"Aarrgghh nakakainis lagi niya na lang tina tangihan mga inaalok kong lunch sa kanya!" Naiinis na sabi ng babae habang nakatayo sa tapat ng pintuan tinignan ko naman sya.
Nakatingin lang din sakin si jacob hinihintay akong anong gagawin ko.
"Anong titingin-tingin mo dyan!!" Galit na sita sakin ng babae to habang nag lalakad
"Aba malamang may mata ako edi tinitignan kita!!" Galit ko ding sagot sa kanya tinignan ko nalang ulit siya sabay lakad naramdaman kong sinundan nya ako ng tingin.
Binuksan ni jacob yong pintuan bago ako pumasok tinignan ko muna yung babae inirapan ko sya
Naiwan sa labas si jacob isinara nya na yong pintuan.
"Lunch for you" Sabi ko pagkalapit ko sa kanya sabay abot sa kanya yong lunch box.
Kinuha nya naman yon umupo ako sa upoang nasa harap nya.
"Anong ipapagawa mo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa ginagawa nya.
"Suboan mo ako" Seryosong sagot nya pero sa ginagawa nya pa rin sya nakatingin.
"Psh yon lang ba gagawin ko?" Tanong ko medyo nainis nanaman ako.
"Oo bakit may masama ba asawa mo ko diba?" Tinignan ko lang sya ng masama ngumisi naman ang mokong!.
Binuksan kona yong lunch box na nasa mesa nya inilabas kona yong kutsara at tinidor na binalot ko ng tissue sa may bag ko.
"Ano to?" Tanong nya sa ulam na niluto ko.
"Adobong manok yan" Sagot ko "Masarap yan promise" Nakangiti kong sabi.
Kumuha na ako ng kanin at ulam.
"Tikman mo!" Ngumanga naman sya nakatingin lang ako sa kanya habang ningunguya nya yong sinubo ko sa kanya.
"Masarap pala to" Sabi nya sabay tango-tango
"Oo bakit ngayon ka lang ba nakatikim?" Tanong ko naman habang akmang susuboan na sya
"Yeah" Tipid nyang sagot.
Sinuboan ko ulit sya natuwa naman ako dahil nasarapan sya sa luto ko.
Napatingin kameng dalawa ng may kumatok.
Pumasok ang babae kaninang galit na galit.
"Sir may ipapapirma lang po sana ako" Malandi nyang sabi sumingkit naman yong mata ko
"Sir may ipapapirma lang po sana ako" Paguulit ko kaso mahina lang rinig ko ang pag tawa ni kumag
"Akin na" Tipid naman sagot nya ngumiti ang babae pagkalapit nya kay sue oo sa mismong tabi nya ito tumayo minamasahi nya yong balikat nya.
Padabog kong inayos yong lunch box napatingin naman sakin si sue.
"What's wrong?" Tanong nya hindi ako umimik tinignan ko lang sya ng masama.
"Ipinag luto mo ulit ako ng adobo bukas" Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Ako sir magaling akong magluto ng adobo" Singit nong babae ngiting ngiti pa sya.
"Magaling sa pagluluto o magaling lumandi" Mahina kong sabi.
Tinignan naman ako ng babae alam kong narinig nya yon ngumisi naman ako.
Tumingin ako sa kanya as in talagang tinignan ko sya.
"Ganito ba mag suot ng unifrom tong ang mga empliyado mo?" Tanong ko kay sue sabay turo sa babaeng sobrang iksi ng palda at sadyang nilalabas ang cleavage.
Edi ikaw ng malaki ang hinaharap bwisit!
"Ano bang problema mo sa suot ko ha kanina kapa eh!" Galit na yong babae tapang ah asawa ako ng boss mo kaladkarin kita dyan eh.
"Nothing! masama bang magtanong sa lahat ng empleyado dito ikaw lang ang kakaiba ng suot" Sabi ko sa kanya
"Kinulang naba sa tila yang uniform mo at ganyan?" Muling tanong ko sa kanya tsaka ngumiti ng maayos kona yong lunch box na dala ko tumayo na ako sa pag ka kaupo.
"Sino kaba para pakialaman ako?" Mataray niyang sagot ngumiti lang ako sakanya kahit naiinis na ako.
"She's my wife" Singit ko kumag.
Halatang nagulat yong babae sa narinig nya ningitian ko ulit sya.
"I have to go baka naiinip na si jacob sa labas" Pagpapaalam ko tinignan ko ulit ang babae halata sa mukha nya na napahiya siya.
"Ihahatid na kita sa labas" Sabi ni mokong "Mamaya muna kunin tong pina pirma mo sakin" Sabi nya sa babae.
Nauna nang lumabas sa'min ang babae na yon.
"Huwag mo na akong ihatid okay na ako" Sabi ko sakanya
Hindi siya umimik naglalakad na ako nasa likoran ko naman sya.
Nang makarating na kame sa pintuan ng office nya.
"Okay na ako dito bye" Nakangiting sabi ko sa kanya bago ako makalayo sa kanya hinagkan nya muna ako sa noo.
"Take care" Ngumiti nalang ako lumakad na ako palabas ng company nila anung trip ng lalaking yun nakakain ba yon ng candy at sweet sya ngayon.
Pinagtitinginan pa rin ako ng mga empleyado niya hinayaan ko nalang sila bahala sila sa buhay nila.
________