IX

2054 Words
*KYS EUNA's POV* --- "Wag maawa ka wag!" Umiiyak kong sigaw habang nakatingin kay venezia. "Ako nalang ang patayin mo wag si sue!!" Muling sigaw ko sa kanya ngumisi sya sakin habang sakal sakal si sue sugatan na sya at mahina na ang katawan. Samantalang ako walang magawa hindi makalapit sa kanya dahil may mga patalim na nakaturo sa akin konting galaw ko lang din ay mamatay na din ako. "AKO NALANG VENEZIA AKO NALANG PAKAWALAN MO SI SUE!!" Sigaw ko sa kanya na halos pumutok na yong ugat ko sa leeg. "HAHAHAHAHAHA Ang sweet nyo namang dalawa wag kang mag alala kys isusunod kita makakasama din kayong dalawa!" Sabi nya sabay tawa ulit ng malakas lalo akong napaiyak. "K-kys" Nahihirapang tawag sakin ni sue tsaka ito tumingin sa'kin napailing ako napatakip ako ng bibig ng hindi nag dalawang isip si venezia na saksakin si sue sa bandang puso. Tila tumigil ang mundo ko "H-hindi h-hindi t-to m-maari" Nahihirapan kong sabi habang nakatingin kay sue na nawawala na biglang sumikip ang dibdib ko parang humindi sa pag t***k ang puso ko "HHHHIIIINDDDDIIIII!!!" "Kys kys kys!!!" Napabalikwas ako ng bangon ng inalog alog ako ni ayame hingal na hingal ako at pawis na pawis na patingin ako sa kanila. "Anong problema bakit ka sumisigaw halos mabasag na ang salamin" Nag aalala na tanong ni mavi sa akin hindi ako sumagot napa hagulgol ako ng iyak. "Hindi hindi pwedeng mangyari" Sabi ko sa kanila habang hindi mapakali. "Ang alin? bakit?" Sunod sunod na tanong ni ayame sakin. Imbis na sagotin ko sya tinanong ko kong meron na si sue. "Nasan si mokong? Dumating naba sya?" Tanong ko sa kanila nagkatinginan lang sila tsaka umiling. Lalo akong naiyak paano kung totoo ang panaginip ko paano kung patay na sya halos itakip kona sa mukha ko yong kamay ko kakaiyak. "Iwanan nyo muna ako gusto kong mapag-isa" Sabi ko tumingin ako sa kanila "Please gusto kong mapag-isa" Pakiusap ko sakanila napabuntong hininga sila muli ako na higa sa kama at nagtalukbong ng kumot. _______________ Nakaupo ako sa may sofa habang hinihintay ang pagbabalik niya simula kagabi hindi pa sya bumabalik. Sobrang nag aalala na ako dahil sa panaginip ko. Hindi kya patay na sya hindi malakas siya malakas. "Hindi kaba papasok kys?" Tanong ni jacob napatingin naman ako sa kanya. "Hindi" Tipid kong sagot habang nilalaro ko yong daliri ko. "Wala parin si sue hindi parin sya bumabalik?" Tanong ko sa kanya umiling sya "Sabi kasing sasama ako ayaw nya nakakainis talaga yung lalaking yon!" Dagdag ko na sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Intindihin mo nalang sya kys ayaw ka lang nyang mapahamak!" Mahinahong sabi nya sakin inirapan ko naman sya "Kaysa naman nag------" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may bumagsak sa sahig. *BBLLAGG* Napatingin ako sa silid namin ng may marinig akong parang may bumagsak. "Ano yon?" Nag aalala kong tanong at lalong kinabahan may kalaban kayang nakapasok. Tumayo ako sa pag kaka upo at tumakbo paakyat sa taas. Napahinto ako sa pintuan ng silid namin at nan laki ang mata dahil sa nakita ko. "MOKONG!" Tawag ko sa kanya at agad ko syang nilapitan ang dami niyang sugat at ang lalalim. "MOKONG NA KUMAG GUMISING KA!!" Sigaw ko sa kanya habang inalog-alog ko siya pero ayaw nya paring gumising. "JACOB!!" Tawag ko sa kanya "Anong nangyari?" Tanong nya ng makarating sya dito sa silid namin. "Jacob tulongan mo akong ipahiga sya sa kama" Sabi ko sa kanya tinulungan niya naman ako. "Anong nangyari sa kanya bakit wala syang malay?" Tanong ko habang nakatingin kay mokong. "Dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya at malalim na sugat sa katawan nya at sa pagod narin sigurado akong matagal ang laban nila" Seryosong sagot nya sakin. "Hayaan mo muna syang mag pahinga gagaling din yan sugat nya sa katawan" Dagdag nya Nakatingin lang ako sa kanya natalo nya kaya ang mga kalaban?. Tulad ng sinabi ni jacob hinayaan ko nalang muna sya. Lumabas na ako ng kwarto namin hindi ko sya maintindihan kong ayaw nya ba akong mapahamak dahil ako yong babaeng nasa propesiya yon ba ang dahilan?. Ayokong mag assume na mahal nya ako kaya lang naman nya ako pinakasalan dahil don wala ng iba. Pag kababa ko ng hagdan nagtungo ako sa kusina inilabas ko yong karne sa may ref. Ipag luluto ko sya ng adobo para pagkagising niya may makaen sya. "Anong meron?" Tanong ni ford na kaka pasok lang dito sa kusina. "Magluluto nandito na si mokong" Sagot ko sa kanya habang hinihiwa ang karne. "Kamusta na sya? Napatay nya na ba si venezia?" Tanong nya sakin nay kibit balikat naman ako. "Hindi kopa sya nakausap wala syang malay kanina" Sagot ko napa buntong hininga na lang sya. "Wala kang pasok?" Muling tanong nya sakin. "Meron bukas na ako papasok tinatamad na ako eh baka makatulog lang ulit ako" Nata tawang sagot ko tumawa naman sya. "Napakantokin mo buntis kaba?" Tanong nya napakunot naman ako ng noo ko dahil sa sinabi niyang yon. "Hindi ah" Sagot ko sa kanya. "Weehh nasa iisang kwarto kayo ni sue posibleng walang nangyari sa inyo?" Hindi makapaniwalang tanong nya sakin. Sumingkit naman yung mata ko dahil sa tanong nya. "Purket magkasama sa iisang kwarto may nangyari na! Nakapamewang kong sabi sa kanya. "Sa iba wala pero sa katulad ni sue hindi ako naniniwalang walang nangyayari" Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi nya. "Yong naging girlfriend nya dati halos hindi na makalakad dahil sa ginawa nya nasa kwarto lang ang babae" Kwento nya sakin napatingin ulit ako sa kanya medyo naintriga naman ako chismis yan eh. "Wehh buhay pa ba siya? Bakit hindi makalakad?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. "Hindi mo alam hahahaha" Tumatawa niyang sabi sakin kaya lalo akong nag intriga ano ba kase yon. "Sa tingin mo magtatanong ba ako kung alam ko!" Taas kilay kong sagot sa kanya lalo siyang natawa. "Matinik sa s*x ang asawa mo kys hindi ka titigilan non hanggang hindi ka nawawalan ng malay kaya kong ako sayo kapag ng honeymoon kayo mag palakas ka baka hindi mo makayanan pag lalamayan ka namin" Mahabang sabi nya habang nakangisi. Napalunok naman ako ng laway bigla akong kinabahan walangya bakit ba ako kinabahan eh wala namang dapat mangyari samin!!. "Aalis na ako kapag may problema dito tawagan mo lang ako" Paalam nya sakin sabay ngisi ng nakakaloko. Umiling iling ako wag ko dapat isipin yong sinabi niya fucos sa pagluluto dapat masarap to para lumakas agad sya. Nagpatuloy na ako sa pagluluto isinantabi kona yong sinabi sakin ni ford niloloko lang ako non. "Anong ginagawa mo ms kys?" Tanong ni jacob ng makapasok sya dito sa kusina. "Nagluluto para sa pagkain ni mokong" Sagot ko habang inili ligpit ang mga ginamit ko sa pagluluto. "Mukhang masarap yan ms kys" Nakangiting sabi nya. "Para kay mokong yan" Taas kilay kong sagot napa simangot naman sya. "Joke lang kumuha ka kung gusto mo akyat muna ako titignan ko lang sya" Paalam ko sakanya tsaka ako lumakad palabas ng kusina iniwan kona sya don. _________________ *ROSALVA's POV* _______ Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko ang aking ina napa tingin naman siya sa kin. "Ano bang nakain mo bakit ka pumunta sa bahay ni sue?!!" Galit na tanong ni mama sakin habang pinaghahanda nya ako ng baon ko sa opisina. For sure magugustuhan ni sue sinabi ko kay mama na magluto sya ng adobo. "Gusto ko lang bawiin ang dapat sa akin ma!" Sagot ko sa kanya hindi ko mapigilang hindi mainis dahil kong hindi sa babaeng yon makukuha ko sana ulit si sue. "Na ano na sayo si sue nahihibang kana rosalva hindi ikaw ang babaeng nasa propesiya! Kung hindi ka tatanga tanga noon edi sana ikaw ang pinakasalan nya!!" Sermon sakin ni mama napapikit nalang oo naging kame ni sue pero hindi kami nag tagal dahil nahuli nya akong may ibang kasamang lalaki. "Alam ko bang ipagpapalit nya agad ako!" Sagot naman kung alam ko lang may balak na siyang hahanapin ang babaeng nasa propesiya edi sana gumawa ako paraan para mapasakin ulit sya "Itigil muna yan! Malakas yong babaeng yon!" Sabi ni mama sa akin tinutukoy niya ang asawa ni sue oo malakas sya pero hindi ako magpapatalo. "Psh! Hindi nyu ko mapipigilan ma!" Sagot ko sa kanya ngayon pa ba ulit ako susuko naakit kona ulit sya sabihin natin malakas sya peri kaya kong gamitin ang lakas ng s*x appeal ko kag sue. "Bahala ka na rosalva kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo!" Pagsuko niya inirapan ko na lang sya "Papasok na ako ma" Pagpapaalam ko sa kanya lumabas na ako ng bahay. Sumakay na ako sa kotse ko at binuhay yong makina ng sasakyan ko tsaka ko pinaharorot. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito si shamsa ka officemate ko. Sinagot ko naman agad sinuot ko yong headset ko. "Oh bakit?" Tanong ko. "Si sir hindi pumasok ang dami niyang pinirmahan"Problemado niyang sabi sakin. "Sige pupunta ako sa bahay nya" Ibinaba kona yong call nya inalis kona yong headset sa tainga ko. Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo para makarating na agad ako sa bahay nya. Excited na akong makita sya eh kong akitin ko sya mismo dito sa pamamahay nya. --- Huminto ako sa tapat ng bahay nya lumapit sakin yong guard na nagbabantay sa may gate. "Ano pong kailangan nila?" Tanong nya "Secretary ako ni sue may ibibigay lang ako sa kanya" Pagpapakilala ko Tumango tango sya tumingin sya sa hawak nyang notebook. "Ma'am ikaw po ba to?" Tanong nya sabay pakita ng picture kong nakadikit sa notebook. "Oo ako nga bakit?" Taas kilay kong tanong. "Bilin po kasi si madam na wag kayong papasokin dito hindi daw welcome sa bahay na to ang isang higad na katulad nyo" Derederetso nyang sabi umigting naman yong panga ko "Ano importante tong ibibigay ko" Inis kong sagot bwisit kang babae ka talagang sinusubukan mo ako kailangan kong makita si sue namimiss kona sya. "Hindi po talaga pwede" Sabi nya bwisit talaga pwes manigas ka dyan wala akong ibang choice kundi gawin to. Nawala nalang akong parang bola ng nasa mismong pintuan na ako ng bahay niya. Bumukas yong pintuan nila nakita ko syang nakatayo doon nakapamulsa. Ngumiti siya sakin ganun din ako sa kanya. "Matigas talaga ang ulo mo!" Malamig niyang sabi ngumisi naman ako. "Natatakot kabang maagaw ko sayo ang asawa mo!" Ngumisi naman sya lumakad sya palapit sakin. "Bakit? Kaya mo ba?" Natatawa nyang sagot. "KYS!" Tawag sa kanya yung boses na yoon si sue napatingin naman sya sa likoran nya. Kinuha ko yung kamay ng babaeng to nilagay ko sa may leeg ko napatingin ulit siya "Anong ginagawa mo! nababaliw kana ba?!" Gulat na gulat nyang tanong sakin "Rosalva!" Tawag sakin ni sue. "S-sue!! Tu-tulungan mo-mo a-ko!!" Nahihirapan kung sabi "ANO NANAMAN TO KYS DIBA SABI KO KONTROLIN MO YANG SARILI MO!!" Sigaw nya kay kys tsaka nya inalis yong kamay nya. Palihim naman akong napangiti sige pagalitan mo sya. "Hindi ko yang sinasakal sya ang kumuha sa kamay ko tapos inilagay nya sa leeg nya!" Malamig nyang sagot tumingin sya sakin ng masama tinaasan ko naman sya ng kilay. "Galit na galit ka sakin dahil pinaghihinalaan mong may relasyon kameng dalawa!tignan mo nga tong ginawa mo sakin kagabi muntikan mona akong pinatay!" Naiiyak kong sabi kita ko naman ang lalong pagkainis nya. "Totoo ba yon kys?" Tanong ni sue sa kanya. "Diba sinabi ko sayo wag kang magpadala sa galit mo!" Muling sabi sa kanya ni sue Hindi parin sya sumagot tinalikoran nya na kame. "Pumunta ako dito kahapon para ibigay sayo to kaso nagalit siya bigla niya akong sinugod" Sabi ko ulit napatingin sakin si sue. "Dapat nga pinatay na kita kahapon!!" Malamig nyang sabat tumingin sya sakin tsaka ngumisi at nag patuloy sa paglalakad "Kys ano ba mag usap tayo!" Inis na sabi ni sue hindi parin sya pinansin patuloy lang sya sa paglalakad. "Umalis kana!" Malamig na utos nya sakin. "Hindi kaba papasok marami kang gawain sa opisina" Sabi ko sa kanya. "Hindi kaya umalis kana!!!!" Sigaw nya sakin tsaka na sya tumakbo para habulin si kys aarrgghh siya pa rin ang inuuna niya kainis hah!!. Sinuswerte ka paring babae ka pero sa susunod sisiguradohin ko ng mapag hihiwalay ko kayo ni sue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD