*KYS EUNA's POV*
_______
Halos napapapikit ako dahil sa sobrang sarap ng mangang may alamang hindi ko alam kong nakakailang manga na ako ngayon.
"Hoy kys ginugutom kaba ng asawa mo? Nakailang manga kana para kang patay gutom" Sabi sakin ni ford habang nakatingin sila sakin tinignan ko naman sila ng masama.
Nandito ako sa tambayan nila dahil tinatamad akong pumasok oo tinatamad ako tapus laging masama ang pakiramdam ko.
"Sabihin mo lang kong ano pang gusto mo at ibibili ka namin mukhang napapabayaan kana ni sue" Umiling iling namang sabi ni steven.
"Balatan niyo pa yan ang tatagal!" Pagrereklamo ko sa kanila ang babagal kase mag balat ng manga.
"Hindi kaba naaasiman dito tsaka kanina ka pa kumakain hindi kaba nabubusog para kang may alagang dragon sa tyan" Pagrereklamo ni sunny habang nag babalat din ng manga.
"Bilisan mo na lang dyan sunny ng matuwa ako sayo" Masungit kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mangang hinihiwa ni ford naglalaway na agad ako.
"Sobrang init ngayon mag swimming kaya tayo?" Suggestion ni max habang inilalagay ang balat ng manga sa basurahan.
"Kaya nga outing tayo tagal na nating hindi nakakapag relax" Sang ayon naman ni steven
"Mukha ba kayong stress hindi naman ah" Nakanguso kong sabi sa kanila
"Alam mo kys kumain ka nalang dyan kame ng bahala sa outing" Inis na sagot sakin ni steven.
"Isama niyo ako ah mukhang kailangan ko din ng makapag relax nasstress ako sa higad na sekretary ni sue!" Inis na sabi ko sa kanila bago sumubo ulit ng manga.
Tumawa naman sila tinignan ko lang sila ng masama.
"Nauumay na din ako sa pagmumukha niyo eh" Natatawa kong sabi napasimagot naman sila.
"Napakasama mo talaga kys ang gwagwapo naman namin bakit ka nauumay?" Nakangusong pag iinarti ni max.
"Aba bumuhat ata kayo ng sarili nyong bangko" Sabi ko sakanila tsaka tumawa ulit tinignan naman nila ako ng masama wala sila mavi ngayon may mga klase kaya ako lang ang nandito kasama tong mga kulongong to.
"Amoyin nyo tong pabangong binili ko ang bango" Tuwang-tuwang sabi ni kiko habang hawak yong pabango niya.
Nakatingin lang kame sa kanya inispray nya sa damit ni steven agad naman ako napa takip ng ilong.
"Ang bango nga isa pa" Tuwang tuwa na sabi ni steven ako naman halos masuka suka na.
"Ano yan ang baho!" Galit kong sigaw sa kanila na patingin naman sila sakin.
"ang bango kaya kys amoyin mo" Sabi ni kiko sabay dikit sa ilong ko yong pabango napatayo ako sa pagkakaupo at tumakbo sa lababo hindi kona mapigilang hindi masuka.
"Hala ka kiko" Sabi ni max sa kanya.
"Kys ayos ka lang ba?" Tanong nila sa akin hindi ako sumagot tumingin ako sa kanila ng masama habang nagpupunas ng labi ko.
Magsasalita sana ako kaso nasusuka na naman ako humarap ulit ako may lababo.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni mokong na kakarating lang dito ano namang ginagawa nyan dito.
Walang sumagot sa kanilang lima nanatili silang tahimik napa tingin ako sa tabi ko ng may humahagod sa likod ko si sue.
"Bakit ka sumusuka?" Tanong niya sakin napa simangot ako.
"Si kiko pina amoy sa akin ang pabango eh ang baho" Parang batang sumbong ko sa kanya madilim ang aura nyang tumingin kay kiko.
"KIKO!!!" Sigaw na tawag nya hinawakan ko yong kamay nya napatingin naman sya sakin ng may pag aalala.
"Nahihilo ako" Sabi ko sa kanya binuhat niya naman na ako tumingin muna sya ng masama kay kiko bago kame tuluyang lumabas ng kusina pumasok kame sa silid nya at ipinahinga nya ako sa kama.
"Okay ka lang ba lagi ka nalang nahihilo umiinom ka ba ng dugo?" Tanong nya sakin tumango naman ako habang nakatingin sa kanya nagulat ako ng buksan niya ang polong suot nya tatlong botones ang binuksan niya.
"Bite me my wife" Utos niya sakin napalunok naman ako ng sariling laway ko.
"Bite me wife kung ayaw mong ako ang kumagat sayo" Pagtatangka nya sakin wala akong na gawa kundi ako ilapit ako mukha ko sa leeg nya amoy na amoy ko ang pabango nyang hindi masakit sa ilong inamoy ko ito napapikit ako pagkamulat ko ay pula na yong mata ko inilabas ko yong pangil ko ang hindi nag dalawang isip na kagatin ang leeg nya.
Napakapit ako sa batok nya habang sinisipsip ang dugo nya binuhat nya ako at pinaupo sa hita nya ng okay na yung pakiramdam ko ay inilayo kona yong mukha ko sa leeg nya bumalik narin sa itim yong mata ko at wala na ang pangil ko.
Nagulat ako ng halikan nya ako sa labi napa daing ako ng pisilin nya ang s**o ko huminto sya sa paghalik sakin pero malapit parin yong mukha nya sa mukha ko.
"Are you okay now?" Tanong nya sakin tumango naman ako "Mag pahinga kana dito lang ako sa tabi mo" Dagdag nya ipinahiga nya na ako sa kama.
Umayos naman ako sa higa akala ko uupo lang sya pero nagkamali ako humiga din sya sa tabi ko niyakap niya ako biglang bumilis naman ang t***k ng puso ko.
"Just rest wifey or papagurin kita" Muling pagbabanta nya sakin agad ko naman syang pinalo sa bras tumawa lang sya ng mahina at humigpit ang yakap nya sakin.
Pumikit na ako baka ako nga ako papagurin nya mahirap na no.
________
*JEON SEU's POV*
Nakatingin lang ako sa kanya habang mahimbing na natutulog ng masiguro kong tulog na talaga siya ay bumangon na ako sa pag kakahiga at lumakad na palabas ng silid namin.
Pag kalabas ko ay nadatnan ko sila sa may sofa nakaupo at hinihintay ako umupo ako sa pang isahang upoan.
"Anong sasabihin mo sue?" Seryosong tanong ni ayame.
Huminga muna ako ng malalim tsaka ako tumingin sa kanila.
"May sinabi sakin si venezia bago ko sya mapatay hindi si kys ang babaeng nasa propisya" Seryoso kong sabi sa kanila nagulat naman sila.
"Paano niya nalaman na hindi sya?" Naguguluhan na tanong ni mavi.
"Hindi sya totoong anak ni rosalinda ampon lang nyas si kys" Tukoy ko sa babaeng pinatay ni venezia nong araw na kinu kuha niya si kys samin.
"Bakit hindi mo sinabi agad samin?" Tanong ni adelisa muli akong huminga ng malalim.
"Nagpaimbistiga muna ako kay jacob sinigurado ko muna kong totoo ang sinabi sakin ni venezia" Seryosong sagot ko "Totoo ngang ampon lang si kys kinuha lang sya ni rosalinda sa bahay ampunan para kahit papano may anak parin sya" Dagdag ko kita ko sa mga mata nilang nagugulohan sila.
"Paano si kys? Anong gagawin natin sa kanya?" Tanong no ford napailing ako sa totoo lang hindi ko pa alam.
"Hindi ko alam wag nyo na munang sasabihin sa kanya ang tungkol dito" Seryosong sagot ko sa kanya.
"Pero sue nasakanya lahat ng nasa libro" Kunot noong sabi ni ayame sakin.
"Yan din ang pinag tataka kong hindi sya bakit kakaiba sya pinaiimbistigahan ko ngayon kay jacob kung sino ang tunay niyang magulang sinabi ng bahay ampunan bata palang si kys ay ulila na ito" Paliwanag ko sa kanila hindi ko na din alam nangyayari.
"Pero sue napamahal kana sa kanya hindi ba? Bibitawan mo sya? Hahanapin mo ba ang totoong nasa propesiya?" Sunod sunod na tanong ni ford sakin napahawak ako sa ulo.
"Hindi ko pa alam naguguluhan ako" Sagot ko sa kanya mahal ko sya pero kailangan kong mahanap ang totoong babaeng magbibigay kalayaan samin.
Sa ngayon hindi kona muna iisipan yan susulitin ko ang araw na meron kame kahit na mahirap tangapin at alam kong masasaktan sya kong sakaling malaman nya.
Napatingin kame sa pintuan ng silid ko ng bumukas ito nakita namin syang halos kagigising lang humihikab pa sya habang kusot kusot yong isang mata nya.
"Kys okay kalang bakit parang namumutla ka?" Nag aalala na tanong ni mavi sa kanya.
Tumango tango naman sya habang papalapit sakin.
"Mokong" Tawag nya sakin napahawak sya sa balikat ko nagulat naman ako ng sobrang lamig ng kamay nya.
"Nagugutom na ako" Nakanguso niyang sabi sakin
"Gutom ka nanaman kys ang dami mo ng kinain kanina ah" Nagtataka na sabi ni ford.
"Eh sa nagugutom pa ako eh kumukulog na ang tiyan ko" Pagrereklamo nya tsaka nya hinimas himas yong tiyan nya.
"Halika ipag luluto kita" Aya sa kanya ni adelisa kuminang naman yong mata nya.
Tumayo na si adelisa tsaka nya hinawakan si kys pero nagulat kame ng tumilapon sya napatingin kameng lahat kay adelisa na nakasandal sa pader.
"Adelisa" Gulat na gulat na sabi ni kys.
"Anong ginawa mo kys?" Tanong sa kanya ni kiva umiling iling naman sya pero gulat na gulat parin sya.
"Wala siyang kasalanan kiva" Nahihirapang sabi nya lumapit agad si mavi sakanya para alalayan sya.
"Bakit ang lamig ng kamay mo kys at ang lakas mo parang may sumipa sakin kanina tapus may nakita ako" Sabi nya tumingin muna sya sakin.
Pinaupo sya si mavi sa sofa lalapit sana si kys sakanya pero agad nyang pinigilan.
"Wag kys baka hindi ko na kayanin ayaw niyang may humahawak sayo" Sabi niya dito na ikina kunot ng noo ko.
"Anong sinasabi mo adelisa?" Naguguluhan na tanong ni kiva sa kanya.
"Sue hawakan mo ang kamay ni kys" Utos niya sakin alam ko na ang gusto niyang mangyari papalarin nya si kys pero ako pagkokonikan nya
Humawak naman ako kay kys ang lamig parin ng kamay nya hinawakan ni adelisa yong kamay ko.
Ang kapangyarihan nya ay makita kong anong katangian ng isang bampira at kung anong magiging kapalaran nya.
Nakapikit lang si ade ng bigla kameng tumilapon na dalawa.
"Ano ba ang nangyayari?" Nagugulohan ng tanong nila napatingin ako kay kys na nanatiling nakatayo habang nakatingin samin ni ade takot na takot sya at halatang nagugulat sa nangyayari.
Anong nangyari bakit sobrang lakas niya parang ibang-iba sya.
"Ade anong nakita mo?" Tanong ko sakanya habang tumatayo sa pagkakaupo.
Umiling iling sya habang nakayuko.
"May nakita ako batang babae masayang tumatawa hindi sya basta bastang bata napakalakas nya gusto ko sana malaman kong sino sya pero kinontra nya ako" Nakayuko niyang sabi.
Laking gulat namin ng tumingin siya samin puti na yong mata nya.
"Ade anong nangyari sayo bakit ganyan ang mata mo?" Naiiyak na tanong ni ayame.
"Anong ginawa mo kys?" Tanong ni mavi.
"Wala akong ginagawa sa kanya" Naguguluhan na sagot niya.
"Ibalik mo yong mata nya kys ibalik mo" Sigaw sa kanya ni kiva.
"Wala siyang kasalanan wag kayong mag alala sakin dahil okay lang ako nakikita ko parin kayo kahit ganito ang mata ko gawa ng bata to sakin" Seryosong sabi nito sabay tayo.
"Tara na kys ipagluluto na kita sue mag usap tayo mamaya may dapat kang malaman" Seryoso nyang sabi sakin bago siya lumakad papuntang kusina.
Sumunod naman si kys nagkatinginan kaming lahat.
"Ngayon mo sabihin samin sue na hindi talaga siya yung babaeng nasa propesiya" Madiin na sabi ni mavi sakin.
"Napakalakas nya sue malakas kana pero tumilapon kapa wala pa siyang ginagawa sayo" Sabi naman ni kiva sakin.
"Anong nangyari kay ade bakit ganun ang mata nya?" Tanong naman ni ayame.
"Isa lang masasabi ko kayang kumontra ng kapangyarihan ang may gawa non sakanya at hindi basta bastang bampira kaya nyang baliktarin ang lahat pwede nyang ibalik sayo ginawa mo pero mas malakas ang balik non sayo" Seryosong sabi ni ford habang nakatingin kila kys at adelisa na nasa kusina.
"Kung hindi si kys ang babaeng nasa propesiya sino sya?" Tanong naman ni steven na kanina pa tahimik.
Napaayus kame ng upo ng pabalik na sila dito sa sala may dala dalang pagkain si kys at masayang sumusubo.
"Napaka patay gutom talaga ng asawa mo sue" Umiling iling na sabi ni kiko.
Napa tingin naman ng masama si kys sa kanya ano yon rinig niya kahit malayo sya.
"Hoy kiko gusto mo bang ipa laklak ko sayo ang pabango mong mabaho!" Masungit niyang sabi dito napa kamot nalang sya ng batok nya.
Umupo na sya sa upoan ko kanina habang inamoy ang nilutong pancit canton ni adelisa.
"Sue let's talk yong tayong dalawa lang" Seryosong sabi ni ade napatingin naman sakin si kys napanguso ito .
Nag taka din sila ayame habang nakatingin silang lahat habang nakatingin sila samin.
Lumakad na si adelisa sumunod naman ako nandito kame ngayon sa likod ng tambayan namin.
"May napapansin kabang kaiba kay kys?" Tanong nya sakin napakunot naman ako noo.
"Meron napakasungit at matakaw sya i mean matakaw na sya pero mas matakaw sya ngayon" Sagot ko sa kanya napa tawa naman sya dahil sa sinabi kong yon pero naninibago parin ako sa mata nya.
"Sue she's pregnant"