Chapter 13 "Master pwede ko ba isama si Gemma?" Napatigil si Max na kasalukuyang inaayos ang suot na necktie at nasa likod niya si Garan na pababa ng hagdan. Nakita ni Garan si Gemma na hawak ang sleeve ni Gabriela. "Saan kayo pupunta ni sis Lumi? Sasama ako." Tiningnan ni Max si Garan at tinanong si Garan since kapatid niya iyon. "Saan ba pupunta sina miss Gabriela?" tanong ni Garan. Sinabi ni Max na pinasasama niya ito kay Lumina para pumunta sa parlor. Kailangan ng kaunting make over ni Gabriela para sa darating na party. "Kailangan niya din bumili ng dre—" Napatigil si Max after may ma-realize. Ayaw ni Gabriela nagsusuot ng dress. Tiningnan ni Max si Gabriela sinabi na kailangan nito magsuot ng dress sa party. Hindi alam ni Gabriela kung ano isasagot. Ini-inform ba siya n

