Dianne's POV Sinabayan ng ulan ang pagbagsak ng mga luha ko dahilan para mas dumagdag pa ang lungkot na nararamdaman ko. I don't want to hurt Chase. Kailan man ay hindi ko 'yon ginusto o inisip man lang. Kung titingnan sa point of view ng ibang tao ay malamang iisipin nilang masama ako. It's not that I care about what they think pero baka nga tama sila. Hindi naman talaga maganda 'yong ginawa ko pero ayaw ko namang lokohin at paniwalain si Chase at higit sa lahat ang sarili ko na hindi ko mahal si Cloud. I fell too fast, and it's almost unbelievable. How could you love someone that fast? I guess it's not always true when they say only time can tell. Mula sa pagkakaupo sa kama ay humiga ako at binalot ang buong katawan sa isang kumot. Doon ay muli akong umiyak hanggang sa makarinig ako

