“Oh my gosh, Xy!” kinikilig at nakatiling sabi ni Deia na kasama pang paghampas sa aking braso.
Kasusundo ko lang sa kanya galing sa work niya at ngayo’y patungo na kami sa bahay. Selena’s workplace is near my condo kaya siya na lang daw ang pupunta roon mag-isa.
“I never knew that you can attract someone as hot as your boss,” hindi makapaniwala niyang sabi at tila namamangha.
“Pwede ba, Dei?” iritado kong sabi para lang tumigil siya.
“Nakakakilig kaya!” giit niya at mas lumapad ang ngiti. “It has been only two days since our deal started, but you’re already dashing to the finish line. Take note, ah... Si Brendt pa talaga ang gumagawa ng move at hindi ikaw. Grabe! Effective pala ang pakipot effect. Maybe I should try it sometime.”
“He just wants to get in touch with his new employees,” sabi ko naman para hindi mag-isip nang kung anu-ano si Deia kahit na parehas lang ang tumatakbo sa aming isipan. “At hindi niya nga ako pinatawag kanina para i-present ‘yong portfolio ko. If he really wants to get to know me, he will call me. Kaya hanggang doon lang kami, Deia. Don’t expect too much.”
“Weh?” nanunuya niyang sabi. “Pero ikaw mismo, nag-eexpect.”
She caught that, huh?
“Dream on,” sabi ko na lang kahit na alam kong medyo totoo ang sinabi niya.
I didn’t want to expect. Ayokong-ayokong nagpe-predict dahil kapag puro positive ang aking predictions, pagdating naman ng resulta ay laging negative. Every expectation that I have always ends up with sunken emotions. I always end up getting hurt. Once is enough, twice is foolishness and stupidity. And besides, tatlong araw pa nga lang simula nang nakilala ko siya. Why would you expect something on that? It’s clearly a casual flirting set-up.
“Nakakainis ka! Napaka-nega mo!” sabi niya naman sa akin at saka humalukipkip.
Napangisi na lang ako nang tumigil na sa kakainis sa akin ni Deia.
Nakita ko naman ang sign kung saan patungo sa isang mall na malapit. Agad na pumasok sa isipan ko ang lamesa kong walang kabuhay-buhay. I should buy something to decorate my desk. Kahit iyong mga simple lang para ganahan man lang akong magtrabaho.
“This is not the way to your condo,” puna ni Deia at luminga-linga sa paligid.
“Mall muna tayo,” sabi ko. “I’ll just buy some things for my office table.”
Tumango naman si Deia at tinext si Selena na medyo malalate kami ng pag-uwi sa condo dahil dadaan pa kami sa mall.
“This one!”
Deia pointed to a cute pen holder.
“Lalagyan ng mga ballpen mo or pencils or kahit anong gusto mong ilagay—” Napatigil si Deia dahil kukuhanin niya sana ang pen holder para mas makita namin ngunit may nauna sa kanyang bata.
Nag-iisa na lang ang style ng pen holder na ‘yon at pangit na ang ibang natitirang design. Ang mga natira ay sobrang dull.
“Uhm...” Deia awkwardly smiled before she turned to the little girl. “Nauna ako rito, little girl.”
She sweetly smiled at Deia. “I really want this for my study table po, e.”
“Ay! English speaking. Ikaw nga ang kumausap, Xy,” sabi naman ni Deia at hinila ang aking braso para humarap ng maayos sa batang babae.
Bahagya naman akong napatawa at umiling na lang ngunit tinatantiya ko rin kung paano ko kakausapin ang batang babae nang muli itong magsalita.
“Marunong po akong mag-Tagalog but I really want this pen holder,” she told us and showed the pen holder that she was holding.
“Lyrae!” I heard someone shout.
Sabay naman kaming napatingin sa babaeng sumigaw at napagtantong ang batang babae ang kanyang hinahanap o tinatawag.
“Oh my God!” Deia gasped when she saw the woman who was coming towards us.
Kahit ako ay napatulala lamang nang makita ko siya. I didn’t expect to see her here. I had already seen some of her photos on Google. That's why I know she’s beautiful but I never thought that she is way more beautiful in person. Totoong nakaka-insecure ang ganda.
“Mommy!” Napatingin muli ako sa batang babaeng nagsalita.
Muli akong napasinghap. She’s her daughter!
Pinasadahan ng tingin ang kanyang katawan at walang bakas ng pagbubuntis doon. She still looked like a young bachelorette but very mature at the same time.
“Mom, look at this pen holder.” Sabay pakita niya ng pen holder sa kanyang Mommy. “Gusto ko po nito.”
Bahagya naman kaming nilingon ni Cassandra at nahihiyang ngumiti sa amin bago hinarap ng maayos ang anak.
“Rae, I think they saw it first. We’ll just find another one like that,” malambing niyang sabi sa kanyang anak at kinuha ang hawak niyang pen holder.
Agad namang sumimangot ang bata nang mawala sa kamay niya ang gusto.
Cassandra turned to us and gave us an apologetic smile. “Pasensya na kayo sa anak ko.”
Napailing naman si Deia at ngumiti. “No, it’s okay uhm... Okay lang.”
Nginitian niya naman si Deia at saka nilipat ang tingin sa akin. “I’m very sorry. Here.” Inabot niya ang pen holder.
Politely shaking my head, I smiled at her. “Just let your daughter buy it. It seems like she really likes it. I’ll just find another one.”
She beamed at me. “Well, thank you so much for that.”
Binigay niya muli sa anak niya ang pen holder at agad bumalik ang ngiti nito.
“Say thank you to them,” utos niya sa batang babae.
Masunuring nilingon kami agad ng kanyang anak. She charmingly smiled at us. “Thank you po!” masaya niyang pasasalamat at napangiti naman ako.
Muling ngumiti sa amin si Cassandra bago inakay ang anak. “Let’s go, Rae. We’ll pay for your things,” sabi naman niya at umalis na pagkatapos magpaalam sa amin.
She looked so kind and nice. Idagdag mo pa ang napaka-amo niyang mukha. You wouldn’t think that she was able to jumble two men in her life at the same time. But I didn’t want to judge her so fast. Hindi ko naman alam ang totoong storya nila. However, I couldn’t help but be biased to Brendt.
My thoughts suddenly travelled to her daughter. Malaki na ang kanyang anak at mukhang 6 or 7 years old na. Hindi ko maiwasang isipin kung sino ang ama ng bata. Alam kong imposibleng si Brendt dahil hindi niya naman kahawig ang bata. Hindi rin ito kahawig ni Cassandra kaya malamang ay sa ama ito nagmana.
“Her daughter looks like Sean Sarmiento,” sabi naman ni Deia nang nagkuwento kami kay Selena tungkol sa hindi inaasahang pangyayari sa mall. “Iyong asawa niya.”
Napakunot ang noo ko at wala sa sariling binuksan ang Safari upang isearch ang itsura ng Sean Sarmiento na nakalimutan ko na.
“Their daughter must be very pretty, then. Gwapo at maganda ang nanay at tatay, e,” sabi naman ni Selena.
Napanguso ako habang tinitingnan ang imahe ni Sean Sarmiento. His facial features resembled the little girl. Totoo ngang siya ang ama ng batang ‘yon.
“Sinabi mo pa! Nakakainggit. Sana naging anak na lang din nila ako para naging ganoon ako kaganda,” biglang sabi ni Deia. “Bata pa lang, mukhang pagkakaguluhan na.”
Nagpatuloy ang pag-uusap nila tungkol kay Cassandra, sa kanyang anak at pati na rin kay Sean Sarmiento. Hinanda ko na lang ang mga kubyertos at plato sa hapag kainan nang maluto na ang kanin sa rice cooker.
“Talaga?!” Dinig kong tili ni Selena nang ikuwento na ni Deia ang ginawang paghingi ni Brendt sa number ko.
“Oo, Sels!” Kilig na kilig si Deia. “Kung ako siguro kay Xy ay mabibitawan ko cellphone ko o titili mismo sa harap niya kapag hiningi niya ang number ko. Ang guwapo niya kaya!”
“Ako rin!” pagsang-ayon ni Selena at lumingon sa’kin habang nilalagay ko ang mga pagkain sa hapag. “Ibang klase na talaga ang beauty mo, ‘te!”
“Pero mas maganda pa rin si Cassandra,” bigla namang sabi ni Deia at agad na sinang-ayunan ni Selena.
I knew that they were just trying to piss me off but they really got me big time!
“I don’t want to hear you two talking while eating,” sabi ko nang pumuwesto kami sa dining table dahil patuloy pa rin sila sa pagku-kuwentuhan. “Kung mag-uusap pa kayo, mamaya na kayo kumain. Let me eat in peace.”
“Sungit,” bulong ni Selena.
Deia pouted as she grabbed her spoon and fork. “Bitter.”
Napangiti naman ako nang magsimula at matapos kaming kumain ng walang dumaldal sa kanilang dalawa. Kung mayroon mang pinag-usapan ay tungkol iyon sa mga trabaho namin. Pagkauwi nila ay agad din akong natulog at gumising ng maaga kinabukasan para pumasok sa trabaho.
“Good morning,” nagulat ako sa biglang pagbati sa akin ni Dr. Martinez.
Naglapag siya ng iced coffee sa aking lamesa at saka ngumiti. “It’s cappuccino. I hope you don’t mind. Bumibili ako sa cafe sa baba at naalala kita.”
“Uhm... Thank you, Doc,” sabi ko at naiilang na ngumiti sa kanya dahil sa kanyang pagiging mabait sa akin.
“You’re always welcome,” he said, still flashing a handsome smile. “And please, Xylia, don’t call me doc. It’s too formal. Kiel na lang.”
“Sige, Kiel,” sabi ko. “Salamat ulit.”
His lips twitched. “Much better,” he said before he went to his desk.
Napanguso naman ako at tiningnan ang binili niya sa aking iced coffee.
He was the doctor assigned to our department. Ang alam ko’y kailan lang siya nakagraduate at nakakuha ng lisensya. He was twenty-nine, by the way. Magkasing-edad silang dalawa ni Brendt.
When I asked around about him, my colleagues also told me during lunch hour yesterday that he doesn’t have a girlfriend nor a wife. Talagang nagfocus lang siya sa pag-aaral ng medisina. Pero sa tingin ko’y nagkaroon naman siya kahit papaano dahil sa kanyang itsura at tindig.
“Ma’am Xylia.”
Mula sa monitor ng aking computer ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa aking gilid. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang secretary ni Brendt.
“Uh, bakit?” nag-aalangan kong tanong.
“Mr. Stewart’s requesting for your presence in his office,” sabi niya. “Hindi niya raw kasi nakita ‘yong portfolio mo kahapon dahil sa mga abrupt meetings na kinailangan niyang daluhan.”
“Oh, sige! Wait lang,” sabi ko at nagmadali naman akong kuhanin ang clearbook ko kung saan nakalagay ang mga designs ko.
Kasabay ko ang kanyang secretary pag-akyat sa office niya kaya naman agad na rin akong pinapasok.
“Pumasok ka na,” nakangiting sabi nito sa akin at tinuro ang pintuan.
I bid thanks to Brendt’s secretary before I went inside his office.
“Good morning, Sir,” I greeted him as soon as I got in.
Nag-angat siya agad ng tingin sa akin at sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
“My designs are all compiled here.” Lumapit ako upang ilapag ang clearbook sa kanyang lamesa. “Do you need anything else, Sir?” tanong ko dahil imbes na tingnan na ang aking mga disenyo ay nakatingin pa rin siya sa’kin.
He grinned and shook his head before reaching the clearbook on his table.
“I don’t need anything else, Cindy,” simpleng sabi niya at sinimulan nang buklatin ang clearbook.
Napakunot naman ang noo ko. I suddenly felt offended. He already forgot my name?
“Cindy?” nagtataka kong tanong ngunit hindi ko maiwasan ang pait sa aking boses. “Hindi po ako si Cindy. My name’s Xylia, Sir. Xylia Saavedra.”
Napataas naman ang kanyang kilay habang tinitingnan ang aking portfolio. Ngumisi siya na parang nang-iinis pa. If he’s not my boss, baka nabigwasan ko na siya ngayon o napagsalitaan ko na.
“Cindy.” Ulit niya at sinarado ang aking clearbook bago nag-angat ng tingin sa’kin.
“Again, Sir, I’m not Cindy.” I repeated, slightly irritated and offended.
Humalakhak naman siya at mas lalong napakunot ang aking noo. “Cindy.” He still insisted on calling me Cindy.
I was about to walk out of his office, even though he was my boss, if ever he spoke again and addressed me using a name that isn’t mine. But before I could even do so, he finally explained himself.
“Cinderella. In short, Cindy,” he said. “Four syllables are so long to say, that’s why I gave you a nickname—and it’s Cindy.”
I pursed my lips right after he stated his explanation. If I wasn’t blushing, it’d be a miracle because I could feel my cheeks burning hot.
“By the way, leave your portfolio here. Three designs of yours caught my attention when I was scanning your works, but I still have to further assess it with the Architectural Team,” he added.
Bahagya namang napaawang ang bibig ko. “Three of my works?”
Tumango siya at sumeryoso ang mukha. “They might add a few touches to your design. You can come with me kapag ipinakita ko ‘to sa kanila para makatulong ka rin,” sabi niya. “And then, we will present it to the board. If they will approve it, just name the price. Puwede ka ring tumulong sa interior nito.”
The feeling of excitement rushed in my veins, replacing the embarrassment I felt prior. However, I also couldn’t help but feel nervous. I only designed facades of houses or buildings. I wasn’t yet into interior designing, but I think it’d be a challenge.
I was about to say something when his phone suddenly rang. Nilipat niya ang tingin niya sa kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. His expression suddenly changed. Kita ko kung paano nagpapalitan ang galit at ang sakit sa kanyang mga mata. Nanlamig ako sa pinapakita niyang ekspresyon.
“Uhm... Thank you po,” I uttered to get his attention back but he didn’t even look at me. Nanatili ang tingin niya sa cellphone na nagri-ring. “Alis na po ako,” sabi ko na lang dahil sa tingin ko’y kailangan ko nang umalis.
Nang hindi siya sumagot ay tuluyan na akong lumabas ng kanyang opisina. Ang daming gumugulo sa isipan ko nang dahil sa naging itsura ni Brendt. I was suddenly curious who called him. Could it be Cassandra?
Nang makabalik ako sa aking lamesa ay nakita kong medyo nagtutubig na ang parte ng aking lamesa kung saan nakalagay ang bigay sa akin ni Kiel na iced coffee. Pinunasan ko iyon ng tissue at saka naisipang umakyat na lamang sa rooftop upang doon iyon inumin. I needed to chill before going back to work.
Ingat na ingat ako sa pagbubukas ng pintuan sa rooftop nang makarating ako. Napapikit ako’t tiningala ang langit. Huminga ako ng malalim habang pinapakiramdaman ang hanging na tumatama sa akin.
I sipped on my iced coffee and smiled. It was delicious and slightly creamy, but of course, since the iced already melted, it also tasted somewhat bland.
Tutungo sana ako sa edge kung saan ko makikita ang kabuuan ng lungsod na kinatatayuan ng building nang mapatigil ako dahil sa mahihinang hikbing nadinig ko. Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa hikbing iyon.
I stopped when I saw Brendt holding a photo. Hindi ko makita kung ano ang picture na hawak niya dahil sa sinag ng araw na tumatama roon, ngunit alam kong nagdadala iyon ng sakit sa kanya.
He was crying, and I didn't know why it pained me, too. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang bawat paghikbi.
“Sandra...” Narinig kong sabi niya sa gitna ng kanyang paghikbi. “Lyrae...” sunod niyang hikbi.
My heart felt heavy when their names came out from his lips. I could feel his pain and agony. I heard his longing. I wanted to come closer and comfort him but I couldn’t bring myself to take a step. Napatago na lang ako sa likod ng pader nang bahagya siyang lumingon sa gilid upang kuhanin ang kanyang cellphone.
He dialed something there before he placed it against his right ear.
“Sean,” he said with a low and controlled voice. “Agenda-Crowne Plaza, Manila Galleria. 3PM sharp. I’ll meet you there tomorrow.”