“My fiancée,” Brendt repeated. Napatingin ako kay Brendt na seryosong nakatingin lang sa Mommy niya. His Mom averted her gaze to me before she took a deep breath and calmed herself. “Okay... You have a fiancée now. I can see her right in front of me,” his Mom said and smiled a little. “So, I guess matagal pa ang kasal n’yo?” “We’re gonna get married four days from now on,” walang pag-aalinlangang sabi ni Brendt. His Mom’s eyes widened. Her gaze jumped from Brendt and me, like watching a tennis match. “Four days from now on?!” Bahagyang tumaas ang boses ng kanyang ina. “Brendt, I know that you’re old enough to make your own decisions pero ‘yong ganito?” Pumikit ng mariin ang kanyang ina bago hinilot ang sintido. Nang dumilat ay matatalim na tingin kaagad ang ipinukol niya kay Brendt.

