Continuation.... BINAGSAKAN NG ISANG SUNTOK NI MARTIN ang hepe, iginapos nila ito sa likod ng sasakiyan. “Hindi ka ba aamin?” angil niya. “Nasaan ang asawa ko?” Ngunit niluwaan lang siya ng hepe at napangisi ito. “Alam mo bang makukulong ka sa ginagawa mo?” “Ikaw ang makukulong at mga kasamahan mo dahil mga hayup kayo!” “Martin, tama na-“ aniya ng imbestigador nagsimula ng mag-drayb. “Alam mo na ba ang gagawin?” “Tumawag na ang isa, kailangan nating i-meet ang ibang team sa presinto. Yung kasapi ng gagong ‘yan pumutak na. Nasa bundok ang asawa mo, papatakas na ulit sina Philip. Kailangan natin silang masundan.” “Let me drive,” ani Martin. They exchanged seats habang karga ng imbestigador ang anak niya. The infant was silently observing him.

