SANDY ILANG ORAS NA ANG PAGLALAKAD niya at nadidinig na niya ang mga wari’y tunog ng mga behikulo. Iyon na ang signal na malapit na silang makababa ng bayan. Maayos na rin ang daanan, madali na lamang ang paglalakad, napa-upo siya saglit sa lilim ng puno. Napaiyak ang anak niya at pinunasan niya ang mukha nito ng maliit na tuwalya mula sa sako. “Sorry na, alam kong hindi ka rin kumportable pero makakababa na tayo. Malapit na.” Pinadede niya ang anak na alam niyang gutom lang kaya’t napa-iyak. Mula ilang metrong layo ay nakadinig siy ng mga kaluskos. Sa padyak ng mga paa ay marami sila. Agad niyang ini-usli ulit ang damit at tinabunan si baby. Napalihis siya at nagtago sa likod ng puno. Malakas ulit ang kabog ng dibdib niya. Baka mga tauhan iyon ni Philip. Mas

