Chapter 4

1722 Words
Hindi ko magawang ialis ang aking mga mata sa mga taong nakasuot ng mamahaling damit at may dalang mga malalaking regalo na nakabalot sa mamahaling gift wrap.Wala sa sariling napababa ang aking mata sa hawak kong regalo na nakabalot lang sa mumurahing gift wrap na mabibili sa divisoria. Hindi ko tuloy maiwasang mang liit dahil sa regalo na hawak ko. Hindi hamak na mas mamahalin at mas maganda ang mga regalo nila kesa sa regalo ko sa sarili kong anak. Nakita ko ang mga mata ng ilang bisita na dumako sa akin at bumaba sa hawak kong regalo. Napayuko ako at itinago ang hawak kong regalo sa aking likuran. Para akong maiiyak nang makita ko ang ilang babae na tumitingin sa akin gamit ang nandidiri nilang mga mata. "Who's that girl? Bagong Nanny ba ni Tori?" narinig kong tanong ng isang babae na nakasuot ng red dress na kita ang cleavage na akala mo nasa bar at hindi sa birthday ng bata. Nagkibit balikat ang katabi nitong babae na may makapal na lipstick. "I don't know. Pero sa suot niya mukha siyang new nanny ng anak ni Primo." she laughed slightly and rolled her eyes. "Sino bang nagpapasok diyan? Baka matakot pa ang mga bata kapag nakita siya." Gusto ko silang lapitan at pagsabihan dahil sa mga masasakit na salitang kanilang sinasabi. Ngunit wala ako dito para patulan ang mga makikitid nilang utak. Ano bang pake alam nila kung mas maganda ang mga damit nila sa akin? Kung hindi nila natatanong ito ang pinakamahal na dress sa ukay ukay ng kaibigan ni Imee. Nanghiram pa ako ng pera sa bombay para lang makabili ng magandang damit na pwedeng isuot para sa kaarawan ng anak ko. Kaya anong karapatan nilang laitin ang suot ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Kailangan kong tandaan na nandito ako para sa anak ko at hindi para sa kahit sino. Nang maramdaman ko ang pagkalma ko ay agad akong naglakad para lampasan sila. Nakita ko pa ang pag irap ng isa sakanila nang daanan ko sila. Sa hindi kalayuan dumapo ang aking tingin sa mga batang naglalaro. Ngunit isang batang babae na naka suot ng kulay yellow na gown at may korona sa ulo ang naka agaw ng aking pansin. Hindi ko mapigilang maging emosyonal nang sandaling dumapo ang aking mga mata sa batang minsan ko ng dinala sa loob ng siyam na buwan. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang nakatitig sa batang babae na abot langit ang ngiti. Saya, pangungulila at takot ang mga emosyon na bumabalot sa buong pagkatao ko. Saya dahil sa wakas pagkatapos ng ilang taon nakita ko na rin ang anak ko. Pangungulila dahil wala man lang ako sa tabi niya habang lumalaki siya. At takot baka galit siya sa ina niyang iniwan siya. Pero sakabila ng takot na nararamdaman ko, nangingibabaw pa rin ang kasiyahan sa akin. Without thinking straight, humakbang ako palapit sa mga bata na ngayon ay nagtatawanan. Hindi ko na batid kung puno ng luha ang mukha ko ang tanging nais ko lang ay mayakap ang anak ko kahit saglit lang. Kahit kunting yakap lang. Natigilan ang mga batang nagtatawanan at gulat na napatingin sa akin nang bigla akong lumuhod sa harapan ng anak ko at niyakap siya ng mahigit. "A-anak ko.." my voice broke. Pati ang buong katawan ko ay nanghihina habang nakayakap sa anak ko na ngayon ay alam kong nagtataka. Pagkatapos ng ilang segundo ay agad kong kinalas ang pagkakayakap sa bata. Nakita ko ang pagtataka sa mata niya nang makita ang mukha ko. "Why are you crying po?" she asked cutely saka lumapit sa akin at pinunasan ang aking luha gamit ang maliliit niyang daliri. Mas lalong nadurog ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. Tangina. Paano ko nagawang iwan ang anak ko ng ganon ganon na lang? Paano ko nagawang iwan ang anghel na nasa harapan ko? Paano ko nakayanang mabuhay ng ilang taon na hindi nakikita ang anak ko? "M-mahal kita," basag pa rin na wika ko habang walang tigil sa paghinto ang luha ko. "M-mahal na mahal kita," hagulgol ko. Narinig ko ang mga bulongan sa paligid. Pero hindi ko magawang pakinggan sila ng mabuti dahil parang sasabog na ang aking dibdib sa nararamdaman ko. Muli kong nakita ang pagtataka sa mukha ng bata dahil sa sinabi ko. Parang hinaplos ang aking puso nang matitigan ko siyang mabuti. Nakuha niya ang kilay at labi ko, samantalang nakuha naman niya ang mata at ilong sa kan'yang ama. Muli ko siyang niyakap habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Naramdaman ko ang pagtulak nito sa braso kong nakayakap sa kan'ya. Bago ko pa alisin ang pagkakayakap ko sa anak ko nang biglang may marahas na humaklit sa aking braso. Agad akong napatayo dahil sa bilis ng pagkakahila dito pataas. Parang nakalimutan kong huminga nang sandaling magtagpo ang aming mga. Nanlilisik ang mga mata niyang galit nakatingin sa akin. Agad akong tinubuan ng takot. "P-primo," napalunok pa ako nang banggitin ko ang pangalan niya. "What the f**k are you doing here?" his voice growled. Napa atras ako sa gulat dahil sa lamig at tigas ng kan'yang boses. Bago pa ako magsalita ay isang maliit na boses ang sumingit. "Daddy why are you mad po?" she asked in her small voice. "And sino po siya daddy? Bakit po siya iyak sa birthday ko?" sunod sunod nitong tanong sa kan'yang ama. "She's no one," sagot nito habang malamig na nakatingin sa akin. May kung ano naman sa kalooblooban ko ang nabasag dahil sa sagot niya. Hindi mo siya masisisi Maphia. Hindi mo siya masisisi kung hindi na asawa ang turing niya sayo. Dahil kasalanan mo naman lahat. "Amanda," tawag nito sa pangalan ng isang babae. Agad lumapit ang babaeng may maamong mukha. "Ikaw ng bahala dito," utos nito na agad naman tumango ang babae at ngumiti saka hinawakan ang kamay ng anak nila Primo pagkatapos ay lumayo. Nang makalayo ang mga ito ay agad namang hinila siya ni Primo paalis sa lugar na iyon. Pumasok sila sa malaking bahay na kung hindi siya nagkakamaliii ay bahay ng mag ama niya. Pagalit niyang binatawan ang aking braso. Agad ko naman napansin ang pamumula ng part kung saan siya hinawakan ni Primo. Dahil siguro sa higpit ng pagkakahawak nito kaya ito namumula. Napahawak ako sa parteng iyon saka hinaplos. "What the f**k are you doing here? At paano ka nakapasok?" madiin ang bawat salita nito. Kaya't napatigil ako sa paghaplos sa braso ko at napalunok dahil para niya akong kakainin ng buhok dahil sa nanlilisik niyang mata. "Damn. Answer me woman," saka nito mariing hinawakan ang balikat ko. Pilit kong iniwas ang balikat ko sa pagkakahawak niya dahil randam ko ang pagkabaon ng kuko niya. "G-gusto ko lang makita ang anak natin." naiiyak kong sagot. Napaatras ako nang marahas niyang bitawan ang balikat ko. Kung kanina namumula ang braso ngayon pati ang balikat ko. May marka na rin iyon ng pagbaon ng kan'yang kuko sa aking balat. Ang kan'yang kaninang nanlilisik na mata ay napalitan ng malamig na awra. Na parang gugustohin kung makita ang galit sa kan'ya. "Anak ko." pagtatama nito. "Wala kang anak. Baka nakalimutan mong iniwan mo ang batang tinatawag mong anak ngayon." he said in his cold voice. Dahan-dahang tumulo ang luha ko pagkatapos niyang sabihin iyon. He's right. Anong karapatan kong tawaging anak ang batang isang taon palang ay iniwan ko na? "S-sorry," hikbi ko at napayuko. Sobrang naninikip ang dibdib ko. "Wala kang karapatan maging Ina sa anak ko. Kahit makita siya ay wala kang karapatan. So fvcking leave. You're not welcome here. My daughter doesn't deserve a mother like you." he look at me with so much hatred in his eyes. Para akong naapakan sa sinabi niya. Fvcking truth. Ang sakit sakit dahil tama siya. Ang sakit sakit kasi wala akong karapatan itanggi lahat ng sinabi niya dahil tama siya. "A-ayoko," matapang kong pag-iling. Wala akong pake kung magmukha akong tanga. "H-hindi ko kaya.. please.. hayaan mo akong maging Ina sa anak ko." I begged. Humawak pa ako sa braso niya habang may luha sa mata. Sarcastic itong tumawa saka marahas na tinanggal ako kamay kong nakahawak sa braso niya. "You're disgusting shit." he chuckled darkly. "Maria Sophia is now begging in front of me. Remember? That day when I'm begging you to not leave because our daughter need you! Pero umalis ka pa rin!" he roared. Wala akong masagot kundi malalakas na hikbi habang inaala ang gabing iyon. Kung paano siya nagmakaawang h'wag akong umalis. Kung paano siya lumuhod habang puno ng luha ang mga mata niya. Paulit-ulit na bumabalik ang mga nangyari sa gabing iyon sa akin. Kung paano ko siya nagawang itulak at sabihing pagod na ako. Halos hindi na ako makahinga sa sunod sunod kong paghikbi. Halos wala na rin akong makita dahil natatakpan na ng luha ang mga mata ko. "Wala kang masagot?! Kasi tangina lumuhod ako sa'yo non para lang hindi ka umalis!" halos mabasag ang boses niya nang sabihin niya iyon. Umiling-iling ito at saka mariin na ipinikit ang mata para pigilan ang pagkawala ng luha sa mga mata. "Leave. Just fvcking leave. Dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag magtatagal ka pa dito." "I-im sorry.." tanging salitang lumabas sa akin. Gusto ko magdahilan at sabihin nagsisisi akong umalis sa araw na iyon pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko hindi ako nagsisisi na nagawa kong umalis noong gabing iyon. I regret the words I said that night, pero hindi ako nagsisisi na umalis ako. Alam kong wala akong karapatan mag hangad ng kahit na ano dahil kasalanan ko ang lahat pero hindi ko kayang lumipas pa ang mga araw na wala akong nagagawang paraan para ayosin ang pamilyang ako ang naging dahilan kung bakit ito nasira. Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya na ang tanging nasa isipan lang ay maayos ang pamilyang winasak niya. "P-parang awa mo na.. g-gusto kong makasama ang anak ko. Kahit hindi niya ako kilalanin bilang n-nanay niya basta makasama ko lang siya. H-hayaan mo naman akong makasama siya kahit saglit lang. H'wag mo naman akong paalisin... K-kahit ano gagawin ko. H'wag mo lang sabihin sa akin na l-lumayo dahil hindi ko na kakayanin pa." I beg while my voice are cracking. The tears never left my cheeks, leaving them dampened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD