Chapter 6

1519 Words
"Sure ka na ba talaga diyan sa desisyon mo?" tanong nito dahilan para matigilan ako sa paglalagay ng mga damit ko sa malaking bag na gagamitin ko para sa paglipat kila Primo. Napabuntong hininga ako saka lumingon sa kan'ya. Ilang beses na ba niyang naitanong ang tanong na yan simula nong sabihin ko ang napag-usapan namin ni Primo? At ilang beses ko na rin ba siyang sinagot ng parehong sagot? Tumango ako, "Siguradong-sigurado." saka binigyan yan siya ng maikling ngiti. "Alam mo naman gagawin ko ang lahat para lang makasama ang anak ko, Imee." mahina kong sabi bago muling pinagpatuloy ang ginagawang pang impake. "Alam ko naman 'yon! Saka parang motto mo atah yan sa buhay eh. Tuwing nakikita kita yung salita na iyon agad ang naalala ko!" biro pa nito. Napailing na lang ako sa naturan niya. "Ang punto ko lang naman, bakit ka pumayag sa ganoong condition? Ano hahayaan mo lang siyang gamitin ka?" sarcastic nitong pahayag. Hinarap ko siya. "Oo." siguradong sagot ko. "Kahit gamitin niya ako ng paulit-ulit o kahit maubos ako hindi magbabago ang desisyon ko. Marami akong pagkukulang sa anak ko, Imee. Gusto kong bumawi sa mga araw, buwan at taon na wala ako sa tabi niya. Kahit hindi na bilang Ina niya, kahit bilang isang babaeng mag aalaga na lang sakanya. Gusto kong ipakita at iparamdam sa anak ko kung gaano ko siya kamahal." malungkot akong ngumiti. Titiisin ko lahat para sa anak ko. Gusto kong maging Ina sa kan'ya kahit pa alam kung masyado ng huli ang lahat. "Pero gurl! Paano ka naman? Paano kung biglang magsawa sayo yung dati mong asawa? Paano kung sawa na siya sa katawan mo at ilayo niya ang anak niyo! Paano ka naman?" Parang natuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Hindi ako makahanap ng salita na pwedeng irason sakanya at sa akin. Paano nga kung sa huli ay magsawa siya at ilayo niya anak namin? Paano na ako? Parang hindi ko kakayanin kung mangyayari iyon. "H-hindi ko alam," may bahid ng takot kong sagot. "Ang alam ko lang hindi ko kakayanin kung sakaling dumating man sa puntong ilalayo ni Primo ang anak namin." aniko. Lumapit ito at umupo sa kama na katabi lamang ng malaking bag. "Paano kung sabihin mo na lang sa kan'ya ang totoo?" mahina at hindi siguradong sagot niya. May kung anong kirot sa puso ko ang naramdaman ko. Gusto kong matawa sa tanong niya. "Para saan pa? Wala din magbabago. Ginusto kong iwan sila at wala akong pinagsisisihan sa desisyon na iyon." mapakla kong sagot. Kahit masakit, kahit gustong gusto kong magsinungaling at sabihing nagsisi ako sa bawat desisyon ko noong araw na iyon, ay walang magbabago. Dahil iyon ang totoo, kung may pinagsisisihan man ako ay iyon ang mga salitang binitawan ko at ang naging resulta nitong hindi ko nasubaybayan ang anak ko sa paglaki. At kung titingnan mas gumanda ang buhay nila noong umalis ako. "Maphia naman! Nanay ka pa rin ng anak mo. Kahit balik baliktarin ang mundo, Ina ka pa rin ni Tori! May karapatan ka pa rin sa bata." nahihirapang ani nito. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin dahil kaibigan niya ako at ayaw niyang nakikita akong nahihirapan o nasasaktan. "Inang iniwan ang anak niya." mapait kong sagot. Inis siyang napahilamos sa kan'yang mukha. "May dahilan ka at pareho nating alam iyon!" pasigaw niyang sabi na tila nauubosan na ng pasensya dahil sa mga desisyon ko sa buhay. Mariin akong umiling-iling, "P-please." pagpapahinto ko sakanya. "A-ayokong marinig ang tungkol sa bagay na iyon." nanginginig ang boses kong sabi. Natigilan siya at mabilis na huminahon ang kan'yang expression. "Sorry," nabibigla niyang sabi. Umiling din ako. "Ako dapat ang magsabi niyan sayo. Alam kong sinasabi mo yan dahil nag-aalala ka sa'kin. Pero sana hayaan mo ako. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko. Ginagawa ko ito para sa anak ko. At alam kong alam mo kung gaano ka importante ito sa'kin." Nag-iwas ito ng tingin at napabuntong hininga. "Oo na! Bahala ka na. Basta kung pagod ka na at hindi mo na kaya lagi mong tatandaan na may uuwian kang bahay." Ngumiti ako at niyakap siya. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon kung hindi ko siya nakilala. NAPATINGIN ako sa gate ng malaking bahay ni Primo. O mas magandang tawaging mansion dahil sa lawak ng bakuran nito at sa ganda ng bahay. Kinagat ko ang labi ko bago kunin ang ibang gamit na dala ko kay Imee. Nakita ko pa ang pagdadalawang isip nitong ibigay sa akin ang gamit ko na hawak niya. Kung hindi ko lang siya sinamaan ng tingin ay hindi niya ibibigay. Napamulsa siya maabot niya sa akin ang gamit ko. "Sigurodo ka na ba talaga?" muling tanong niya. "Imee naman." mahina kong turan. Umirap ito. "Whatever! Basta h'wag niyong kakalimutang gumamit ng condom tuwing mag sesex kayo!" pangaral pa nito habang nanlalaki ang mata sa akin. Naisip ko na rin yan. Hindi sa ayaw kong magka anak muli pero sa ngayon gusto ko lang muna mag focus kay Tori. Gusto kong ibigay sa kan'ya lahat ng attention at oras ko. Gustong gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko bilang ina sakanya at hindi ko iyon magagawa kong magkakaroon ako ng panibagong anak. Saka hindi rin magandang tingnan kung mabubuntis ako ng asawa kong iniwan ko. Kung iisipin din hindi maganda ang ayos ng buhay ko para maisipan magkaroon ng anak ulit. Hindi lang ako kung sakali ang mahihirapan pati na rin ang bata. At sigurodong hindi rin gugustohin ni Primo na magkaroon ng anak sa akin ulit. Paniguradong hindi niya iyon nanaiisin. Isa lang habol niya sa akin ngayon. "Huwag kang mag-aalala, hindi ko hahayaang maulit muli ang pagkakamali ko," mahina kong sambit. Lumapit siya sa akin at yumakap. "Ewan ko ba sayong babae ka at napakatigas ng ulo mo," Natawa na lang ako sa sinabi niya at yumakap din sa kan'ya. Nahinto lang kami ng biglang bumukas ang malaking gate at lumabas doon ang may edad na babae na satingin ko ay mayordoma ng mansion. Makapal ang mga kilay nito at halatang strikto. Kapansinpansin din ang unting puting buhok sa kan'yang buhok. Tumikhim ito kaya't napaayos ako ng pagtayo. Tinaasan pa ako ng kilay nito bago tiningnan mula ulo hanggang paa. Napapahiyang napayuko ako sa kung anong dahilan. "Ikaw ba ang bagong Yaya ng anak ni Sir Primo?" pormal nitong tanong. Mabilis nag angat ng tingin at tumango. "Ako nga po!" mabilisan ko rin na sagot. "Sumunod ka sa akin." ani nito at mabilis na tumalikod papasok sa loob ng gate. Lumingon ako kay Imee. "Bye!" maliit na boses kong gamit saka mabilis na naglakad upang sundan ang ginang. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha kahit hindi ito ang unang beses na makapunta ako dito. Sobrang ganda ng harden ng bahay. Hindi ko maiwasang mamangha kung paano idenisenyo ang hardin ng bahay ni Primo. Sa kaliwang bahagi ay mayroong maliit na playground na satingin ko'y doon nag lalaro ang anak namin tuwing nasa hardin ito. Hindi ko maiwasang ipikit ang mata at alalahanin kung paano mag laro ang aking anak sa maliit na palaruan sa hardin. Kung paano ito tumakbo habang hinahabol siya ng kan'yang ama na may ngiti sa labi. Kung paano ito nadala at umiyak ngunit mabilis naman nalapitan ng kan'yang ama upang yakapin at patahanin sa pag-iyak. Kung sakali bang hindi ako umalis, kung hindi ko sila iniwan. Makakasama ba ako magandang alaala na iyon? Hindi ko mapigilang isipin kung may magbabago ba kung sakaling mas pinili kong manatili ng araw na iyon. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at mapait na ngumiti. Hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing iisiping lumaki ang anak ko ng wala ako. Na hindi ko man lang siya nakitang lumaki. Napahinto ako sa pag-iisip ng malalim nang bigla kong narinig ang boses ng mayordoma. "Anong ginagawa mo diyan?!" pagalit nitong tanong. Mabilis akong lumapit sa gawi niya at kinagat ang labi. "P-pasensya na po," "Bawal ang tatanga-tanga dito kung gusto mong magtagal sa iyong trabaho! Hindi ka pa nga nag-uumpisa ay wala ka na sa sarili mo." singhal pa nito. "Bilisan mo sa paglalakad at sumunod ka sa akin." masungit nitong sabi at mabilis na tumalikod. Sumunod na lamang ako sakanya. Nilibot niya ako sa buong mansion pati sa loob nito. Itinuro rin nito kung saan ang silid ni Primo at Tori, pati na rin kung saang silid rin ako tutuloy. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit sa itaas ang aking silid kung ganoong ang mga silid ng mga naninilbihan sa bahay na ito ay nasa baba, ngunit sabi lamang ni Manang Ida ay iyon daw ang utos ni Primo. Habang tinuturo niya sa akin ang lahat ng dapat kung malaman ay sinabi niya rin ang kan'yang pangalan. Pagkatapos ako nitong ilibot sa loob ng mansion ay sunod naman sa pool area. Pagkapasok na pagkapasok namin doon ay para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang huminga ng maayos. Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa mga bulaklak na malapit lang sa pool. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang mga alaalang hindi ko na magagawang balikan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD