CHAPTER 1

1164 Words
Lumayo ako sa kanya at bumalik ulit sa pagkakaupo. Gulong-gulo ang isip ko, bumagsak ang tingin ko sa aking naglalarong mga daliri. Gusto ko lang naman ng maayos na buhay na malayo sa ganitong uri ng mundo pero bakit dito pa rin ako bumagsak? “B-Bakit ba ako ang napili niyo?” Muli kong tinignan si Arturo. “Siguro naman ay sapat na ang mga babaeng ‘yan,” turo ko sa mga babaeng nasa TV screen na ngayon ay isa-isa nang lumalapit sa lalaking nakaupo—si Gael Alvaro. He made a sound of unraveling disapproval and walk towards me. Umupo siya sa harapan ko upang pumantay sa akin. Hinawakan niya ang panga ko at pilit na iniharap ang mukha ko sa kanya. Mahigpit ang kapit niya, halos mapangiwi ako sa sakit. Hindi ko magawang umiwas. Unti-unting bumalot sa akin ang takot, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito simpleng tingin, parang may gusto siyang ipilit, at ako ang pinipilit niyang sumunod. “Ang tigas ng ulo mo, gusto mo bang daanan ko na lang sa dahas para mapapayag ka?” Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ko kayang tumbasan ang lakas niya. “Bitawan mo ako, nasasaktan na ako.” matalim ang tingin ko sa kanya. Ngunit hindi siya natinag. Ngumisi siya at mas inilapit sa akin ang mukha niya. “Gagawin ko ang gusto mo kung papayag ka na sa gusto ko.” Bwisit na payatot ‘to! My eyes narrowed as I gave him a warning stare. “Paano mo ko mapapayag kung sinasaktan mo ako?” Natigilan siya sa sinabi ko, hanggang sa unti-unti niyang pinapakawalan ang aking panga. Tumayo siya, tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa sofa kung saan siya nakaupo kanina. Umupo siya doon at nag de kuwatro. “So, what now?” tanong niya na hindi tinatanggal ang seryosong tingin sa akin. Umupo ako ng maayos at sinubukang pakalmahin ang sarili. “You said that he is no ordinary man because he’s the most powerful heir here in San Matias,” I said. He nodded slowly, clearly listening. “So, paano kayo nakakasiguro na ako ang susi ng kanyang pagkabagsak at ng pag-angat niyo? You want to go on top? Lumaban kayo ng patas. He is there right now, why don’t you show him your credentials and propose a partnership?” I saw the corner of his lip twitch upward, but not in amusement. His fist curled tightly at his side. He didn’t seem to like what I just said. The silence between us thickened. “Matalino ka, Luna. That’s why we chose you,” he said coldly, leaning forward. “But don’t mistake your sharp tongue for power. “Matagal na namin ginawa ang sinasabi mo, ngunit gahaman siya. Ang gusto niya ay siya lang ang maghahari dito sa San Matias.” My brows furrowed slightly. Wait… if that’s true, then bakit siya nandito ngayon sa The Empress Hotel? If he was never interested in a partnership, why would he even show up in a place that belongs to the people he supposedly rejected? As if reading the confusion on my face, Arturo straightened up and scoffed faintly. “Hindi ito ang pangalan ng proyekto noon,” aniya. “Iba ang pangalan ng hotel sa proposal. At ako lang ang humarap sa kanya. Si David... hindi niya ipinakita ang sarili niya kay Gael. He stayed in the shadows.” Sumikip ang aking dibdib sa nalaman. So Gael might not even know who’s really behind this hotel. The Empress Hotel gained attention and respect not because of its investors but because of this damn auction. That’s what made it famous… At si Gael… marahil ay si David lang ang lagi niyang nakikita dito, at hindi silang dalawa. I swallowed hard. If Arturo’s telling the truth, then I’m being dragged into something deeper than just toppling an empire. They’re not just up against a man, they're trying to outplay someone they failed to understand from the beginning. Muli akong napatingin sa gawi niya, maraming tanong ang nabuo sa utak ko. Ngunit isa lang ang malinaw. This wasn’t just about pride or power. This was personal. Napakagat ako sa labi, ramdam ang pag-ikot ng sikmura ko. I wanted to walk away. I wanted to scream. But I knew what was at stake. My freedom. Kapag tumanggi ako, they won’t just ruin me they will own me. I swallowed the lump in my throat. “Fine,” I said, voice barely above a whisper. “I’ll do it. Pero siguraduhin mong makukuha ko ang kalayaang hinahangad ko, dahil kung niloloko niyo lang ako, I’m done.” Arturo gave a slow nod, looking amazed. A ghost of a smile curling on his lips. “Magaling.” Ilang sandali ang dumaan, isang lalaking naka-itim ang dumating at marahan akong inalalayan patungo sa isa pang hallway. Tahimik lang ako. Each step felt heavier than the last. My heels clicked against the marble floor, echoing my fate back at me. The man stopped in front of a tall, intricately carved mahogany door marked VIP Suite 17. “Siya ang naghihintay sa loob,” sabi niya bago marahang binuksan ang pinto. Bahagya siyang yumuko at saka umalis. Naiwan akong mag-isa, I took a deep breath. This is it, Luna. I stepped in. The door closed behind me with a soft thud, but it felt like a prison gate slamming shut. The room was dimly lit. Warm, ambient lights glinting off the sleek, dark furnishings. At the far end, framed by floor-to-ceiling windows showing the lights of San Matias and the man of the hour, Gael Alvaro Barcelona. Nakaharap sa akin ang kanyang matikas na likod. He is wearing a black silk polo shirt, his sleeves rolled up showing off his forearms veins and tanned skin. s**t! Hindi ko pa man nakikita ang kanyang buong itsura, ramdam ko na kung gaano siya kakisig at makapangyarihan. “Late ka,” malamig niyang bati. He was still looking outside. Putang ina, sa boses pa lang niya ay gusto ko ng umatras. Gusto kong isara ang pintuan at magsisigaw. But I couldn’t. I made my choice. Or maybe… I never had one to begin with. I stood there, frozen, forcing my breath to be steady. Until he turned around and our eyes met for the first time. Nanunuyo ang aking lalamunan. “M-May konting delay,” nagawa kong isagot. Naaninag ko ang pag-angat ng isa niyang kilay. He slowly walked towards me and stopped when he’s an inch away from me. Hanggang balikat lang ako sa kanya, tama lang para manliit ako sa sarili ko. He looked at me from head to toe and stayed his gaze on my face. “Kung ganon, simulan mo na ang dahilan ng pagpunta mo dito.” I clenched my fists behind me. My nails dug into my palms. You can do this, Luna. He’s just a man. A man like any other. But deep down, I knew he wasn’t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD