“Teka, mansanas ba ‘yon?” namamanghang tanong ni Vangie habang nakatanaw sa puno na katabi ng bahay. Nilapitan niya iyon at mas lalo siyang nagulat nang mapagtanto niyang tama ang kanyang hinala. “Wow! ‘Di ba hindi ‘to tumutubo sa Pinas? Paano?” nagtatakang tanong niya. Lumapit si Bert kay Vangie. “Oo. Pero hindi sumuko si Mama. Siya ang nagtanim niya.” Lumingon si Vangie kay Bert. “Ang galing naman niya.” Ngumiti si Bert at tinanggal ang helmet ni Vangie. “Mula pagkabata ako sinusubukan na niya ‘yan. At ayon, three years ago ay nagtagumpay na siya.” Inayos niya ang nagulong buhok nito. “Halika na sa loob.” Napalunok si Vangie. Muling napalitan ng pagkailang ang kanyang nararamdaman. Nag-iwas siya ng tingin kay Bert at tumango rito. Sumunod na siya noong maglakad papunta sa bahay an

