“Hindi ka na talaga tutuloy pa-Maynila?” tanong ni Vangie. Nasa rooftop na silang dalawa ni Bert at umiinom naman ng alak. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa langit at unti-unti nang binabalot ng dilim ang paligid. Nakararamdam na rin ng lamig si Vangie, wala kasing manggas ang suot niyang damit. Magkatabi silang dalawa sa upuang pahiga. Tanaw na tanaw nila mula sa kanilang pwesto ang malawak na farm ng binata. Matapos nilang kumain ay si Vangie na ang nagpresinta para ligpitin ang kanilang pinagkainan. Ayaw sana pumayag ni Bert pero naging mapilit siya. Kaya wala na itong nagawa kundi hayaan siya. Umiling si Bert pagkatapos lumagok ng alak mula sa lata na kanyang hawak. “Hindi na. Ayaw naman kitang iwan dito. Minsan lang ‘to.” Napataas ang kilay ni Vangie. “Talaga ha.” Ngumiti s

