Chapter 37 Beatrice Celestine TUMAHIMIK ang buong venue habang nasa gitna ng entablado ang isa sa mga finalist– may simpleng ayos pero ang lakas ng dating. I don't know her personally, pero ang tindig niya, parang sanay humarap sa kahit anong hamon sa buhay. "This is your question," sabi ng host, sabay tingin sa card sa kamay. "If you're in love with someone who no longer fights for you, will you still fight for him? Or will you let him go?" May collective reaction sa audience. Halatang marami ang nakarelate. Marami ang napa–'awww.' At ako? Parang na freeze sa kinauupoan ko. Nanatiling nakangiti ang contestant, pero nakita ko sa mata niya ang lalim. She held the mic and said, with a steady voice. "Pag–ibig...hindi yan laging masaya. Hindi yan laging sapat. Minsan kahit mahal mo, kai

