Chapter 01–First Sight
Beatrice Celestine
PAGKAUPO ko sa loob ng sasakyan, isinandal ko ang likod ko sa upuan at agad akong napapikit sandali. Sobrang pagod ako. Ilang araw na kaming halos walang pahinga sa taping, pero sanay na ako. Parte na ito ng buhay ko.
Mula sa tinted na bintana ng aking customized van, tanaw ko ang tirik na araw sa labas habang binabaybay namin ang highway. Inabutan na pala kami nang tanghali bago natapos ang ilang scene na kinunan sa Batangas para sa bago kong pelikula. Tinanghali na naman ako ng uwi, as usual. Minsan hindi ko na namamalayan kung anong oras na, kung umaga pa o hapon, dahil sa dami ng ginagawa ko. Pero masaya ako sa showbiz career ko, kahit tutol na tutol ang Daddy ko.
Ganito naman palagi, ang araw–araw sa buhay ko, taping, endorsements, photoshoots. Paulit—ulit. Minsan, nakakadrain din, pero wala akong karapatang magreklamo.
Kahit kailan, hindi ko inisip na mapupunta ako sa ganitong buhay. Naalala ko pa ang kung paano ako nagsimula.
Pagkatapos ng high school at take note nagtapos akong Valedictorian, wala sa plano ko ang showbiz. Kasama ko si Ate Bea noon, kumakain lang kami sa isang resto–bar, nang bigla akong lapitan ng isang talent scout. Ang sabi, bagay daw ako sa isang shampoo commercial. Dahil sa buhok kong kulay charcoal na bagsak na bagsak.
Napatawa kami noon ni Ate. Akala namin joke. Bukod roon hindi ko kailangan dahil I was born with golden spoon in my mouth and spoiled brat din ako. Pero dahil sa pangungulit ng scout, at udyok ni Ate Bea, naisip kong subukan. Why not, diba?
At doon nga nagsimula ang lahat.
Isang simpleng TV ad ang nagbukas sa akin ng maraming oportunidad. Sinundan ng isa, tapos isa pa, hanggang sa napansin ako sa industriya. Hindi nagtagal, dumami ang offers—movies, teleseryes, endorsements.
At ngayon, sa edad na 24, isa na ako sa pinakamalalaking artista sa bansa.
Nanalo ako ng dalawang Best Actress awards sa pinakamalalaking award–giving bodies dahil sa mga heavy drama roles na ginampanan ko. Dalawang beses din akong naging TV Actress of the Year dahil sa mga teleseryeng ako mismo ang bida. Halos sunod–sunod ang projects ko—walang patid.
Bukod sa pagiging artista, isa rin akong brand ambassador, model, at isa sa mga pinakamalaking endorsers ng isang luxury clothing line. In demand ako hindi lang sa industriya ng showbiz kundi pati sa mundo ng fashion at business.
At higit sa lahat—isa akong Madrigal.
Anak ako ni Kaydan Angelo Madrigal, isang tanyag na doktor at CEO ng isa sa pinakamalalaking pharmaceutical companies sa buong bansa. Kilala ang pamilya namin sa larangan ng medisina at negosyo, kaya hindi lang showbiz ang dahilan kung bakit ako sikat at kilala. Ang aking ina ay si Kassandra Kattleya Madrigal, isang sikat na writer. May isang akda niya na ginawan ng live adaptation at ako ang Female Lead. Isang heavy drama movie kung saan dito ko napanalunan ang first Best Actress Award ko.
Pero kahit ganoon, hindi ko nakakalimutan ang itinuro sa akin ni Mommy.
"Anak, kahit gaano ka kasikat, huwag mong kalimutan kung paano maging mabuting tao. Be kind and be humble."
Kaya naglalaan ako ng oras, para tumutulong. Isa sa mga adbokasiya ko ang magsagawa ng medical missions, magbigay ng libreng gamot sa mga bata sa mga matatanda, at tumulong sa mahihirap. Hindi lang ako—pati ang mga kapatid ko, ganito rin.
Madalas, tinatawag akong "Artista ng Masa," hindi lang dahil sa talento ko kundi dahil sa puso kong laging handang tumulong sa lahat.
Pero kahit gaano ako ka–busy, may isang bagay pa rin akong hindi nararanasan.
Ang magmahal. Hindi ko alam kung bakit.
Ang daming nanliligaw sa akin—mga artista, negosyante, politiko. Pero wala,,wala akong napupusuan kahit isa sa kanila.
Katulad na lang ni Brent Cervantes. Anak ni Tito Jacob Cervantes. Family Friends namin sila, halos sabay kaming lumaki ni Brent.
Siya ang pinakamasugid kong manliligaw and my best friend. Anak ng isang governor, mayaman, edukado, at matino. Matagal na siyang nagpaparamdam sa akin, laging nandiyan kapag kailangan ko pero kahit anong pilit ko, wala akong maramdaman para sa kanya bukod sa pagiging kaibigan.
I took a deep sighed.
Baka masyado lang akong abala sa trabaho. Kaya hindi ko lang napagtutuoan ng pagkakataon ang sarili kong umibig.
Pero paano kung wala talagang spark?
"Ma'am, andito na po tayo," tawag ng driver ko, sabay bagal ng sasakyan.
Mula sa bintana, natanaw ko na ang malawak na bakuran ng aming mansiyon.Tanging, tango lang ang naisagot ko sa driver.
Pagpasok ng sasakyan sa driveway, agad kong napansin ang isang hindi pamilyar na sasakyan na nakaparada malapit sa entrance. Hindi ko alam kung bakit pero parang saglit akong natigilan. I felt something unfamiliar feelings.
"Señyorita, ito po ang schedule niyo bukas," paalala ng PA ko habang iniaabot ang tablet na hawak niya.
Dumaan lang ang mata ko sa screen. Isang commercial shoot, tapos isang event sa gabi.
Tango lang rin ang naisagot ko bago bumaba ng sasakyan. Pagod na kasi talaga ako at gusto ko na lang ang magpahinga at magre–charge para may lakas na naman para bukas.
Pagkabukas ng pinto, agad akong sinalubong ng dalawang katulong namin para kunin ang mga gamit ko. Sanay na ako sa ganito—na tuwing uuwi ako, may sumasalubong sa akin, may nagaasikaso. Pero ngayong araw, may isang bagay na bumabagabag sa isip ko.
Napalingon ako sa sasakyan na nasa driveway.
"Kanino 'yung sasakyan?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay.
Saglit na nagkatinginan ang dalawa bago sumagot ang isa. "Sa bagong doktor po ng lolo niyo, señyorita."
Nagsalubong ang mga kilay ko. Magpapalit ng personal doktor si Lolo? Why? Okay naman ang dati niyang doktor. Sa bagay matanda na kasi ito at nasa retiring age na.
Pero ang hindi alam kung bakit, parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Naging abnormal ang t***k nito.
DALA ng aking kuryosidad kung sino ang bisita nila. Dumiretso ako sa pool area, kung saan madalas magpalipas ng oras ang Lolo at Lola ko kapag may kausap silang bisita.
Habang papalapit, una kong narinig ang mahihinang halakhak ng dalawang matanda. Mukhang nag–e–enjoy sila sa usapan. Ngunit natigilan ako nang makita ko ang pigura ng isang lalaking nakatalikod.
Malapad ang balikat. Matangkad. Maskulado.
Kahit naka simpleng t–shirt at pantalon, halata ang tikas ng katawan niya. His dark, 'yung kulay ng balat niya pang–probinsiya, wavy hair reached just above his nape, giving him an effortlessly rugged look. May kakaiba sa presensiya niya—parang may aura siyang hindi basta–basta.
Napahinto ako saglit, tila nagdalawang–isip kung lalapit pa ba ako. Pero nang makita ako ni Lola, agad siyang kumaway. Wala na akong choice and I waved back.
"Andito ka na pala, Apo!" Masayang bati ni Lola. "How's the taping?"
Mabilis akong lumapit, at isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko. "It's fine, Lola," sagot ko, kahit ang atensyon ko ay naroon pa rin sa lalaking nasa harapan nila.
At sa mismong paglapit ko—saktong humarap ang lalaki.
My eyes grew wider a little.
For the first time in my life, naramdaman ko ang sinasabi nilang butterflies in the stomach. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdamam ko. Basta parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makitang mabuti ang mukha ng lalaking nakaupo sa harapan ng aking mga abuelo at abuela.
Muntik na akong mapa–"oh!". He was gorgeous. Siya ba ang bagong doktor ng lolo ko?
Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, chiseled jawline Hindi ito 'yung tipikal na artistahin na gwapo—na pang boy next door. He was striking, masculine, and effortlessly attractive.
Parang tumigil ang pag–ikot ng mundo ko saglit.
Nakatingin lang ako sa kanya—matagal, halos hindi ako makapag–isip nang maayos. At kahit kumurap nga hindi ko magawa, talagang nakuha niya ang atensiyon ko.
Oh, God! Ano ito? Bakit parang bumilis ang t***k ng puso ko? Halos matulala akong nakatitig sa lalaki pero nakuha pa rin ang ngumiti rito.
The man was utterly gorgeous. Very striking ang personality nito.
Kung hindi pa nagsalita si Lolo, baka napatitig pa ako nang mas matagal.
"So, Trice," ani Lolo, may bahagyang panunukso sa tono ng boses. "Ano pang tinatayo mo d'yan?"
Tumayo ang lalaki para i–alok sa akin ang pwesto niya. Napatingin ako sa kanya, na impressed. Gentleman pala. Mas lalo akong na–attract. Para akong tinedyer na kinikilig sa isang artista, pero sa harap ng isang totoong tao.
Ngumiti ang lolo ko at ipinakilala siya sa akin. "Trice, this is Dr. Dmitri Niccolo Hayes. Siya na ang bagong doktor ko."
Hayes? Parang asawa ni Ate Yanna. Hayes. Tumikhim ako, trying to compose myself. "Nice to meet you, Doc."
Dmitri extended his hand. Napatingin ako sa palad niya. I wasn't sure kung tatanggapin ko, pero iniabot ko rin ang kamay niya kahit ramdam ko ang kaba. Mainit ang palad niya, matigas pero hindi magaspang. Parang hindi bagay sa isang doktor, pero bagay sa isang lalaki.
Agad niyang pinakawalan ang kamay ko at ngumiti siya nang mahina—polite pero distant. Bumalik siya sa upuan niya, at ako naman ay napaupo rin sa tabi ni Lola. Pero kahit anong pilit kong itutok ang atensyon ko kay lolo, panaka—naka akong sumusulyap kay Dmitri. Ultimo ang paggalaw ng Adams Apple nito sa bawat pagsasalita ay nagbibigay sa akin ng attraction. Maraming gwapo sa mundo pero kakaiba ang appeal ni Dmitri sa akin.
Hindi ako nakatiis sumabad ako sa usapan nila. "Lolo, nasaan po ang dati ninyong doktor?"
"Nagretiro na si Dr. Sanchez, at si DN ang pinalit niya." Then, kinuwento ng matanda kung paano niya nagustuhan si DN. DN kong tawagin ng mga tao. Napansin kong napangiti ang matanda habang kinukwento kung paano sila nagkasundo agad ng binata. Hindi ko alam kung bakit, pero natuwa ako.
"Actually," dagdag ni Lolo. "Dmitri is very passionate about medical missions."
Napataas ang kilay ko, interested ako bigla. "Talaga? That's good. I can help too. It's my advocacy."
Nakita kong bahagyang lumiwanag ang mata ni DN sa sinabi ko. "That's nice to hear," sabi niya. "We're planning a medical mission next week."
“I’d love to help,” sagot ko agad.
Napatingin siya sa akin, parang nag–aalangan. "Are you sure? Hindi ka ba busy? Baka makaabala pa sa oras mo. Alam kong sobrang busy mo sa career mo."
Umiling ako. "No, I'll make time. Gusto ko talagang makasama." May paniniyak sa tinig ko.
Nakangiting sumang–ayon sa akin si DN. Nagpatuloy ang usapan namin tungkol sa medical mission, pati na rin sa mga donation na ibibigay ko. Sa totoo lang, parang nawala ang pagod ko. Ang gaan kausap ni DN. May substance. Hindi boring. Masarap siyang pakinggan. Lalo na ang mga advocacy niya, ang tumulong talaga sa mga nangangailangan.
Pero nawala ang ngiti sa labi ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang Lola na sumingit sa usapan. "Bakit hindi mo isinama ang girlfriend mo? Para nakilala namin."
Napatitig ako kay DN tila ba hinihintay ko ang kompirmasyon niya na totoo ang sinasabi ni Lola.
Na may girlfriend siya? "May girlfriend ka?" Tanong ko, bahagyang tinago ang kaba sa pamamagitan ng pekeng ngiti.
Tila wala lang sa kanya nang sumagot si DN. "Yes, since high school. We're planning to get married." Proud niyang sabi na may kasamang pangingislap ng kanyang mga mata. Mukhang mahal niya ang girlfriend niya. "Ipakilala kita if tuloy ang pagsama mo next week."
Pero, halos hindi ko narinig ang sumunod na sinabi niya. Parang bumagal ang oras. Hindi ko maintindihan, pero may kung anong sakit akong naramdaman sa dibdib.
At ang tanong ko sa sarili ko—bakit? Bakit ako nasasaktan? Natawa ako ng pagak. Funny! Isn't it?
Pagkatapos ng sinabi ni DN, nanatili akong nakangiti, pero sa loob–loob ko, parang may kung anong pumunit sa dibdib ko. At hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina.
Since high school. We're planning to get married.
Pasimple akong napailing. Hindi ko talaga alam kung bakit iyon lang ang paulit–ulit na tumatakbo sa isip ko. Ang gaan–gaan na ng pakiramdam ko kanina, tapos ngayon, parang bigla akong nilunod ng emosyon na hindi ko maipaliwanag.
Bakit parang ang sakit?
Pinilit kong ipokus ang atensyon ko sa usapan nila ni Lolo, pero hindi ko mapigilang mag–isip.
Was it love at first sight?
Hindi ko rin alam dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Napatawa ako nang mahina sa isiping iyon. Ang babaw ko naman kung ganun. Hindi ako naniniwala sa mga ganoon klaseng bagay. Hindi ako 'yung tipo ng babaeng madaling ma–fall. Hindi nga ako nagkaroon ng serious relationship kahit na maraming nanligaw sa akin. At marami na akong naging leading man, may mga intimate scene kunwari pero hindi naman ako na fall. Sa akin it's not personal—kundi work lang. Dumanas ako ng loveteam pero never akong na inlove sa ka–LT ko.
Pero bakit iba ito?
Bakit parang...ang lakas ng epekto sa kanya ni Dmitri Niccolo Hayes. Sa maiksing sandali, bakit tila may binulabog sa sistema ko si DN.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala. Nagising lang ako nang marinig kong tinatawag ako ni Lola.
"Apo, ayos ka lang?"
Napakurap ako at pilit na ngumiti. "Opo, Lola."
Pero sa totoo lang, hindi ako sigurado kung okay pa ba ako.