Chapter 106.2 Dmitri Nikolai LUMAPIT siya sa waiter malapit sa bar counter. May ibinulong. May seryosong ekspresyon tila may pinapakiusap siya. Maya–maya, may dinukot siya sa bulsa—pera o tip, ewan kung ano iyon, hindi malinaw—at iniabot sa waiter. Tinanggap naman ito ng lalaki, saka tumango. Tapos, umalis. Si Paolo, bumalik sa mesa...may ngiti sa labi. Pero hindi totoo ang ngiting 'yon. Kilala ko na ang ngiti ng taong may binabalak. "Kumain muna tayo, then make a last toast of wine bago tayo umuwi. Pagbigyan mo na ako, Beatrice. Ito talaga ang wish ko—na makasama ka sa birthday ko." Napilitang tumango si Beatrice. Kita sa mukha niya ang pagod at pagkailang. Pero hindi siya sumagot. Kinuha na lang niya ang wine glass at dahan–dahang uminom. Nag-serve ng pagkain ang waiter. Para tala

