Chapter 104 Dmitri Nikolai NAGDESISYON akong pumasok sa loob ng botique. Napaiwan naman si Uno sa sasakyan. Ako naman, suot pa rin ang disguise ko na parang kawatan, pinilit kong iayos ang lakad ko habang papasok sa boutique. Ayaw kong mahalata agad at makilala ni Beatrice. Ang mahalaga, makita ko siya. Maprotektahan kung kailangan. Pero pagkapasok ko pa lang. May mainit na hangin agad ang sumalubong sa akin. Parang may tensyon na halos pumutok na sa loob ng boutique. Parang may silent war. Nakita ko si Beatrice, kalmadong nakaupo sa isang upuan habang may staff na kinakausap si Angela. "Ma'am Angela, I'm really sorry po...pero ang gown pong 'yan, naka–reserve na po kay Ma'am Beatrice. It was custom–designed specifically for her." Tumigil ako sa paglakad. Bahagyang nagkubli sa likod

