Chapter 93 Beatrice Celestine ABOT tenga ang ngiti ko nang isuot ni DN ang singsing sa palasingsingan ko, at ara akong hindi makahinga sa sobrang dami ng emosyon na nararamdaman ko. Ramdam ko pa rin ang patuloy na pagtulo ng luha ko habang pinagmamasdan ang kumikislap na singsing sa daliri ko. I still couldn't believe it, isa sa mga pangarap ko, 'yung minsan ko lang pinangarap tahimik noon ay nangyayari na. DN proposed to me. And this time, hindi dahil may nag–utos. Hindi dahil napilitan siya. Hindi dahil may pressure, kundi dahil gusto niya. Buong puso. Buo ang loob. Iba pala 'yung pakiramdam kapag alam mong walang kahit sinong nagtulak sa kanya para gawin 'yon. Kundi ang sarili lang niya. 'Yung alam mong galing sa kanya, at hindi na siya kailangang kumbinsihin pa. At walang Lolo

