Chapter 46 Beatrice Celestine NAKATAYO ako sa balkonahe, nakaharap sa dagat. Malamig na ang simoy ng hangin, pero mas malamig pa rin ang nararamdaman ko dito sa loob ng dibdib ko. Dalawang araw na ang lumipas simula nang umuwi ako...pero hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa ang sakit. Ang bigat at ang kirot. Masakit sobrang sakit. Parang bawat paghinga ko, may tinik na humihiwa sa dibdib ko. Sa loob ng isang taon na pagsasama namin ni DN bilang mag–asawa, kahit kailan... hindi ko naramdaman na ako ang pinili niya. Na ako ang mahal niya. Na ako ang asawa niya—hindi lang sa papel, kundi sa puso. He never gave me a space in his heart. Because his heart was never mine to begin with. Mas pinili niya ang ibang babae.Mas pinaniwalaan niya ang kwento ng iba. Mas madali para sa kanya an

