Chapter 62 Dmitri Nikolai "KIDS, meryienda time," tawag ng isang katulong mula sa bukas na sliding door. Bigla na lang nagsitakbuhan ang mga bata, parang may karerang kailangang salihan. Naiwan akong nakatayo sa buhangin, sinusundan sila ng tingin habang tumatawa pa. Pero bago pa ako makahakbang, bumalik si Dannie. Napatigil ako. Suplada lang ito kanina, di ba? "Come," sabi niya, mahina pero buo. Hinila niya ang kamay ko, parang wala akong choice kundi sumunod. Hindi ko naitago ang ngiti. Simple lang, pero sa loob–loob ko, parang may piraso ng pader sa pagitan namin ang biglang gumuho. Pagpasok namin, diretso kami sa poolside kung saan naroon si Kassandra nakaupo at naghihintay. Sa tabi ng table, nakaayos na ang pagkain—pancakes, juice, at kung anu–anong snacks na mukhang paborito

