Chapter 72: Dmitri Nikolai NANDITO kami ngayon sa bahay nila ni Trice sa siyudad dahil sa pakiusap ko kanina. Madilim ang sala, tanging ilaw sa hallway lang ang bukas. Walang tunog sa paligid kundi ang t***k lang ng puso ko. Hindi dahil kinakabahan—kundi dahil sa sobrang pananabik. She stopped in front of a door. Binuksan niya iyon dahan–dahan, saka marahang tumingin sa akin. "Dito sila," mahina niyang sabi. "Mahimbing na silang natutulog." Sumilip ako. And there they were. Tatlong maliliit na katawan sa magkakatabing kama. Nakabalot sa malalambot na kumot, payapang natutulog—parang mga anghel. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung paano ako huminga. Lumapit ako, dahan–dahan. Inilapit ang sarili ko sa mga munting nilalang na bunga ng pagmamahal namin ni

