Chapter 08 Beatrice Celestine AFTER kong magbihis, I took a deep breath bago ako lumabas ng kubo. Naramdam ko agad ang bigat ng mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin. Wala naman akong pakialam. Wala rin akong kailangang ipaliwanag. Umikot ang mga mata ko sa paligid, hinanap ko si DN. Pero wala na siya, wala na rin ang kabayong sinakyan namin. Bahagyang nagpanic ang dibdib ko, pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. Baka nasa malapit lang siya. Baka may ginagawa lang saglit. Pero habang lumilipas ang segundo, unti–unting lumilinaw ang isang bagay—na iniwan niya ako rito. "Miss Trice." Napatingin ako sa babaeng lumapit sa akin. May hawak siyang renda ng isang puting kabayo. "Ihahatid ko na po kayo sa kapehan." Aniya. Hindi ako agad nakasagot, hinintay ko pa a

